Chapter 34

1.1K 55 3
                                    

CHAPTER 34

NAKANGISI ang dalaga habang matamang tinititigan ang katawan ng kaniyang kapatid na walang malay. Nakahiga sa hospital bed halos isang buwan na din ang nakalipas.




Siya lang nag isa ang nasa silid na ito, hindi dumalaw ang mga kuya niya dahil maraming pinagkakaabalahan. Ang emperador ay marami ding ginagawa, gaya ng paghihigpit sa siguridad sa buong Sentro.



Naupo siya sa gilid ng kama. Pinakatitigan niya ang mukha ng kaiyang nakababatang kapatid.





"Alam mo, Night. Nakakapagod mag bait baitan sa harapan mo. Kaya kung ako sayo, mamatay ka nalang. Tutal hindi ka naman gusto nina kuya, lalo naman si dad. Walang may gusto sayo. Bukod sa pangit ka, wala ka pang utak at uto uto ka."




Idinapo niya ang kaniyang palad sa braso ni Night, ang kaniyang nakababatang kapatid. Sa sobrang higpit ng pagkakakapit niya sa braso nito, nagmarka ang kuko nito.





"Kung naririnig mo man ako ngayon, paki gawan mo naman ako ng pabor. Huwag ka ng gumising. Hindi ka nila kailangan. Ako lang, sapat na. Nakakaawa ka. Kahit anong gawin mo hindi ka nila mamahalin. Lalo na si kuya Belight, sa tingin mo ba paniniwalaan at mamahalin ka niya? Malabong mangyari yan. Hanggat nabubuhay ako, ako lang ang prinsesa nila, ako lang ang mahal nila, ako lang ang bunso nila. Walang Nightmare, ako lang. Tanging ako lang."





Tumayo siya may kinuha siyang kung ano sa bag niya. Hanggang sa namalayan nalang niya na na inject na niya sa braso ng kapatid niya ang gamot na talagang pinaghirapan niyang kunin.




Matapos niyang maiinject sa katawan ng kapatid niya. Tumawa siya ng pagka lakas lakas.




"Ayan, natitiyak ko na hindi ka na magigising pa. Tama yan, huwag ka ng gumising. Ako lang ang prinsesa nila. Ako lang. Dapat noon palang, ng sinubukan kitang itulak sa bangin, dapat namatay ka na! Pero bakit ang hirap mong patayin! Hah! Mas sa pusa yata ang buhay mo. Pero ngayon, hindi ko na hahayaang magising ka. Matulog ka nalang habang buhay. Hahahaha, Nightmare, Nightmare, Nightmare, ang kaawa awang prinsesa na kahit kailan ay hindi pagtutuonan ng pansin ng kuya at ama niya. Hahaha."




Natigil siya sa pagtawa ng bumukas ang pinto ng pribadong silid. Gulat na tiningnan niya ang magong pumasok. Seryoso ang mukha nito.




"Ku-kuya Belight, kanina ka pa ba diyan?"



Wala na ang malademonyong ngiti, wala na din ang himig ng panunuya. Balik sa dating gawi. Animo siya ay anghel na ibinagsak ng langit para mag hasik ng kabutihan sa sanglibutan.





Kinabahan siya ng hindi sumagit ang kuya niya. Sa halip, pinakatitigan siya nito sa mata. Napalunok siya. Sa kaniyang isipan ay kung ano anong senaryo na ang nagaganap.




"Narinig kaya niya? Hindi! Hindi maaari! Hindi pwede! Masisira ang lahat ng Plano ko! Hindi! Magagalit siya sakin."






Nakahinga siya ng maluwag ng ngumiti ang kuya niya. "Bakit parang nakakita ka ng multo? Kakarating ko lang. Pero marinig kitang tumawa, may ikikukwento ka ba kay bunso na nakakatawa?"





Naikuyom niya ang kaniyang kamao ng palihim. Ayaw na ayaw niyang tinatawag nitong bunso ang Nightmare na yun. Mula noon hanggang ngayon, kaya nga lahat ginawa niya para lang masira ang Nightmare na yun sa mga kuya niya. Nararapat lang ito dito, hindi ito nababagay na maging kapatid ng magagaling at mahhuhusay na mago.




Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterWhere stories live. Discover now