Misunderstanding

340 13 1
                                    

Stell's POV

Ramdam na ramdam ang pagbabago ng hangin sa loob ng practice room. Ang kaninang masaya at puno ng tawanan ay nabalot ng katahimikan.

"Umuwi na kayo," sabi ni Pau. Nagkatinginan kaming apat.

"Pero Pau. Anong oras pa lang oh," sabi ko at tila wala siyang narinig.

Nakita kong sumenyas si Jah kaya lumapit ako. Tumingin muna siya kay Pau na nakahiga sa sahig.

"Anong ginawa mo?," bulong niya sa akin at nagkibit-balikat ako.

Hidi ko din alam kung bakit nagbago bigla ang timpla niya. Kanina lang sumasayaw pa siya ng hotdog dance niya eh..

"Umuwi na tayo Jah at Ken," sabi ni Josh at tinignan niya ako.

"Ayusin mo ito," bulong niya kaya napsbuntong hininga ako.

Nagpaalam na sila kaya naiwan kami ni Paulo sa loob.

Nabalot ako ng kaba.

"Pau?," tawag ko at walang sagot. Tumayo ako at tumabi sa kaniya.

"May nagawa ba akong mali?," tanong ko.

Halos lahat sila ako ang tinatanong eh. Ni ako walang ideya kung bakit ganto na siya.

"Umuwi ka na, Stell. Cancel na ang resto,"sabi niya kaya nalungkot ako.

'Bakit mo naman ing-cancel?'

"Okay," sabi ko at marahang tumayo. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas.

Baka bukas malamig na ang ulo niyan.

Nakauwi na ako ng condo ko. Tumawag ako kay Josh kanina. Sabi ko hindi kami nagkaayos dahil nga galit siya. Pero sinabi kong baka bukas ay lumipas din iyan.

Nagluto muna ako ng pagkain. Hindi ko mapigilan na maisip kung ano ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon.

Eh, matagal na naming plano iyon.

Matapos kong magluto at kumain ay naligo ako. Sana ma-freshen up ako kahit konti lang.

_time skip_

Halos mag-uumaga na. Hindi ako nakatulog. Napatingin ako sa phone ko at walang message si Pau kung susunduin niya ako.

Tutal hindi naman ako makatulog ay mauna na lang ako sa practice room. Ayoko mag-thirdwheel sa tatlo ngayong araw.

Naligo at kumain ako bago umalis. Naging mabilis lang ang biyahe dahil walang traffic masyado.

Pagdating ko sa building ay binati ko ang mga staff. Nagulat nga sila dahil alas-kuwatro palang andito na ako.

Pagdating ko sa practice room ay nagpractice lang ako ng sayaw hanggang mag-six na.

Napagdesisyonan ko na pumunta muna sa cafeteria para magbreak-fast ulit.

"Stell? Ang aga natin ngayon ah!," bati nung nagbabantay sa cafeteria. Nginitian ko lang siya bago kunin ang breakfast ko.

Bumalik ako sa practice room at wala pa rin sila kaya kumain ako.

Nakarinig ako ng tawanan. Pagtingin ko ay nandito na pala silang apat. Mukhang masaya na si Pau ah.

"Goodmkrning, Stell," bati nila Ken at Jah. Habang si Pau hindi tumitingin sa akin.

"Goodmorning din,"sabi ko at naghikab. Kung kailan nandito na sila saka naman ako dinalaw ng antok.

Natapos namin ang pagpa-practice ng mga alas-singko ng hapon. Kaninang lunch mag-isa akong kumain. Nahiya ako kasi mukhang sa akin nga galit si Pau.

Uwian na naman. Dalawang araw na kaming di nag-uusap ni Pau. Kahit gusto ko siyang kausapin o kahit mag-sorry man lang ay hindi ko alam kung paano ko uumpisahan.

Wala talaga akong maalala na maling ginawa sa kaniya.

Nakatanggap ako ng text mula kay Jah, nag-aya na mag inom daw sa condo ni Ken. Hindi ako sumama. Baka ma-awkward lang sila sa amin ni Pau.

Nanunuod lang ako ng netflix magdamag. Natatakot na ako sa mukha ko, para na skong zombie.

"Ano ba kasing problema mo Pau? Wala naman akong ginawang masama sayo ah. Lagi nga ikaw inuuna ko. Tapos bigla ka na lang nagkaganiyan. Nakakainis ka!," sabi ko at dinuro duro ang picture niya.

Pinunasan ko ang luha ko at binuksan ang IG ko. Nagpost sila na nag-paparty sila.

Pinost ko yung niluto ko kagabi. Hindi muna ako kumain ngayon eh.

Madaming nagtanong kung bakit hindi ako kasama nila Ken. Nagcomment ako na busy ako.

Kahit hindi naman talaga.

Nahiga ako sa kama ko. Pilit kong kinakalimutan yung problema namin. Ayoko na. Mukha na talaga akong zombie.

Si Pau kasi eh.

Moody.

_one week later_

Dalawa na lang kami ni Pau sa studio. Siyempre hindi na ako makapagtimpi kaya hinrap ko siya.

"Paulo? Ano bang problema mo? Bakit ba bigla bigla ka na lang nagagalit sa akin kahit wala akong ginagawang masama sayo?," sabi ko. Wala na akong pake kung pumiyok man ako ang mahalaga ay matapos na ito kung ano man ang nangyayari sa aming dalawa.

"Bakit hindi ka magsalita? Alam mo bang isang linggo kong iniisip kung ano ang nagawa ko sa iyo? Halos hindi ako makatulog. Kasi pano tayo magkakaayos kung hindi ko alam kung ano nag dahilan kung bakit ganito ka?," nakita kong napatigil siya sa paggalaw niya.

"Binibigyan ko lang kayo ng space ni Ken. Ayokong isipin ng mga tao na nakiki-thirdwheel ako sa inyong dalawa diba?," sabi niya kaya nagulat ako.

Thurdwheel namin ni Ken? Wala namang kami.

"Oh diba. Ngayon nagets mo na. Ayokong magkaaway kayo ng dahil sa akin," sabi niya.

"Walang kami, Pau. Sino bang nagsabi sa iyo na meron kami? Hindi ko siya gusto okay?," sabi ko at nakita kong nagulat siya..

"Sorry, natakot lang ako. You seemed close. Kaya nga nagassume ako na kayo na," sabi niya.

"With us going on multiple dates? Pau naman. You know how much I love you," nagulat ako sa sinabi ko.

"Love? Stell, pakiulit nga!," halos abot tenga ang ngiti niya. Moddy talaga.

"You heard it right, I love you. Narealize ko na, I can't stand you ignoring me all day tapos nagin weeks pa. I really badly wanna kiss you right now," sabi ko and the next thing he did was kiss me.

It was gentle and soft at first hanggang sa naging passionate and rough.

He was pinning me on the mirror. All I could hear was my fast heartbeat and our breaths.

We pulled from each other, both panting and flushed.

"Sorry, I was excited."

I giggled at him, "Nakakatakot naman pala pagna-excite ka."

We both went home after that. We got back the way we used to, clingy to each other.

Im just happy we're finally okay and that we're togetger now.

____

Two updates tayo yes.

Reminder:originally, this is a oneshot book. Then making this a story crossed my mind but I decided to push this one as one shot na lang.

Open for request na tayo ngayon HAHHAHA

PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now