ILY

85 8 0
                                    

Kung need nyo context kung bakit eto part two, please ready yung chapter na ang title ay "Asawa Ko".

-----

Stell's POV

Tanghaling tapat, walang magawa. Hindi pa din umuuwi si Pablo, ang paalam nya ay bibisita siya sa parents nya. Naisip ko naman na magpa-iwan muna sa condo para maglinis, at siyempre bigyan naman ng oras si Pablo para makapag-bonding sila ng family nya. Ipinaliwanag ko naman din na kahit kami na, eh alam ko naman na need nya ng time to spend with his family. Hindi lahat ng oras ay dapat kasama ako sa mga lakad nya ano.

Dahil maaga akong natapos sa aking mga gawain ay naggawa na lang ako ng meryenda ko, kahit tanghali pa lang. I took strawberries from the fridge and washed it under the sink alongside some grapes. Parang bet ko gumawa ng tanghulu dahil madalas na dumaan sa For you page ng tiktok ko.

I heated up the pan, and started the procedure of melting the sugar. Ni-ready ko na din yung ice water, and itinusok ko na sa skewers yung prutas. And after ilang minutes, I eventually ended up with five skewers of tanghulu. Okay na siguro ito para sa akin.

I took the plate containing the tanghulu, and placed it on the coffee table. Since alam kong gabi pa ang uwi ni Pablo, naisipan kong manuod muna ng youtube sa phone ko. And I came across a prank, na sa tingin ko ay mag-wwork kay Pablo. "Not saying I Love You Back". Pamagat pa lang, ramdam ko na yung reaksyon ni Pablo.

Kinuha ko na yung go pro kahit sobrang aga pa lang, mas maganda na ang handa kaysa sa aligaga. Ewan ko din kung saan ko napulot yung kasabihan na yon, but that is beside the point. In-on ko na ang go pro at nag-intro.

"Good day! Alam na ang drill, mag-isa lang ako mag intro, meaning na this is a prank video! And, alam naman na natin kung sino ang biktima...hindi ba?," napangiti ako, naiisip ko palang yung magiging reaksyon ni Pablo, nae-excite na ako na kinakabahan.

Habang ine-explain ko kung ano ang magiging takbo ng prank ay saktong tumawag si Pablo. I gestured to the camera and placed a finger on my lips as if telling the viewers to be quiet.

"Hello, love?," I tried to sound normal. Kahit kabog na kabog yung dibdib ko.

[Love, mapapa-aga ang uwi ko. Miss na kita eh.]

"Hala sya, miss you too din. Ingat ka sa pag-uwi ha? Hihintayin kita dito," I winked at the go pro I was holding. I think oras na ito para i-execute yung prank hehe.

[Sige, mag drive na ako love. I love you.]

"Mhm, ingat love."

[Love, I love you.]

"I know, ibababa ko na yung call, love. Baka masunog yung niluluto ko hehe. Ingat!"

[Stell, I love-]

Hindi ko na pinatapos. In-end ko agad dahil sa sobrang kaba ko. Hala, feeling ko na nagalit si Pablo.

"Sorry in advance love, pero bored na ako at gusto na kita i-prank ulit," natayawang sabi ko sa go pro cam ko. Agad na akong kumilos dahil alam kong mag-mamadali umuwi ang isang yun. 

Kinuha ko na ang ibang go pro at in-adjust ang camera, kung saan hindi ito madaling makita. Bale dalawang go pro ang naka-set up. Habang hinihintay ko si Pablo ay umupo na ako at sinumulang kainin yung tanghulu na niluto ko. Ni-rate ko ito ng 8/10, wala lang. Trip ko lang.

Habang naghihintay ay nag-scroll na lang ako sa tiktok ko. Kinakabahan at nae-excite pa din ako sa maaring mangyari kapag nakauwi na si Pablo.

(Time skip)

Napabalikwas ako nang marinig ang pagbukas ng pinto ng aming condo. Agad kong inayos ang sarili ko at tumayo upang i-greet sya.

"Love, nakauwi ka na pala," sabi ko pero yung tingin ni Pablo, nakakatunaw.

"Stell."

Patay, galit na siya huhu. Agad akong ngumiti.

"Ha? Bakit love? Gutom ka na ba? Nagluto ako ng ano kanina, gusto mo-"

Napatigil ako nang hatakin ni Pablo ang braso ko at niyakap nya ako ng mahigpit. Wala akong ibang nagawa lung ang yakapin siya pabalik.

"Love...I said I love you," bulong nya at bakas ang lungkot sa boses nya. Sorry, love. Pero gusto ko ituloy itong prank ko.

"Alam ko Pablo, ramdam ko naman eh."

"Stell....I love you."

"I like you too."

"Stell."

"Love?"

"Isa. Stell, love...anong problema? May nagawa ba akong mali? May nakalimutan ba ako? May gusto ka bang pasalubong? Tell me, please," bulong nya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap nya sa akin.

Ala na, nag-guilty na ako.

"Wala naman. Bakit mo naman naisip yun?"

Pablo sighed, before he let go of me. Pagod syang umiwas ng tingin.

"Sige, sa kwarto na lang muna ako. Kausapin mo na lang ako kapag....ready ka na magsabi ng ganon pabalik."

Ayan, tampo na ang baby ko.

Pinanuod ko kung paano pumasok si Pablo sa kwarto namin. Napangiwi ako at nagmamadaling kinuha ang camera.

"Ewan ko, nakakakaba na ganon yung naging reaksyon ni Pablo...I think kailangan ko nansyang suyuin," bulong ko sa camera at naglakad papunta sa pinto ng kwarto.

Tatlong katok. "Love? Pwede ba tayong mag-usap?"

Walang sagot. But I took it as a chance and went inside. Pablo was laying on the bed, his back facing me. I can't see if gising ba sya or tulog. I quietly sat behind him.

"Love? Can...I tell you something?"

"..."

"It's a prank! Pablo, love, you got pranked! Are you mad? Please don't be mad, mahal mo naman ako 'diba?"

Agad kong niyakap si Pablo, he didn't hug me back...yet.

"Come on Pablo, love. It's a prank okay? I got bored, so naisip ko na mag-prank sa'yo. Eto nga,, not saying I love you back," paliwanag ko.

Pablo sighed, a sigh of relief.

"Love! I really thought may nagawa akong mali to upset you. Pero...totoo ba na it's a prank?"

I smiled, "Yes, it's a prank. I love you."

"I like you too, Stell."

"Eh? Pabloooo~"

Natawa na lang kaming parehas at niyakap ang isa't-isa. Nakangiti akong tumingin aa camera.

"Ayoko na, hindi na ako uulit na mag-prank, promise!"

----

Lame chapter mwehehehehehehe.
Please ignore the fact na hindi ko alam ang type ng camera na dapat gamitin when it comes to things like that. Hindi naman kase ako youtuber para malaman ih. Chariz!

Lovelots~
Missy Ae

PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now