Chapter 8

3.2K 135 21
                                    

CHAPTER 8

ESMERALDAS PAIN, THE EMPRESS, UGLY B*TCH AND SLUTTY WITCH, BREAKING NEWS

"Who is Devon Mc'Svai?"

Huminga ng malalim si Esmeralda, ang ina ni Justine. Matalim ang kaniyang ipinupukol na tingin kay Justine.

"Pumasok ka na muna sa iyong silid, huwag kang lalabas hanggat hindi kita tinatawag. Uutusan ko na lamang mamaya ang isa sa ating mga taga silbi upang tawagin ka kapag nakahanda na ang kakainin natin para sa hapunan."

Hindi niya pinansin ang utos ng ina niya. Tinitigan niya lamang ito,mata sa mata. Hindi komportable ang kaniyang ina sa mga titig niya. Nag-iwas ng tingin ang kaniyang ina habang ang kaniyang lolo naman ay napabuga ng hangin ng wala sa oras.

"Justine, sige na, pumasok ka muna sa silid mo" mariing utos nito. "Josefa, pakihatid sa kaniyang silid si Justine."

Akmang hahawakan siya ng kaniyang Nana Josefa, iniwas niya ang kaniyang kamay. Masama ang tingin na ipinupukol niya sa kaniyang ina. Inilabas niya ang litratong itinago niya. Iniabot niya yun sa kaniyang ina, inabot at pinakatitigan ito ng kaniyang ina.

Nanginginig ang kamay ng kaniyang ina. May iilang butil ng luha nadin na pumatak mula sa mga mata nito. Hindi niya alam, parang pinipiga ang puso niya dahil sa pagtangis ng kaniyang pinakamamahal na ina. Pero galit siya, galit siya dahil sa ginawa nitong paglilihim sa kaniya. Ang buong akala niya, tanging ama lang niya ang minahal nito.

Malabo namang kakambal ng ina niya ang kayakap ng lalaki sa litrato, malabong mangyari yun dahil walang kakambal ang kaniyang ina at nag-iisang anak lang siya.

"Tell me the truth, mom."

Walang halong biro ang tono ng pananalita niya, kaagad naman siyang sinuwag ng lolo niya. Nilapitan naman ng lola niya ang ina niya saka hinagod hagod ang likod nito.

"Enough, Justine. Pumasok kana sa silid mo. Mamaya nalang kayo mag-usap."

Tumawa ng mahina si Justine.

"Why? Do you really plan to keep the truth away from me? I hate dad because he is a fbcking liar and cheater. I hate him for hurting you, but seeing how happy you are in that damn picture, I'm starting to doubt my decision of hating my own father for you, mom."

Masama ang tingin ng kaniyang lola sa kaniya, disappointed naman ang kaniyang lolo sa kaniya habanv punong puno ng sakit ang mga mata ng kaniyang ina na nakatitig sa kaniya. Parang pinipiga ang puso niya sa nakikita niyang sakit na bumabalatay sa buong mukha ng ina niya. Para siyang kakapusin ng hininga.

"You know nothing, Justine. Just shut the hell up and go to your room. Stop slandering your own mother for the things you know nothing at all!"

Nagpanting ang tenga ni Justine dahil sa sinabi ng lola niya. Galit na dinuro niya ang tatlo. Galit siya, alam niyang mali ang ginagawa niya pero galit siya. At pag galit siya, kahit siya ay hindi alam kung ano ang pinaggagawa niya. Basta nalang siyang gumagawa o nag sasalita ng mga bagay bagay na nakakasakit na pala sa iba.

"Of course I know nothing, after all, you keep me at the day light without letting me know about the things that you had kept in the dark side. Ni hindi mo man lang inisip na karapatan ko, karapatan kong malanan ang tungkol sa bagay na ito. I'm hating my own father without knowing that my mother is also the same, a wicked b*tch who use and manipulate his own son to hurt his sperm donor."

Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon