Chapter 4

3.8K 162 10
                                    

CHAPTER 4

WALKING ZOMBIE, CUTIE NIGHTMARE, TALKATIVE NIGHTMARE, MEETING THE MOTHER OF HER SOON TO BE BOYFRIEND

"YOU look like sh*t, what happened to you? The dark circle under your eyes makes you look like someone who gotten punched."

Sa halip na maki-pag-bardagulan, mas pinili nalang ni Elijah na manahimik. Naupo siya sa kaharap na upuan ni Justine. Nasa loob sila ngayon ng cafeteria, kakain ng lunch since lunch break na. Buong klase wala sa sarili si Elijah. Lumilipad ang utak niya sa ibang planeta. Antok na antok kase siya. Hindi siya nakatulog sa kakaisip sa gwapong lalaki na nakasama niya kagabi.

Coldy, Coldy Kingston ang prinsipeng patay na patay sa ate niya. Gzz, ano ba ang nakita ng lalaking 'yun sa kapatid niya? Hope is boring. Walking definition of the word boring. Hindi mawala wala sa isipan niya ang gwapong mukha ng binata. Kaya din naiinis siya. Pinilit na niya ang sarili na kalimutan ang lalaki dahil ito ay si Coldy Kingston, ang taong yelo na kulang nalang ay tawirin ang dagat, abutin ang ulap, kunin ang mga bituin para lang sa kapatid niya.

Napapadyak nalang tuloy siya ng wala sa oras habang si Justine naman ay nagulat sa ginawa niyang pagpapadyak.

"Problema ng babaeng 'to? Mukhang natuluyan na yata. Baliw na talaga. Grabe, wirdo na nga baliw pa."

Sa isip isip lang ni Justine. Napatingin silang dalawa sa cellphone na nasa mesa. Umilaw ito at nakita nila sa screen ang nakalagay na new message received.

Pabalang na dinampot ni Elijah ang cellphone niya at binuksan ang mensahe. Pinapabalik siya sa palasyo para sa isang mahalagang pagpupulong.

"Go, mukhang importante 'yan. Bye."

Nginisihan siya ni Elijah. Yung ngising may binabalak. Akmang lalayo na si Justine, tatakas sana ng hawakan siya nito sa kamay at hatakin. Pinadakay siya nito sa kotse nito at pinaharurot pabalik sa palasyo. Napahawak naman sa dibdib niya, sa banda kung saan naroon ang puso niya si Justine. Napakapit din siya sa likod ng inuupuan niya. Pikit na pikit ang mga nata at nananalangin sa lahat ng diyosa at diyos sa kalawakan na iligtas ang kaawa awa niyang kalukuwa mula sa demonyong nagmamaneho ng kotse, maneho? Mas tamang sabihin na nagpapalipad ng kotse.

"Mahal na diyos at diyosa ng kalawakan, dinggin ang aking kahilingan, ako ay iligtas mula da madamang espirito na nagpapalipad ng sasakyan na para bang siya ang may ari ng kalsada.

DIYOS KO!! MAMAMATAY NA YATA AKO!! MAAWA KAYO, VIRGIN PA AKO.

AYY P*TA!!! TULONG!! TULONGAN NIYO AKO!! MALAPIT NA KAMENG MAGKITA NI KAMATAYAN!!! MAMA!! MAMA KO!! MAMA TULONG, AYOKO NA! MAMA"

Tawa lang ng tawa si Elijah dahil sa mga pinagsasabi ni Justine. Pikit na pikit ang mga mata nito. Naka yakap din ito ng mahigpit sa likod ng inuupuan nito. Para itong batang takot na mawala ang kaniyang ina kaya sobrang higpit ng yakap nito sa inuupuan niya na ipagpalagay nalang natin na kaniyang ina.

Mas lalo pang binilisan ni Elijah ang pagpapatakbo sa sasakyan niya. Habang tawa ng tawa at kumakanta kanta pa.

"DIYOS KO, MAGPAPAKABAIT NA PO AKO! PATAWARIN NIYO NA PO AKO SA MGA NAGING KASALANAN KO PERO MAAWA PO KAYO, BATA PA PO AKO, HINDI PA NAKAKATIKIM NG SARAP NA MAGHAHATID SAKIN SA LANGIT. ILIGTAS NIYO PO AKO!! MAAWA PO KAYO SAKIN.

Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon