Mr. President Is Taken

322 11 0
                                    

Stell's POV

Nasa room ako ngayon. Masyadong crowded sa cafeteria ngayon at mainit pa.

Kumakain ako ng snacks. Dahil 'di naman  ako nagbaon ng lunch.

"Stell? Bakit mag-isa ka lang dito?," tanong ni Josh.

"Wala. Eh ikaw? Bakit nandito ka?," tanong ko at may inabot siya sa akin.

"Pinapabigay ni Pres. Humahaba na ang hair naten ah," tinignan niya ako na para bang nang-aasar.

"Ibalik mo. May pagkain naman ako," sabi ko at sumimangot siya.

"Hindi mo ba nakita yung effort na nilagay niya dito sa lunch box?," sabi niya.

"Ibalik mo na." sabi ko at tumayo na siya.

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. Pagkatapos ay nilabas ko ang aklat na bagong bili ko.

"Bakit ayaw mong tanggapin?"

"Josh ang kulit m-Pres?!" nagulat ako dahil nakaharap si Pres ngayon sa akin.

"Bakit nga ayaw mo? Hindi ba masarap?," tanong niya. Hindi ko siya sinagot.

"Stell, bakit ba ayaw mo? Nahihiya ka ba?," tanong niya.

"Hindi. Pero may baon naman ako ah. Hindi lang ako bumaba dahil nga crowded sa cafeteria."

Umupo siya sa harapan ng upuan ko.

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo ito tinatanggap," sabi niya.

Magstay ka diyan hanggang bukas.

"Akin na nga!," sabi ko at kinuha iyon sa kaniya. Nakita ko siyang ngumiti.

Naguilty ako eh. Oh baka kase marupok ako?

Kinain ko yung binigay niya, kanin at pinakbet. Masarap naman.

"Salamat."

"It's fine. Ang mahalaga kumain ka na."

Napairap naman ako. Nakakainis. Nakakakilig.

Kinuha niya ulit yung lunch box at nagpaalam na umalis.

Ilang minuto ang lumipas at nagsibalikan na ang mga estudyante, malapit na pala mag-time.

"Hoy, anong ginawa ni Pres?," usisa ni Josh. Kakatapos lang ng last subject namin.

"Wala. Pinilit lang ako ubusin yung pagkain," sabi ko at tinukso tukso niya ako.

Sinundo na siya ng boyfriend niya kaya umuwi na siya habang ako ay naghintay sa labas ng Council.

"I saw you earlier, you have the guts pala ah."

"Ano na naman ba ang gusto mo Erika?"

"Nothing. Ang kapal lang naman kasi na kausapin si Pau at hintayin pa siya. Binigay niya lang naman sa iyo yung lunchbox dahil kumain kami sa labas."

Kaunti na lang talaga at papatulan ko na ito. Halos araw araw niya akong ginugulo dahil lang sa gusto niya si Pau.

"You better go. May lakad pa kami,"she left and went inside the council.

Baka nga may pupuntahan sila.

I decided to just go home. Pagod na nga ako maghapon baka mapagod pa ako maghintay.

Nang makarating ako sa bahay ay sumalubong sa akin ang tahimik at madilim na bahay.

Simula nung pasukan, nawalan na naman ng sigla ang bahay.

Kung dati kaya ko pang bigyan ito ng buhay. Ngayon parang nawalan ako ng gana.

Pero namimiss ko na rin yung mga kulitan namin dito. Pero hindi na kami bata.

Dumiretso na ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Matutulog muna ako.

Pero paglapat pa lang ng likod ko sa kama ay nawala lahat ng pagod ko.

"Nakakainis naman. Bakit kasi lagi ka na lang busy?," kinuha ko ang phone ko at pumunta sa contacts.

Binuksan ko ang contact ni Jampawlo.

Pipindutin ko na sana ang call button, pero pinatay ko na lang ulit.

"Stell, busy siya. Wag ka na manggulo."

Pinaling ko ang ulo ko sa side ng higaan niya. Medyo naamoy ko pa ang pabango niya.

"Bakit umuwi ka kaagad? Masama ba pakiramdam mo?," napalingon ako at nakita ko siya.

Hindi ko alam pero bigla ko siyang niyakap.

"Na-miss kita..."

"Heh, parang hindi tayo nagkita kanina ah. Atsaka, may problema ka ba?," nag-aalalang tanong niya at tinignan ako.

"Pau, may something ba sa inyo ni Erika?," tanong ko and he kissed my head.

"Sa ating dalawa lang may something, Stell. Tandaan mo ikaw lang ang mahal ko." he hugged me tighter.

"She talked to you, didn't she? Ikaw ba yung sinasabi niyang naghihintay sa akin?," tanong niya and I nodded.

"Aww, hayaan mo. I will tell her what she needs to know. Besides, she is not my type. Masyadong mataas ang tingin sa sarili," sabi niya.

I let him change into more comfortable clothes. Pagbaba namin ay nakita kong maliwanag na yung bahay.

"I saw the lights were still off. I was worried na baka hindi ka umuwi,"sabi niya.

He cupped my face then kissed me.

"I love you very much, so much that saying it and kissing you is not enough, I shall marry you!," I hit him softly before nodding.

"Yeah you should. And oh, I didn't know you cooked. Kung alam ko lang, pinigilan na sana kita. Napagod ka pa tuloy," sabi ko and I tucked his hair behind his ear.

"Para sa iyo, Stell. Alam mo namang mahal kita. And I promised tita to make you feel happy and safe," he led me into the couch.

"But, I bought us fast foods for tonight. Cheat meal natin," sabi niya and brought tge food into the living room.

"We will watch movies until morning. Wala naman tayong pasok bukas," sabi niya.

We cuddled as we watched the movie. I was lucky to have him as my boyfriend.

He was lucky to have me too.

I do believe that people are destined for each others, pero meron talagang minamadali ito.

Unlike me, I waited for someone like him for so long.

Rushing love are like eating hot food. Iluluwa mo din. Charot.


PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now