Kathang Isip

96 8 5
                                    

Why do people always daydream of their loved ones? Ganon na ba talaga kaimposible na makuha mo sila? Na kailangan mong umabot sa pagpa-pantasya?

Ganoon rin kase ako, pero alam ko naman talaga na napaka imposible. Lalaki ako, at lalaki rin siya.

"Pablo? Lutang ka na naman kamo, itatapon na kita sa labas," sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Stell.

Tumigil ka na, please.

Kahit na anong gawin kong limutin yung nararamdaman ko para sa kaniya, masakit pa rin para sa akin. Bakit ba kasi ang tanga ko na sa kaniya pa mahulog? Eh ang pagka crush niyan kay Stacey ay mas malalim pa sa Trench.

"Pake mo ba?," I turned away from him, hiding the fact that I was daydreaming again.

Yung tipo na napaka sweet, parang walang hadlang.

"Hoy Pablo, may problema ka ba? Sabihin mo sa akin, mag best friend tayo eh," sabi niya at mas lalo akong tumalikod mula sa kaniya.

"Tsk, may gagawin pa ako. Magkita na lang ulit tayo after class."

---

Hindi ko alam kung gaano katagal kong iniiwasan si Stell. Hindi ko alam kung ilang beses akong tumakbo tuwing paparating siya. Alam kong nagtatakha na yung iba sa inaasta ko. Maski ako, hindi ko na din maintindihan yung sarili ko.

"Desidido na ako," bulong ko sa sarili ko. Aamin na ako sa kaniya. Halos one week na nung last na matino naming pag-uusap.

Lumabas na ako mula sa cr at hinanap agad kung saan nakatambay si Stell. Nakita ko siya sa may hallway papuntang Archi Department. Mukhang kausap niya si Stacey.

Napatitig na lang ako sa tuwing yung kamay ni Stacey ay wala sa sariling napupunta sa braso ni Stell. At yung isa naman, kinikilig. Kung pag-umpugin ko kaya sila.

Matagal pa silang nag-usap bago tumunog ang bell, hudyat na end of lunch na.

Bagsak ang balikat kong bumalik sa building ko, oo inangkin ko na yung building pake niyo?

"Sungit naman neto," puna ni Josh. Inirapan ko na lang siya dahil masyado siyang parayaw.

Naupo na ako sa seat ko at isinuot yung earphones ko.

---

"Pablo, mahal. Tignan mo ito oh, bagay sayo 'to!"

Napangiti ako nang makita ang t-shirt na hawak ni Stell. Pang inis talaga. Pero mahal ko.

"Naku, trip mo na naman ako," sabi ko at nagcrossed arms.

"Ih, si mahal naman oh. Matagal na kaya kitang trip!"

"Ih! Stell naman! Kiss-"

"MR. NASE!"

Agad na natigil yung pagpantasya ko ng sumigaw si sir, halos lahat ng atesnyon ay nasa akin.

"Kung ayaw mong makinig sa klase ko, sana hindi ka pumasok! Dalhin mo ito sa Medicine Department," pag uutos nito.

Ang dami dami niyang time kanina, ngayon lang iuutos. At sa akin pa talaga!

Wala akong nagawa kundi ang kunin yung files na malay ko ba bakit napunta dito. Ano yan, naglakad magisa?

Habang naglalakad ako ay narinig ko yung bulungan ng mga estudyante na vacant ngayon.

Ilan sa mga narinig ko ay ang rumored kiss daw nila Stell. Edi sila na ni Stacey. Bigyang medal. Paki billboard please.

Halos gusto ko nang ibagsak yung mga files sa mukha ni Stell. Naiinis ako. Sa kaniya, kay sir, sa sarili ko.

"Salamat," sabi niya at tipid na ngumiti.

Aalis na sana siya ng pigilan ko siya, "Bakit?"

"Kayo na ni Stacey?"

"Ha? Siguro."

"Anong siguro, Stell?"

"Ewan. Nakiss ko siya kanina eh," sabi niya at awtomatikong namula siya.

"Congrats, pards. Sige una na ako."

Lumabas na ako ng building na iyon.

Tangina, ang sakit.

Halos lakad takbo na ang ginawa ko, pasalamat na lang talaga ako bukas ang gate ngayon. At wala yung guard.

"Dusty, gala muna tayo ngayon."

---

Napatawa ako nang kusa akong napunta dito sa favorite place namin. Ewan ko ba, parang may sariling mundo yung kamay at paa ko at dito ako dinala. Ipinarada ko si Dusty sa gilid.

"Hello, Mr. Mango tree. Alam mo ba na sila na? Kawawa naman ako, pero ayos lang. Masaya ako as long as masaya si Stell. Ganon naman yon diba? Pag nagmahal ka, kaya mong isakripisyo lahat kahit sariling kasiyahan mo pa. Wala eh, mahal mo eh."

Pinunasan ko yung luhang latuloy na tumutulo mula sa mata ko. Napakababaw ko naman. Atsaka kasalanan ko rin, napangunahan ako ng takot.

"Dito lang pala kita makikita."

"Ken?"

"Taena mo, so si Ken pala ang gusto mo? Sayang naman effort ko na habulin ka ano?"

"Joke lang naman, Stell."

Umupo siya sa tabi ko. Tahimik kaming dalawa na nakaupo sa ilalim ng puno habang nakatitig sa bukid. Mabuti na lang talaga at tumigil na ang pag-agos ng luha ko.

"So, may gusto ka pala sa akin?"

"Narinig mo naman siguro."

Natahimik siya.

"Pablo, im sorry."

"Naiintindihan ko naman, Stell."

Tumayo na ako at pinagpagan yung pants ko, "Ako dapat ang mag-sorry. Binigyan ko ng meaning yung gestures mo. Pasensiya talaga."

"Pablo."

Hindi ko na siya pinansin at sumakay sa motor ko. Im sorry Stell.

---

Nakakabinging sigawan ang narinig ko, hindi ko mapigilang mapaluha sa nangyayari.

"You're now officially wedded!"

Napapalakpak ako, grabe.

"Pablo! Huwag ka nang umiyak please! Mahal na mahal kita," sabi ni Stell bago ako halikan ng mariin.

Dati akala ko hanggang kathang isip lang, akala ko hindi kami hahantong sa ganito. Pero guess what? Ikinasal kami. After four years na paglayo ko sa kaniya, sa kanila.

Tumigil ako non sa pag-aaral. Hindi ko talaga kakayanin. Mabuti na lang at naintindihan nila mama. Hindi ko lang talaga in-expect na liligawan niya ako pagbalik ko ng Pilipinas.

And im thankful.

Kase masaya na kame.

----

Sorry inaantok na si otor. Baka ayusin ko na lang siya by next week dahil akoy busy para sa mga bagay bagay.

Salamat nga pala at road to 1k reads na tayo!

Grabeng saya ang dulot neto sakin, hindi ko talaga expected bebes ha.

O siya, ingat kayooooo!

Lovelots~

PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now