Kumpas part 2

192 10 1
                                    

A year and a half, matagal na akong walang balita kay Stell o kanino man sa kaibigan ko. I chose to stay away from them to move on, to finally move forward.

Pero akala ko okay na, kaya naisipan kong bumalik sa Pilipinas. I've stayed in Korea for a year. Na-enjoy ko kase I've tried a lot of things, and finally found someone for me.

"Hal? You're spacing out again," napalingon ako kay Max.

"Am I? Pasensiya na, I haven't been home for a year, Everything feels different," sabi ko and she smiled warmly at me.

"Then you deserve to travel around here again, go to the usual spot you always go to, it can help you ease things up," she placed a comforting hand on my shoulder.

"Mhm, maybe you're right. Hindi naman pwedeng forever akong mag-stay dito sa bahay. We actually need groceries, " sabi ko and she nodded,

"Sige, sige. Ilista ko na. Change your clothes na mahal," marahan niya akong tinulak towards the stairs.

"Opo, sige po," sabi ko at umakyat na sa taas. pagpasok ko sa kwarto ay napangiti ako.

Im finally home.

---

Nasa gorcery store ako at ako ang nagtutulak ng cart para kay Max, habang siya naman ang nangunguha ng mga grocery.

"Hal, what do you want tonight?"

"Hotdog na may kaunting spaghetti," sabi ko at binatukan ako. Aba, mapanakit.

"What? Nagtanong ka, sumagot ako. Bakit kailangan mong manakit ha?," sabi ko habang hinihimas yung ulo kong hindi naman masakit pero nakakatuwa kasing pagtripan itong babaeng ito.

"Pau?," napalingon ako at nawala lahat ng sayang nararamdaman ko. Dahil nasa harap ko ngayon, yung taong hindi ko inaakalang mahal ko pa din hanggang ngayon, kalong yung anak niya.

"S-Stell, kumusta?," sabi ko at naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko.

"Ayos lang ako, ikaw ba? Hindi ka na daw makontak nila Jah, we even went to your house last year, walang katao-tao," sabi niya at napatango ako.

"Ah, about that, pasensiya na pero kailangan na naming umalis, tara na mahal," sabi ko at hinawakan ang kamay ni Max, sinigurado kong hindi mahigpit yung pagkakahawak ko dahil baka masaktan siya.

"Pau? Siya ba yung..."

"Huwag na nating pag-usapan please."

---

Rining na rinig ko ang pagkilos ni Max sa kusina, tahimik ang buong bahay, tanging tunog ng electric fan at mga kasangkapan ang maririnig. Hindi pa din ako makapaniwala na makikita ko si Stell,  At sa ganoong sitwasyon pa.

"Pau, handa na ang hapunan," sumilip mula sa pinto ng kusina si Max. Tumayo ako at pumasok sa loob. Nakahanda na ang spaghetti, may mga pritong hotdog din.

"Maupo ka na," sabi niya.

Kumain kami ng tahimik. Walang nagsasalita, nagpapakiramdaman lang kaming dalawa.

"Pau, kung may sasabihin ka, sabihin mo na."

"Anong gusto mong sabihin ko Max? Na mahal ko pa din siya after a year of being away? Na, everytime we kiss, siya lang ang nakikita ko? Na unti-unti kong nare-realize na..."

"Hindi mo ako mahal talaga, yes it may seem that you do, pero never kong naramdaman na oo. You always treat me like a friend, tinanggap ko yun Pau, kase mahal kita. Pero hearing that you realized something, hurts me more than it should."

"Nagpakatanga ako kasi mahal kita, at ganun din ikaw. Nagpapakatanga ka, kase mahal mo si Stell kahit ilang taon na ang nakalipas, kahit may sariling pamilya na siya,"

"You know Pau? Waiting for him isn't love at all, katangahan na lang yan. Shit, ang sakit. Hindi ko talaga matanggap na you just used me."

---

Nakaramdam ako na may humawak sa kamay ko, unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nasaan ako?

"Thank God you're awake Pau! Akala ko mawawala ka nang tuluyan sa akin," nagulat ako nang yakapin ako ni  Stell.

"A-anong nangyari?"

"Pau, you promised me. Sabi mo you won't, but you did. Mabuti na lang naisipan kong bumisita, nakita kitang walang malay. You've been asleep for a week now, I almost lost hope," nagulat ako nang umiyak si Stell. He hugged me and I slowly patted his back.

Everything was just a dream?

Hindi ikinasal si Stell? I never met Max?

Did I try to...?

---

Pa'no bang mababawi
Lahat ng mga nasabi hmm
Di naman inakalang
Ika'y darating lang bigla ng walang babala
Sa isang iglap
Nagbago ang lahat
Hindi ko na kaya pa na magpanggap

Napangiti ako nang maalala ko nung first time kong makilala si Stell, medyo nauutal pa ako noon, ewan ko ba, kapag siya talaga kaharap ko, nagiging soft ako. Hindi ko magawang tarayan siya gaya ng ginagawa ko sa iba.

You can call me whipped, but he's the greatest person I've ever met. Lagi siyang nakangiti, kapag may problema ako, nawawala iyong lahat. Presensiya niya lang, masaya na ako.

Ikaw ang kumpas pag naliligaw
Ikaw ang kulay sa langit na bughaw
Sa bawat bagyo na dumadayo
Ikaw ang kanlungan na kailangan ko
Kahit hindi mo alam
Ilang beses mo akong niligtas
Ikaw ang hantungan at aking wakas

Pinanuod ko siyang kumanta. the way he sings this song, makes my heart flutter. Bagay na bagy sa kaniya yung song, he's my Kumpas.

Pa'nong maniniwala
Ika'y nasa 'king harapan hmm
'Di naman naiplano ako'y mabihag ng gan'to
Totoo ba ito
Sa isang iglap
Nagbago ako
Hindi ko na kayang mawalay sayo

Hindi ako makapaniwala na I met someone like him, sobrang blessing siya sa akin. He was the one who made me who I am today. Narealize ko na I depended on him so much, na hindi ko na kayang mawalay sa kaniya.

Ikaw ang kumpas 'pag naliligaw
Ikaw ang kulay sa langit na bughaw
Sa bawat bagyo na dumadayo
Ikaw ang kanlungan na kailangan ko

Kahit hindi mo alam
Ilang beses mo akong niligtas
Ikaw ang hantungan at aking wakas ah
Ah ah

Sana'y iyong matanggap
Kung sino ako talaga

Ikaw 'yung kumpas no'ng naliligaw
Naging kulay ka sa langit na bughaw
Sa bawat bagyo na dumayo

Ikaw 'yung kanlungan na nahanap ko
Kahit no'ng 'di ko alam ilang beses mo akong niligtas
Ikaw ang hantungan at aking wakas

Napawi ang mga ngiti ko nang matapos na yung kanta niya, pumalakpak lahat ng manunod niya, habang ako ay hinihintay na tumingin siya sa akin.

"Wow, ang ganda naman ng performance ni Mr, Heavenly Voice, para kanino ba iyang song mo?"

"Haha, salamat po. Itong song po ay para sa aking kumpas, ang aking mister hehe Paulo, I love you, ayun po siya oh hehe."

Tama, siya ang aking kumpas, pero ngayon, ako ang kumpas niya.

===

See told you...hindi siya sad story.

Hope you like it, kung may opinyon kayo, don't be shy to comment o message me. It actually helps me improve my writing skillzzzzzz.

LSS na ako sa song ni Ate mo Moi HAHAHAHAHAHA.

LOVELOTS~~~~~~


PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now