Chapter 25

1.4K 59 0
                                    

CHAPTER 25

DALI daling umalis si Justine mula sa pagkakaupo sa hita ni Finligh. Mabilis na nilapitan niya ang ina na nawalan ng malay matapos nitong sumigaw. Mabuti nalang naalalayan kaagad ito ng ama niya.

Binuhat ito ng ama nuya, dinala sa sala at ihiniga sa mahabang sofa. Si Finligh naman ay pinigilan siya sa kamay ng akmang susunod siya. Pinisil nito ang kamay niya, sinusubukan siyang pakalmahin.

"Magiging maayos din ang lahat. Mahal ka ng mommy mo, maiintindihan ka niya. Ayos lang, okay? Ayos lang. Andito lang ako. Hindi ako aalis sa tabi ko."

Tumango si Justine. Hinimas niya din pabalik ang kamay ni Finligh. Magkahawak kamay na sumunod sila sa mga magulang ni Justine.

Nang makarating sila sa sala, naabutan nilang pinapaypayan ng ama niya ang ina niyang wala pading malay.

Kabado si Justine, ramdam ni Fin ang kaba niya, nanlalamig kasi ang kamay nitong hawak niya.

"Kailan pa?" tulad ng dati, wala pading emosyon ang ama niya, malamig din ang boses nito na mas laing nagpadagdag sa kaba niya.

Alam niya na wala siyang obligasyon na magpakiwanag dito, una, hindi niya ito kinalakihang ama, pangalawa, hindi pa sila ganuon ka close, pangatlo, wala lang...

Nang hindi siya sumagot, si Fin ang sumagot para sa kaniya. "Higit isang buwan na po,Sir." magalang na sabi ni Fin sa ama ni Justine. Kinakabahan siya pero ayaw niyang ipakita sa ama ng kasintahan niya iyon. Gusto jiyang ipakita dito na seryoso siya sa anak nito. Nang samaan siya ng tingin ng ama ni Justine, muli siyang nagsalita."Sir, alam kong hindi normal ang relasyon namin para sa paningin niyo at paningin ng ibang mago na nakapaligid satin,pero sir, wala po akong pakealam. Ang tanging pinag-aalala ko lang ngayon ay ang posibilidad na paglayuin niyo kaming dalawa. Imposible po 'yun sir. Bago niyo po magawa yun, uunahan ko na po kayo. Humihingi na po ako ng despensa, baka magamit ko ang titolong nakakabit sa pangalan ko para lang masiguro na akin at akin lang ang anak niyo. Na hindi niyo siya ilalayo sakin. Hindi naman po sa pagiging walang modo, naninigurado lang po ako."

Biglang tumawa ng mahina ang ama ni Justine, nagkatinginan ang dalawa na may pagtataka sa kanilang mga mukha. Wala namang may nakakatawa sa sinabi niya ah.

"Nang makita ko kayo kanina, isa lang ang nasa isip ko. Paano ang anak ko pagtanda niya? Pag wala na kami ng ina niya? Paano siya? Sinong mag-aalaga sa kaniya kung hindi siya magkakaanak kasi lalaki din ang mapapangasawa niya. Pero dahil sa sinabi mo, sige, ikaw ang bahala. Kayo ang bahala. Wala akong karapatan na panghimasukan ang magiging desisyon niya sa buhay dahil sa tagal kong naging missing in action bilang ama niya. Ipangako mo lang na aalagaan mo ang anak ko."

Sabay na napangiti si Justine at Fin. Sumaludo naman si Finligh sa ama ni Justine.

"Areglado, boss."

Natawa naman ng mahina si Mr. Patterson. Lumapit si Justine sa ama niya. Ipinatong niya ang kamay sa balikat nito. Ngumiti siya ng sensero. "Salamat po, dad."

May kaunting butil ng luha na pumatak mula sa mga mata ni Mr. Patterson. Tumayo ang aka niya para mayakap ang anak niya na sa kauna unahang pagkakataon ay tinawag siyang dad.

Yun ang eksenang kinagisingan ng ina ni Justine. Napahiwalay ang mag ama sa isa't isa. Kabadong tiningnan ni Justine ang ina niya. Lumapit siya dito at sinubukang magsalita pero isang nakakagimbal na pangyayari ang sumunod.

Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon