Anak Agad

153 11 3
                                    

"Ayieee, kayo ha. May hindi kayo sinasabi sa amin," panunukso ni Jah. Ayan umaarangkada na naman pagiging issue neto. Kapag siya naman pikon agad.

"Sus, as if wala naman silang tinatago ni Josh," sabi ni Ken kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Jah. Sabi ko na nga ba eh.

"Hay, kung sana ginawa niyo na lang part niyo sa research edi sana naipasa na natin kay sir eto," sabi naman ni Pau at sumang-ayon ako.

Sa isang araw na ang deadline, kailangan na namin maghanda. Actually patapos na kami kailangan na lang ayusin ng ibang parts.

"Eh, pwede naman 'yon, habang nagawa tayo ng research ikwento niyo lovelife niyo," sabi pa ni Jah. Push mo pa beh, baka bigla ka nalang matanggal dito sa research group.

"Okay na ba sayo yung 75 na grade?," tanong ni Pau kay ken na agad namang kumunot yung noo.

"Ako kasi hindi eh, kaya ikaw na lang bibigyan ko ng maraming parts para mataas grade mo dito, hindi katulad ng isa diyan, chill lang," sabi nito.

Ako ata pinaparinggan nito ah, aba naman hoy. May naitulong kaya ako.

"Grabe ka naman Pau, may ambag naman ako diyan," sabi ko at hinawakan yung balikat niya.

"Luh, lumayo ka nga sa akin. Anong ambag mo?"

"Kagwapuhan."

Bigla namang binato ng papel ni Jah si Pau dahil paran nag-lag pa. Bigla na lang tumigil eh.

"Forda namumula ang ferson, aminin na kaseeeeee," panunukso ni Jah.

"Mahal tumigil ka na nga diyan," pabulong na suway ni Josh. Rinig naman namin, mga parayaw eh.

Lumingon ako kay Pau na nakatutok sa laptop niya. Ang pogi naman this boy, kaso ubod naman ng sungit. Pero still, boyfriend material siya.

Oo na, Stell. Alam naman nating crush mo siya. tantanan mo na beh, research muna bago landi.

"Ang pogi mo Pau," hala beh, hindi ako yan. Sinapian lang ako ng kaluluwa ng dating may crush sayo na multo.

"Hala, forda inlove na nga si Stell, oh kasalan na. Hayaan niyo na yang research. Sabay sabay tayong bumagsak."

"Bakit hindi na lang ikaw? Nandadamay ka pa eh," sabi ni Ken kay jah.

Puro sila bangayan dalawa, akala ko nga sila magkakatuluyan. Sila pala ni Josh, kawawa naman si ken, crush din non si Jah eh.

¬

Natanghalian ako ng gising po, opo.

Kaya eto natakbo ako papasok ng room, nakita ko naman na wala pang teacher, pero nung napalingon ako sa USUAL seat ko ay may iba na nakaupo.

Wala akong nagawa kundin sa likod na lang naupo, sa likod ng upuan ko. Bakit kase lumipat siya? Porket ba late, aagawan na?

Napanguso ako dahil hindi man lang ako pinapansin ni Pau, naguusap lang sila ni Thea. Aba, hoy po, ako dapat nandiyan eh. Mga kairita.

"Hala Stell, dito ka nga pala nakaupo ano? Palit na tayo," sabi niya at akmang tatayo nang pigilan ko siya.

"Huwag na," sabi ko at nginitian siya. Nakatingin lang si Pau kay Thea, edi siya na.

Natapos ang morning classes namin at nagsisisi na akong pumasok. Sana pala absent na lang din ako tulad ni Ken.

"Oy, may nagseselos dito oh," panunukso ni Jah. Hindi ko lang siya pinansin at dre-diretsong naglakad patungon kantin. Gutom na ako please lang.

"Stell, alam mo naman-"

"Ano ba Jah, nagugutom na yung tao eh. Wala pa kaya akong almusal dahil late ako. Pakainin mo na lang muna ako," sabi ko at tumango siya.

PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now