Asawa Ko

137 9 2
                                    

Stell's POV

Dahil nga bored ako at tulog ang bebe ko, nagscroll ako sa lahat ng social medias ko. And napaka trending nung prank na ito. So anong naisip ko?

Gagawin ko siyempre, sa bebe Pau ko.

Niready ko yung set up ng camera, akala mo vlogger eh. Basta yung angle na madali makita reaksyon ni Pau.

Kinakabahan ako pero wala, bored ako eh.

Game na ako.

Lumapit ako kay Pau, nakahiga kasi siya.

"Pau, gising na. Bilisan mo."

Dumilat siya pero halatang antok pa ih. Kawawa naman pero para sa kapakanan ng aking boredom, gagawin ko lahat.

"Hmm?"

"Dadatin yung asawa ko bilisan mo," tarantang sabi ko kaya napatayo naman agad siya. Inayos niya yung damit niya habang ako pinapanuod lang siya. Ang hirap pong magpigil ng tawa okay?

"Vester,"napakagat ako sa labi ko dahil ang sama ng tingin niya sa akin.

"Pau."

"Bakit ngayon mo lang ako ginising? May date pa ako oh," sabi niya at inayos yung buhok niya sa vanity mirror ko.

Sandalae nga, date ba?

"At anong date yan?"

"Duh, date malamang. Ng magjowa. Oh bahala ka diyan, alis na ako."

"Hoy Pau. Prank lang yun ih. Mahal."

"Ah, alam kong prank yun. Basta malapit na akong malate sa date ko."

"Hoy anong date ba yan?"

"Alis na ako ako bye."

Waah, anong date daw ba yan? Another artist? Ka-collab niya?

Frustated akog lumapit sa phone ko, "Badtrip naman. Date date, wala talaga siyang uuwian. Nako wag niyo na gawin tong trend na ito. Nakakakulo ng dugo."

---

It was 10 o'clock. Wala pa din si Pau. Mukhang enjoy na enjoy yung date niya.

"Ves."

"Nandito ka na pala," sabi ko at pinatay yung tv. Bahala ka maghanap kang kausap mo sa condo.

"Bakit hindi ka-"

"Shush. 10 pm na matutulog na ako. Night.," sabi ko at sinara ko yung pinto ng kwarto ko. Hindi ko naman nilock kaya makakapasok pa din siya.

"Ikaw nagpa-prank, ikaw nagagalit. Mahal, hindi mo ba binabasa emails ko sayo?"

"Anong emails?," tanong ko. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang siya nakasandal sa door frame.

"Hayst. I sent you an email yesterday. You haven't opened it yet? Kaya naman pala, hinintay kita mahal. Akala ko alam mo ayaw mo lang pumunta. I should have known."

"Hoy sino ba ksi may sabing email gamitin mo eh tinatamad ako magopen nun. Tas ako pa sisihin mo? Aba naman Pau. Parang wala tayong pinagsamahan."

"Vester."

"Sige sa sofa ako dito ka sa kama."

---

Marupok ako. Hindi ako marupok. Madupok ako. Hindi ako marupok. Marupok ako pagdating sa kaniya, inaamin ko.

"Sorry, pero sana sinabi mo."

"Okay lang. Ano kasi Ves, yung venue hindi naayos kaya medyo masaya ako na hindi mo nabasa. Kasi kung natuloy yon, wala, hindi magiging maganda date natin."

"Hay nako Pau. Ket anong klaseng date pa yan, hiking, swimming, eating, walking, running, rolling o kahit ano pa basta ikaw kasama, mahakaga na yun. Memorable. Kasi kasama kita. Yung taong mahal ko. Kahit nga sa fishbolan pa eh, o di kaya sa pilapil. Ang mahalaga kasama kita. "

"Hay, napaka swerte ko sayo."

"Fifty-fifty Pau. Madalas kitang i-prank."

"Oo, nahawa ka kay Ken."

"Ay grabe."

"Naku, nagulat din ako don sa dadating na asawa mo. Tumayo pa ako eh. Tapos bigla kong naalala na fiancé kita, di pa tayo kasal. Tapos naalala ko lang din na may supposedly date tayo, kaya ginamit ko yun. And it worked HAHAHAHA," I pecked him on the lips. Ayan matahimik ka.

So yun, wag niyo lang gagawin yung trend na yun.

***

I don't know kung saan to patungo beh. Basta ang main njto ay yung trend na dadating yung asawa niya HAHAHHAHAHA.

Bye loves.

Lovelots~

PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now