LoL Anong ginagawa mo?

143 9 3
                                    

Nag-chill lang ako sa condo ko, feeling ko rest day ko ngayon, kahit naman everyday rest day ako.

"Hmm? Ano kayang gagawin ni Stell ngayon?"

"Matutulog malamang HAHAHAHA," wala akong pake kung mukha akong baliw, wala namang ibang tao sa condo ko.

Ako lang mag-isa, kaya pwede akong mag ano.

mag ano...

Mag tutulog, ano ba yan.

"O 'di kaya, magpost ako sa tiktok ko, para dumami naman followers ko," sabi ko at agad na binunot yung phone ko at inilgay sa ring light.

"Ay wag na nga lang, nakalimang post na ako kagabi eh."

"Ah alam ko na!"

"Mag-vlog na lang ak-"

Napalingon ako sa pinto nang tumunog yung door bell.

At sinong anak ni Lucifer ang naisipan na gambalain ako ngayon?

"Humanda ka! ," binuksan ko yung pinto at nagulat ako dahil hindi anak ni Lucifer ang pumunta.

Dahil ang dumating ay si Lucifer mismo.

"Hello Stell," ngumiti siya ng matamis.

Okay! I take it back.

Anak ata ni Adonis 'to, charot!

"Pasok ka Pau, sa puso ko hihi," sabi ko pro bulong lang yung huli.

Ikalma mo Stell, napapaghalataan ka.

"Kumain ka na?"

"Oh my golly!! Saglit lang, diyan ka lang sit there, don't move, magagalit si daddy sa 'yo HA," agad akong tumakbo papunta sa kusina.

"H-Hindi ako aso o pusa Stell!," nagulat ako kay Pau kaya nahulog yung hawak kong baboy.

"Tsk, sinabing doon ka na, magluluto pa lang ako. Huwag ka nang magulo."

"Tulungan na kita Stell," sabi niya at akmang kukunin yung baboy nang tampalin ko yung kamay.

"Ako na," sabi ko at napabuntong hininga siya.

Umupo na lang siya sa counter dahil wala na siyang magawa.

Pinagpatuloy ko lang yung ginagawa ko hanngang sa napanisn kong naghihiwa akong kalabasa.

Wait, adobong baboy iluluto ko, bakit may kalabasa dito?

Naiinis akong tumingin kay Pau na nagpipigil ng tawa.

"Sige tawanan mo pa ako, " sabi ko at tumigil naman siya.

--

"Ang sarap naman ng adobo mong, may kalabasa."

"Kasalanan mo yan."

"Wow, kasalanan ko pa? Tinutulungan kita per-"

"Nakikikain lang ikaw dito, huwag ka na magreklamo."

Naubos din namin ni Pau yung pagkain, siya na naghugas dahil siya nakatoka.

"Sino ba kasing bumisita ka?"

"Bumisita? Bahay ko din 'to noh, okay ka lang?"

Ay oo nga pala, kinasal kami two years ago.

---

lol dunno what is this but here ya go anyways.

And also, can you guys checkout Under the Mango tree?

I was hoping to know if you guys would like something like that.

byers.

lovelots~

PAUSTELL ONESHOTSOn viuen les histories. Descobreix ara