Pangamba

110 11 2
                                    

Stell's POV

Nakatingin ako kay Pau na busy sa cellphone niya. there is something with him that attracts me more. Ewan, kahit simple gestures lang nakakakilig na.

Napawi ang tingin ko mula sa kaniya nang pumasok si Ken sa room, Siya ang pinaka close ni Pau dito, bukod kay Josh. Nakita ko na parang pagod siya. Kawawa naman.

"Nakapagpahinga ka ba?," rinig kong tanong ni Pau kay Ken, concerned na concerned.

"Mhm, idlip lang ako, gising mo ako bago magtime."

Yumuko na si Ken sa desk niya, bakit ba kasi sa harapan ko pa sila nakapwesto?

Kairita naman.

Napahalukipkip ako, hindi ko alam kung bakit nagseselos ako eh wala namang kami, at hindi rin kami masyadong close ni Pau. Nag-uusap lang kami kapag tungkol sa lesson.

"Umagang-umaga, Mr. Heavenly voice," bati ni Justin. Napairap na lang ako sa kaniya.

Nilabas ko na lang yung reviewer ko, baka kasi may pa surprise quiz first subject namin. Mahilig pa naman iyon sa surprises. Surprise! Bagsak ka, Mr. Ajero.

---

Lunch time na at nakikipagsiksikan kami ni Justin sa pila, kanina pa siya nagrereklamo dahil ang init init daw.

"Malapit na ba tayo? Stell, doon na lang ako."

"Ano ka? Sinuswerte? Ayoko nga, dito ka. Sabay tayong magdusa," hinawakan ko yung kamay niya at narinig ko ang pagmumura niya.

"Ayan na sila," biglang bulong niya. Nagtakha naman ako sa sinabi niya, sinong sila? Artista ba 'yan?

Lumingon ako sa direksyong tinitignan ni Justin, at nakita ko si Pau na pumasok kasabay si Ken, nakita ko kung paano mamula si Justin nang tumingin si Pau sa direksyon namin at kumaway.

"Beh, huminga ka," paalala ko sa kaniya. mukha na siyang hihimatayin anomang oras. Nakakakaba.

Nag breathing exercise muna siya and by the time he's done, kami na ang sunod na oorder.

Namili na lang ako ng mura, at hinintay si Justin na makaorder, shawarma lang yung akin dahil kumain ako kanina habang nagdi-discuss yung teacher namin.

"Saan tayo?," bulong ni Justin, puno na halos lahat ng table sa cafeteria. Wala na kaming choice kung hindi sa labas na lang kami kakain.

Naglakad na kami palabas ng cafeteria patungon garden, wala namang masyadong tao doon, ewan ko,hindi sila mahilig sa nature eh. Wala kasing chismis dito, at hindi din dito nagtatambay yung mga pogi.

"So, gusto mo siya?," tanong ko kay Justin nang makaupo na kami sa grass part ng garden.

"Sino?," tanong niya habang humihigop ng plus niya.

"Yung kanina, nakita kitang namumula nung pumasok siya ng cafe," sabi ko at nakita ko na naman ang pamumula niya.

"Oo, hindi ka naman nagagalit 'di ba?," tanong niya at umiling ako.

"Bakit naman? Ang puso, kapag tumibok huwag mong pigilan, let it flow. Pero kapag naisip mo na it's too much, tumigil ka na."

Tumango siya sa sinabi ko, nagpapasalamat siya dahil sa payo ko. Hindi ko na lang pinansin yung kirot ng puso ko. Kaibigan ko si jah, at alam ko sa sarili ko na handa akong gawin ang lahat para lang mapasaya siya. Kahit na ang ibig sabihin 'non ay ang kalimutan at iwasan ko siya.

Si Pau.

---

Time na naman at nakaupo na ako sa chair ko, nakapagdesisyon ako na kalimutan na lang yung nararamdaman ko kay Pau. At siyempre ang iwasan siya.

Habang nagdi-discuss ay pasulyap-sulyap ako sa direksyon niya. Paano ko ba uumpisahan iyon?eh ngayon pa lang hirap na hirap ako.

"May problema ba,Stell?," tanong ni Jah mula sa gilid ko. Siyempre lowkey lang, baka magalit prof namin eh.

"Wala, bakit mo natanong?," sagot ko habang nagsusulat ng notes.

"Kanina ka pa nakatitig kay Pau eh, gusto mo ba siya?," tanong niya.

"ANO? HINDI AH!"

"AJERO! May problema ka ba?," nagulat ako kay prof, halos lahat ng mata sa akin nakatuon. Bigla akong nakaramdam ng kahihiyan. Masyado kasi akong defensive eh.

"w-Wala po, pwede po muna ako gumamit ng rest room?," tanong ko at tumango siya. Nakahinga akong maluwag.

Tumayo na ako at naglakad na papuntang rest room, nang makarating ako doon ay napatitig ako sa salamin. Bakit ba nagkakaganto ako? Ano ba kasing meron siya na masyadong nakaka-attract?

Napahilamos ako sa mukha ko. bakit ba gusto ko siya?

---

OOOPS!

Si MissAehtla ay maihahalintulad sa isang kabute, bigla bigla na lang susulpot.

Anyways, humihingi ako ng pasensiya for being inactive,sobrang daming nangyari these past two weeks. Nakaka-stress lalo na at sunod-sunod na quiz yung ginagawa namin, madalas first subject pa.

Ahm, dont worry may part two pa ito.

Pakihintay na lang po. Happy Weekend!!

lovelots~

PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now