Crush?

111 7 0
                                    

Tuwing lunch lagi na lang ako nakakatanggap ng pagkain, pero im not complaining at all.

Sa totoo lang thankful ako sa nagbibigay sa akin. Alam na alam niya yung mga gusto ko.

"Oh, heto pa. Buttered chicken. Tapos may adobo pa. Ang swerte mo naman Stell," napalingon ako kay Josh dahil may inabot siyang dalawang tupperware sa akin.

"Hala, sino kaya ito. Nakakatuwa naman," sabi ko at itinago ang mga notebook ko sa bag.

"Ewan ko, pero wag ka munang maiinlove ha, mahirap na kapag walang sumalo sa iyo," sabi ni Josh. Akala mo hindi araw araw sinasabi sa akin iyan.

"At, wag mong pagudin iyang sarili mo kakaaral, nag top 1 ka na nga sa buong klase eh, nataasan mo pa si Nase," nakangiting sabi niya.

"Hindi ko naman sinasadya, kinailangan ko lang dahil nagtatanong magulang ko about sa studies ko. Ayan nagtiyaga ako, worth it naman."

Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng lunch, habang si Josh nagre-review naman. Halos hindi na nga ako iwan nito, my separation anxiety ata ito.

"Ang kalat mo talaga kumain," sabi niya at pinunasan ng tissue ang mukha ko.

"Salamat Tay, nasaan nga pala si Nanay?," tanong ko at umirap siya.

"Kasama si Jah malamang, ipagdikit ko na silang dalawa diyan eh."

"Selos yarn?," sabi ko at sinamaan niya lang ako ng tingin.

Niligpit ko lang yung tupperware dahil malapit na ding dumating yung teacher namin. Baka magalit pa.

Natapos na din namin yung reamining 3 subs namin for today. Kaya nagtungo ako sa locker ko at may nalagay naman na inumin doon.

'nakalimutan ko ibigay kanina- JPN'

Tinabi ko yung note at nakangiting lumabas ng locker room.

"Ano ba yan, kinikilig na naman ako."

Ininom ko na yung juice, kaso may nabunggo ako.

"Ay sorry po!," paumanhin ko dahil natapunan siya ng juice sa damit.

"It's fine," umangat ang tingin ko at si Paulo pala iyon.

"I-Its not. Natapunan ko yung uniform mo, here ako na maglalaba. May extra clothes naman ako eh," sabi ko at hinalungkat ko yung gamit ko sa bag ko.

Paulo held my arm, "Wag na. I can wash it myself. You don't have to worry about anything at all."

Napangiti na lang din ako. His smile is contagious. Buti nga at hindi siya nagalit.

"Sige pala, pasensiya na ulit. Ay! How about I treat you to a cafe on Saturday?," sabi ko and I saw how his smiled widened.

"Is it a date?," tanong niya kaya namula ako.

"Maybe," sagot ko and he patted my head, "Sure, just call me na lang."

He handed me a paper before he left. Halos hindi na ako makagalaw.

"Oh my gosh, that was intense," sabi ko at napahawak sa ulo ko. Hinawakan niya ako.

'Kalmahan lang Stell. Wag munang ma-fall, masakit kapag hindi ka sinalo.'

Masaya akong umuwi, kahit tambak ang gawain, nakangiti pa din ako. Iba na talaga tama ko.

****

Kapss Kentin po ito maniwala kayo. Huhu. Pero ginawa kong PauStell kase, si otor niyo ay di pa makamove on. Please, sa twitter dapat kayo nakatambay huhu. Ang pogi nila sa GDNY noh, lalo na si Ken. Gagi bagay sa kanila yung barong and yung suit naol na lang talaga. I-post ko next orig nito. Ples iniba ko lang yung names and ibang bagay.

Lovelots~

PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now