Chapter 29

1.3K 49 7
                                    


CHAPTER 29


"MAHAL na reyna, may dumating pong kahon na nakapangalan sa iyo. Dadalhin ko po ba dito?" tanong ng tagasilbi ng reyna. Tumango ang reyna bilang sagot. Abala siya sa pagpapaganda. Naiiling na umalis ang tagasilbi at kinuha ang kahon mula sa isang kawal ng palasyo.


Dala dala ang medyo may kalakihang kahon, nagtataka niya itong tinitigan. Sa laki ng kahon na pinaglagyan, nagtataka siya kung bakit wala man lang siyang maramdamang bigat mula dito. Sobrang gaan nito.

"Dito ko lang po ba ilalagay?" tanong niya sa reyna. Medyo komportable siyang makipag usap sa reyna pagkat matagal na niya itong nakasama. Mga anim na taon na din yata.


Masasabi niyang ito ang pinakamabait na reyna na napagsilbihan niya. Nakakatawa, ito palang naman ang reynang napagsilbihan niya at wala ng iba kaya niya nasasabi 'yun.



"Dumating na ba ang anak ko?"



Tanong ng reyna pero ang atensyon ay nasa paglalagay ng kolorete sa kaniyang mukha. Tahimik na pinapanood lang siya ng iba pang taga silbi na nasa gilid lang.

Napaismid ang tagasilbi dahil sa tanong ng reyna,pero palihim lang naman. Ayaw naman niyang maparusahan.



Ayaw na ayaw niya talaga sa anak ng reyna. Manang mana ito sa ama nito. Walang hiya. Bakit kasi hindi nito namana ang kabaitan ng ina nito.



"Hindi pa po, mahal na reyna. Sa aking palagay ay, mamayang alas sais pa siya ng gabi uuwi."



Madalas umalis ang anak ng reyna, gaya ng ama nito. Madalas din na uwi nito ay alasais na ng gabi.



Napasimangot ang reyna dahil sa sinabi ng tagasilbi niya. Naiinis siya, hindi niya na naaabutan sa umaga ang asawa at anak niya. Tapos anong oras pa lagi umuuwi. Pag uwi hindi naman sumasabay sa pagkain aa kaniya. Madalas na sinasabi ng mga ito ay busog sila.


"Huwag ka ng malungkot, mahal na reyna. Sige ka, papangit ka." ani ng kaniyang tagasilbi na malapit sa kaniyang puso.


Inurapan niya ito bago muling naglagay ng pampaganda sa mukha. "Kapag nag-asawa at naging ina ka na. Maiintindihan mo ang nararamdaman ko ngayon."




Kaya nga ibinubuhos na lamang niya lahat ng atensyon niya sa pagpapaganda, pagtulong sa mga batang iniwan ng magulang at iba pa ang atensyon niya, kaysa naman malungkot siya sa tuwing nasa plasyo siya, nag-iisa.




Nang matapos sa pagpapaganda. Pinagtuonan ng pansin ng reyna ang natanggap nakahon. Unti unti at maingat na binuksan niya ito.




"Oh....Oh my G-God!!!"



Ganuon nalang ang gulat niya ng ag bumungad sa kaniya pagkabukas niya sa kahon ay ang naglalakihang larawan ng asawa niya kasama ang babaeng hindi niya kilala,naghahalikan habag yapos ng asawa niya sa baywang ang babae. Nagpupuyos sa galit na dinampot niya ang larawan.


Naikuyom niya ang kamao niya. Kaya pala, sabi na nga ba niya. Tama ang hinala niya. Napaka tanga niya, ni hindi man lang niya pinansin kaagad lahat ng hint na ipinapakita sa kaniya ng tadhana.




Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon