Fluff For Everyone

279 10 1
                                    

Stell's POV

Bihira na kaming magkita ng mga kaibigan ko. Dahil busy na rin sila sa kani-kanilang trabaho.

Ako naman ay isang model, yuh.

Wala kaming shoot ngayon kaya nakatambay lang ako sa condo ko. Naisipan ko ngang tawagan si Pau para bumisita kaso naalala ko si Lielle.

'Baka nagde-date na naman.'

Binuksan ko ang IG ko at may nakita akong post ni Pau.

May pa-missing you pa siyang nalalaman. Natatawa nga ako kasi naka-friends only lang.

Magco-comment na sana ako kaso lumabas ang caller ID ni Pau.

"Pauweewee? Ano iyon?," tanong ko at narinig ko siyang tumawa ng mahina.

[Miss you.]

"Oh? Lasing ka ba, Pauweewee? Tanghaling tapat pa lang ah," puna ko. Pero deep inside kinikilig ako ng slight.

[Stell, hindi ako lasing. At totoong namimiss kita.]

Hindi ako nakasagot sa sinabi niyang iyon. Paano ba naman kasi. Si Paulo nakakakilig na.

"Manahimik ka nga. Parang hindi tayo nagkita kahapon ah," natatawang sabi ko at humiga sa sofa.

[Hm. Miss pa rin kita eh. Atsaka, pwede bang diyan muna ako? ]

I pressed my lips into a thin line, "You can't. Magulo pa ang condo ko," sabi ko at biglang tumahimik sa kabilang linya.

And when I checked, he already ended it.

I frustatedly sighed before cleaning up. Wala tayong magagawa eh. Nagtampo na siya.

After an hour, may narinig na akong nag-doorbell. Binuksan ko na ito at nakita ko si Pau.

"Hello, alam kong naglinis ka kaya bumiyahe na agad ako."

I smiled at him before letting him inside. He settled on the sofa. I sat next to him.

"You know, I won't mind if your place is a bit messy. Naiintindihan ko naman na marami kang works at in-eenjoy mo yung rest day mo,"he said and kissed my hands. Hindi ko maiwasang mamula.

"Yiee, kinikilg ka na noh. Haha, by the way... Kumain ka na?," tanong niya at umiling ako.

"Kain na pala tayo. Nagdala ako ng foods," aya niya at hinatak ako papunta sa dining area.

Siya na rin ang nag-set ng mga plato at I swear, papakasalan ko ito.

"Hmm, so misis ko. Maganda ba at masarap ba?," malawak na ngiting tanong niya.

"Yes, alam mong fave ko ang sinigang ala Jampawlo,"natatawang sabi ko at sinamaan niya akong tingin.

"Di'ba nga sabi ko wag mo na akong tawaging Pauweewee tapos Jampawlo na ngayon," sabi niya at pinisil ko ang ilong niya.

"Ang cute naman ng Pauweewee ko na yan. Sige na hindi na kita tatawaging Jampawlo," sabi ko pero tinitigan niya lang ako.

Na-concious ako bigla kaya tinakpan ko yung mukha ko, pero tinanggal niya iyon.

"Hey, bakit nagtatakip ka ng mukha? Nakakatakot ba ako?," tanong niya kaya natawa ako.

"Hindi, nahihiya lang ako sa iyo. Ang panget ko kase eh," sabi ko at niyakap niya ako.

"Naku, paano mo nasabi iyon? Ang sabi nga ni Mama mo sa akin na pagka-cute cute mo. Sabi din ng mama ko. Sabi ng mga followers mo, so wag mong sabihin iyan. Masama ang nagsisinungaling," I smiled at his statement.

"Oo na, oo na. Alam ko naman iyon. Pero hindi ko din mapigilan lalo na kung may kasama kang iba," sabi ko at hinawakan niya ang balikat ko at humarap sa akin.

"Naku, Stellvester. Kahit iharap pa sa akin sila Liza Soberano o ang buong Blackpink, ikaw pa rin ang pipiliin ko kasi ikaw lang ang nag-iisang taong nakapagpasaya sa akin ng ganito," he pecked my lips and I hugged him once again.

"Thank you, Pau. For making me have my confidence back," sabi ko at nginitian niya ako.

I will protect this man. I will cherish him and I will do anything to make him happy.

---------
Saw this in my drafts. This is a story pero naisip ko na oneshot na lang.

This one is originally called"Sacrifices".

The description goes like this:

Sacrifices are hard.

Stell never thought he'd sacrifice himself just to save his loved one.

And now that he's the one in need,

Will he sacrifice himself too?

Lol, as you can see, this one is a sad story about Sacrifices.

Haha, pero sabi ko madami na akong problema baka dumagdag pa ito. Kaya ginawa ko na lang fluff.

Atsaka don't mind the filler that I published like a while ago, naalala ko lang yung napanood ko sa tiktok about doon sa pancit canton and the original flavor.

Pero masarap naman yung original guys. Fave ko lang yung extra hot chili.

Lovelots~

PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now