Chapter 42

1.1K 43 4
                                    

CHAPTER 42

PILIT na pinipigilan ni Queen Jessica ang kaniyang pag luha. Binabalot siya ng labis na pag aalala para sa anak niya. Ilang araw na ba? Sa tingin niya inabit na ng linggo. Hindi padin nahahanap ang anak niya.

Nag-aalaka siya. Kahit pa ikang beses mang sabihin ng asawa niya na huwag siyang mag-alala dahil malakas ang anak nila at kaya nito ang sarili nito ay hindi niya padin mapigilan ang mag-alala. Ina siya, natural na sa mga nanay ay mag-alala para sa anak nila. Lalo pa kung ang anak nila ay nawawala.

Napahagulgol ang reyna. Nag-aalala naman sa kaniya ang dalawang taga silbi niya na nasa tabi lang, tahimik na pinapanood at pinapakinggan ang pagtangis ng kanikang reyna.

Naaawa sila dito at nag-aalala. Sa lumipas na ikang araw, hindi na madalas makatulog at makakain ng maayos nag reyna. Lagi din itong umiiyak. Gusto man nila itong patahanin pero malinaw ang utos ng reyna sa kanila na huwag siyang lalapitan at panatilihin ang dalawang metrong distansya mula dito.

Nagkatinginan sikang dalawa saka nag usap gamit ang kanilang isipan. Ayaw nilang gumawa ng kahit ano mang ingay. Pakiramdam nila kasalanan ang mag ingay sa pagdadalamhati ng reyna.



"Sa tingin mo, kailangan na ba nating ipaalam ito sa hari?"

Tanong ng katulong ng reyna na nasa kanang bahagi, umiling iking ang katulong ng reyna na nasa kaliwang bahagi. Gusto man niya, ngunit tiyak na hindi ito magugustuhan ng reyna. Hindi din sila binigyan ng pahintulot na makealam. Tulad ng reyna, wala din sa tamang huwisyo ang hari kaya naguguluhan din siya kung dapat ba o hindi.


"Hindi ko alam, maaari pero tama ba ang magiging desisyon natin na sabihin sa hari? Hindi kaya magalit sa atin ang reyna."


"Pero ang reyna, nag-aalala ako sa kaniya."

"Naiintindihan kita, maging ako ay nag-aalala din. Lalo pa at kitang kita na sa pangangatawan ng reyna ang nabawas na timbang sa kaniya at ang umiitim na ilalim ng nata niya."

"Kaya nga dapat na natin itong sabihin sa hari. Lalo pa at ang alam niya ay ayos lang ang mahal na reyna."


Sa tuwing mag kikita ang dalawa laging ipinapakita ng reyna na maayos labg siya. Kapag aalis naman ang hari ay saka siya hahagulgol.


Hindi siguro napansin agad ng hari yun dahil tulad ng reyna ay nababalot na din ito ng pag-aalala, pagod at lungkot dahil sa pagkawala ng unico ijo nito. Pilit lang talaga nitong tinatatagan ang sarili nito.


O________o



Mabilis na kumilos ang dalawa at nilapitan ang reyna ng marinig nila ang pagbagsak nito. Nahimatay ang reyna. Dahil nadin siguro sa gutom, pag-aalala, antok, at iba pa.


"Tumawag ka ng kawal at dumaretso ka nadin sa tanggapan ng personal na manggagamot ng reyna. Bilis!"



Kaagad na kumilos ang isang katulong ng reyna. Nang makarating ang kawal, maingat na pinagtulungan nilang buhatin ang reyna papasok sa silid nito. Maingat na ihiniga nila ang reyna sa malambot na kama nito.

Nang makarating ang personal na manggagamot ng reyna, siya namang pagdating ng humahangos na hari na si haring Fernand. Kaagad itong lumapit sa asawa at habang sinusuri ng doctor ang reyna, ang hari naman ay malamyos na hinaplos ang mukha ng asawa.



Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterWhere stories live. Discover now