Doctor

170 10 4
                                    

"Bwakchkkhjjkh," napalingon ako kay Ken na nahihirapang huminga. Wala naman kaseng nagsabi sa kaniya na kainin yung shrimp eh.

"Good morning, ako nga pala si Doctor Ajero, mabuti naman at nadala niyo siya kaagad, pero maagapan naman sana ng gamot kapag uminom siya, here."

Napatitig ako sa doktor. Ang pogi sheeet.

'Ikalma mo Pau.'

"Are you listening?,"nagulat ako nang biglang magsalita yung doktor.

"Ah ehe," hindi ako makapagsalita ng maayos.

"Natakot yata sa akin. Hindi naman ako nangangagat. Gusto ko lang ipaalala na huwag na huwag niyong papakinin ng hipon si Mr. Suson. Naku, mabuti talaga at hindi masyadong napabayaan."

Napatingin ako kay Ken na tulog na, hindi ko din alam na kumain siya eh. Nagulat na lang ako paguwi namin bigla na lang siyang namula tapos hirap na hirap huminga, eh hindi ko din naman alam na wala siyang dalang gamot. Kaya sinugod namin siya ni Jah sa hospital.

"Im back, kumusta na si Ken?," tanong ni Jah at umupo sa sofa. Nasa private room na kasi kami ngayon. Alam mo na, mama ni Jah yung may ari eh.

"Ikaw na bahala diyan, uuwi na ako."

"Okay ingat."

---

"So tell me, anong nararamdaman mo?"

'Mahal na ata kita doc, ehe.'

"Sumasakit po yung puso," sabi ko at napataas naman yung kilay niya.

"Gaano na katagal?"

"Simula nung makilala kita doc."

"Naku Mr. Jampawlo, kung aaraw-arawin mo ako dito sa hospital tapos wala ka namang sakit baka ma-ban ka na. Halos isang buwan ka na pabalik-balik dito."

"Hay, sige. See you na lang again."

Umalis ako ng hospital ng malungkot, wari lang. Ayaw ko namang mang-guilty pero parang ganun na nga.

---

"Woi, joke lang yung sinabi ko. Bumangon  ka na diyan. Sige na, papayag na akong magpaligaw sa 'yo. Bumangon ka na diyan please," ang ingay naman. Sino ba yun? Paki-tape-an nga bibig.

Dahan-dahan akong dumilat, nasa langit na ba ako?

"Oh my gosh, buti naman gising ka na. May masakit pa ba?," nagulat ako nang lumapit si Doc Stell sa akin, wait kinikilig ako.

"Namumula ampota, mamaya ka na kiligin oy, sagutin mo muna tanong ni doc," sinamaan ko ng tingin si Ken na nasa gilid, kumakain ng apple.

"W-Wala naman. Ano bang nangyari?," tanong ko at uupo na sana ng pigilan ako ni Doc Stell.

'Doc, wag kang ganiyan. Para akong kinukuryente.'

"Naaksidente ka, isang araw ka nang tulog. Pinag-alala mo kami," sabi niya at naalala ko si Ves.

"Si Ves? Kumusta si Ves?"

"Sinong Ves?"

"Motor ko," nakanguso kong sabi. Kwawa naman yung baby namin.

"Pina-repair ko na," sabi ni Jah. tumabi siya kay Ken at umakbay.

"Bakit Ves pangalan 'non?," tanong ni Jah at napatingin ako kay Doc Stell na nakikinig lang sa amin.

'Ves, short for Vester. Parang anak namin ni Doc ehee.'

"Langga, alis na tayo. Kailangan nila ng space," hinatak ni Ken si Jah palayo.

Naiwan kami ni Stell sa kwarto ko, I'll just drop the formalities, pumayag naman na siyang magpaligaw eh.

"Apple oh," sinubuan niya ako ng isang apple. Ang sweet naman.

"Alam mo may na-realize ako."

"Ano na naman iyon, Jampawlo."

"An apple a day, keeps the doctor away. But if the doctor is cute, forget about the fruit."

"Loko loko ka talaga."

"Pero 'di ka lolokohin."

And at that time, im pretty sure I caught his heart. Kase if I didn't, we wouldn't be standing here, exchsnging our vows, 'di ba?

---

Enrolled na si ate gurl!!!!!

Officially grade 10????

Dunno. HAHAHAHAHAHAHA

Lovelots~

PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now