Pasko na, matampuhin pa rin

94 6 0
                                    

"Ayan ka na naman Ken, sabi ko tigilan mo ako sa mistletoe na yan!," iritang sabi ko dahil may hawak na stick si Ken na may mistletoe.

"Eh kasi, gusto ko magkiss kayo Pau."

"Anong kiss ka diyan? Manahimik ka nga at tulungan mo na akong magready ng pang noche buena. At nasaan na naman si Justin? Diba sabi ko pababain mo na yon? Mamaya dadating na si Pau hindi pa tayo ready."

"Daddy chill, nasa cr pa si Jah. At kung inaalala mo sila Pau, matatagalan sila at traffic. Masyadong ready armalite mo ah."

Napairap na lang ako sa pinaggagawa ni Ken. Hindi na rin ako nakipagtalo pa dahil baka mas lalong hindi kami makakakilos.

"Oh my gosh, ang ganda," pumapalakpak na sabi ni Jah habang tinitignan ang naging ayos ng dining. Napangiti ako dahil sa saya. Finally!

"Wala pa ba sila?," sinilip ko si Ken na nasa gilid ng pinto at halatang hinihintay rin sila Pau.

"Wala pa eh, hindi na rin nagrereply si Josh," palabi niyang sagot kaya napailing ako.

"Nagugutom na ako, wala pa ba silang mas itatagal?," reklamo ni Jah habang padabog na umupo sa couch.

Bumuntong hininga ako,"Traffic lang siguro. Marami pa rin kasing umuuwi ngayon kahit magChristmas na."

Inabot na kami ng halos tatlumpong minuto kakahintay hanggang sa bigla  na lang bumukas ang pinto.

"Finally, iinit ko na yung pagkain."

Pumasok na ako sa kusina, yung mga pagkain kasi tinabi namin dahil sayang. Atsaka akala ko hindi na sila makakapunta. Sorry, eto lang ako, matampuhin.

PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now