Chapter 28

1.4K 43 4
                                    

CHAPTER 28

"WHERE the hell is my daughter?"


Galit na hinawakan ng emperador sa kwelyo si Coldy. Hindi naman ito umangal. Wala din kasi ito sa sarili. Ni hindi nga nito napansin ang pagdating ng emperador.

Nang walang may naisagot sa kaniya si prince Coldy, pabalang na binitawan niya ito.


Hindi pa man nakakatayo ng maayos si Coldy, napaupo na naman siya sa sahig habang ang isang kamay ay nakahawak sa pisngi nitong dinapuan ng kamao ni Angel. Nag-aalab sa galit ang mga mata nito.



"Hayop ka! Kung saan saan mo dinadala ang kapatid ko! Tingnan mo ang nangyari ngayon! Nasaan siya? Nasa loob ng Operating Room! Naturingan kang prinsipe pero hindi mo manlang nailigtas ang prinsesa. Walang silbi yang titolo mo. Itapon mo na!"




Susuntukin pa sana ulit siya nito ng umeksena si Hope. Pinigilan nito ang kuya nito.




" Kuya, huminahon ka. Sa tingin mo ba matutuwa si Night kapag nalaman niya na sinaktan mo ang papi niya? Magagalit siya sayo, kuya. Umayos ka. Kumalma ka."



Pinilit namang pakalmahin ni Angel ang sarili pero si Belight, masama ang tingin na dinuro niya si Coldy na tahimik lang sa isang tabi.



"Magdasal ka na paglabas ng doctor mabuti ang ibabalita niya, dahil kung hindi. Ako mismo ang papatay sayo."




Napaupo na lamang si Coldy sa isang tabi. May kalayuan sa pamilya ni Night. Tahimik lang siya, nakatulala. Hindi padin na ipoproseso ng tama ng utak niya ang mga nangyari.


Basta ang alam niya lang, kanina lang ay pinipilit siya ni Night na pumunta sa lugar na hindi niya alam. Yun pala, sa hospital lang.


Nagplano pa sila na mag dedate kinagabihan. Tapos biglang ganito. Bakit?


Naikuyom niya ng mahigpit na mahigpit ang kamao niya. Kukang nalang ang magdugo ang balat na tinamaan ng matatalim niyang kuko. Ang mga mata niyang namumula sa galit. Ang buong katawan niyang napapalibutan ng maitim na usok.



"Night, papatayin ko sila. Pangako yan."

____

NAPABUNTONG hininga ang isang nilalang na ang kalahati ng mukha ay natatabunan ng tela. Napatingin siya sa babaeng katabi niya.




"Ang galing mo ding magplano e 'no. Akalain mo yun. Napaniwala mo sila na ikaw yung tinamaan ng bala. Tsk, tsk, tsk."



Sinamaan siya ng tingin ng dalaga. Wala ang mapaglaro nitong ngiti. Tanging kaseryosohan lang ang makikita ming naghihilatya sa kaniyang mukha.



Itinaas ng binata ang kaniyang dalawang kamay."Chill ka lang, masyado kang hot."




Hindi siya pinansin ng dalaga. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana ng silid na kinahihilataan ng katawan niya kuno. Nasa kabilang building lang sila, mula sa rooftop na kinatatayuan nila, kitang kita niya mula sa nakabukas na bintana ang emperador at ang mga kapatid niya.




Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon