Shells Ni Shelly

135 9 0
                                    

I quietly watched as the waves hit the sand softly, inaamin ko na masyado akong nagpakatanga.

As always.

Kahit na ilang beses niya akong ni-reject, nandito pa din ako. Naghihitay sa kaniya. Kasi there's still this hope in my heart, in my mind.

Na pupunta siya.

Though an hour had passed already, malay ko baka late lang siya ng gising. Though, alam ko namang he doesn't take long naps lalo na at hapon.

He's a productive person, isa iyon sa nagustuhan ko sa kaniya.

Minsan naiisip ko, kung may chance na magustuhan niya ako, ano kaya yung magugusuthan niya?

Pero imposible naman, simpleng meet up nga lang, 'di siya pumupunta.

"Hay, tigilan ko na kaya siya? Baka masyado na ako, hindi talaga niya ako magugustuhan," tinitigan ko yung shell na kanina ko pa hawak.

"Huwag."

"Luh, ikaw ba nakakaramdam? Masakit kaya, alam mo ba yun? Araw-araw na lang. Then almost a hundred times na niya akong ni-reject. Though eto pa din ako, nagpapakatanga pa din sa kaniya. No one told me na sobrang masakit kapag nagmamahal ka na."

"Huwag nga sabi eh. Malay mo mahal ka din."

"Saglit nga Shelly! Bakit ka nagsasalita?! You're supposed to only listen to me, not talk."

"Baliw na nga amp."

Napakunot yung noo ko, wala namang kakayahan magsalita ang mga shells. Kaya sino ba itong kausap ko?

Marahan akong lumingon sa tagiliran ko, nagulat ako nang makita siya. And as usual, wala pa din emosyon yung mukha niya.

"As expected, manhid ka talaga."

Sinamaan ko siya ng tingin, oo mahal ko itong taong ito. Pero hindi ako papayag na ganyanin niya lang ako.

Hindi ko hahayaan na laitin niya ako.

"Anong manhid? Baka ikaw yun," sabi ko at umiwas ng tingin.

Kinikilig ako kasi pumunta siya, kaso isang oras siyang late. Pero he still came, and it still made my heart leap.

"Im sorry, I was late."

Ngumiti lang ako at tintigan siya.

"So, narinig mo yung drama ko? Akala ko talaga kinakausap na ako ni Shelly, o nung sirena. Hindi ko alam kung tatakbo ako o ano eh."

Napangiti siya sa sinabi ko.

"So, friends?"

Napatingin siya sa sinabi ko. Halatang nagulat siya.

"Hala, hindi pa nga ako nag-uumpisa friendzoned agad?"

"What do you mean? Gusto ko nan-"

"Napakamanhid mo talaga Stellvester Ajero."

"Hin-"

"Hindi? Eh i've been giving you signs. I've been hinting on you, pero ano? Wala. Lumalabas na ako pa yung masama."

Natigilan ako aa sinabi niya. Hinting? Giving signs? Does this mean he likes me too?

"Oo, I guess you really wouldn't know dahil iniisip mo na kaya madalas kitang i-rehect is because I only see you as a friend. You're wrong, it's just that i've been scared for a long time. Naging torpe ako. And now that I've finally realize what I feel for you, susuko ka na? Napaka-unfair mo naman. "

Halos hindi ako makapagsalita, too much. Too much for today.

Hindi ko kaya.

Yes, i've been hoping for this for a really long time. Pero hindi ngayon, everyrhing feels like a dream.

Birthday ko ngayon, the sunset was perfect, he is perfect. Parang panaginip lang.

Sana hindi na ako magising kung panaginip lang ito.

"....payag ka ba?"

Agad akong napalingon kay Pau. Ano daw?

"Hay, Stell. I said, I want to take you out tonight. I guess you're too busy prpcessing my confession though its not a confession at all."

"P-Pau naman kase. A-Akala ko ano eh, you. I-para kasing hindi totoo. Alam mo yun? Like I know its not dream but it feels like it. Natutuwa ako na nalulungkot, im feeling mixed emotions. Nalilito ako natatakot ako. Ewan ko. I just, cant believe you like me too. "

He smiled before reaching for my hand.

"You must believe it, Stell. Totoong gusto kita. Hindi na kita ire-reject ulit, no, never. Hindi ito panaginip okay? Totoo ito, totoong gusto kita. Masyado lang din akong nagpakatanga. Nagpakatorpe, kung hindi ko lang kayo nakita ni Ken na sobrang close, baka hindi na ako makaamin."

Natawa ako sa sinabi niya, nagseselos din pala ang isang Jampawlo Nase? Akala ko kasi mataas pride niya, char.

"Happy birthday, Stell."

May inabot siya sa akin na maliit na box. Wait, engagement agad?

Akala ko magde-date muna kami?

"Open mo na, Stell. I know you'll like it," nakangiti niyang sabi kaya binuksan ko na iyon.

Namangha ako sa singsing na nakalagay doon.

"Para sa 'yo, custom ring. Para sa ano yan, para lagi mo akong maalala."

Kinuha ko yung singsing mula sa kahon at sinuri ito, sa loob ay may nakaukit na initial ko, siyempre may initial din niya.

"Same tayo oh," pinakita niya yung singsing na nakalagay sa necklace niya. Matagal ko nang napapansin na suot niya iyon.

So ibig sabihin, "Dati mo pa ito pinagawa?"

"Oo, gaya nga ng sinabi ko, torpe ako. Ayan na ha. Ilang beses ko nang sinabi na torpe ako, nakakahiya."

"Ano ka ba, wag ka nang mahiya. Hindi ka na torpe, kasi nakaamin ka na."

"Oo na. Tara na? Malapit nang mag 6 o," sabi niya at pinakita yung lockscreen ng phone niya.

Oo nga, "Pero saan naman? Ang sabi ko lang dito lang tayo sa dagat. Wala naman akong hinandang dinner, akala ko kasi di ka pupunta."

"Wag kang magalala Stell, chill. Kalma lang. Kain tayo sa bahay, ipapagluto kita."

PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now