Chapter 6

3.6K 145 7
                                    

CHAPTER 6

HHDNALAHXBS WKZHXBAKSUDSJSIQ JSKWBSHSNS JSBSJSBS JSHSHHSHSH

INIS na sinipa ni Elijah ang gilid ng hagdan na siyang pinagsisihan niya din. Napatalon taon pa siya sa sakit dahil sa lakas ng pagkasipa niya sa gilid ng hagdan na gawa sa kawayan.

Naiinis siya, paano ba naman kase. Isang araw na ang lumipas ni hindi man lang siya pinansin o tinapunan man lang ng kahit na isangtingin ni Coldy. Badtrip na badtrip siya. Ano ba naman kase ang problema? Bakit kung umakto si Coldy ay parang wala lang nangyari. Wala naman talagang nangyari bukod sa nag kiss sila. Ano bang big deal dun?

"Binibini, nakahanda na ang lahat. Maaari mo ng simulan ang ritwal na iyong gagawin upang mapagaling ang aking anak."

Ni hindi man lang nagawang sumagot ni Elijah, tinahak niya ang daan papunta sa kinaroroonan ng anak ni pinunong Ma'. Sinimulan na niyang gawin ang dapat gawin. Ipinikit niya ang knaniyang mga mata, taimtim na tinatawag ang diyosa ng mga baliw.

"HOY!! BALIW, MAGPAKITA KA NGA SA AKIN! BILISAN MO. HUWAG MONG SAYANGIN ANG ORAS KO. BADTRIP AKO, BAKA MASAKAL KITA."

Hindi pala taimtim na nananawagan sa diyosa kundi walang ka resperespeto na tinatawag ang diyosa. Napailing iling naman ang diyosa ng mga buhay saka nagpakita sa isipan ng dalaga.

"Ganiyan ba ang epekto ng iniiwasan? Hahaha, kawawa ka naman. Buti nga sayo. Yan ang mga bagay sa mga matatakaw na gaya mo. Kung hindi mo sinira amg mga pananim ko at mga bahay ko at hindi mo niyurakan ang talon mg ganda ko ay baka kaawaan pa kita at damayan sa kalungkutan mo."

Napairap na lamang si Elijah, nginisihan niya din ang diyosa ng buhay na agad napaayos ng tayo at nawala ang sumusupil na ngiti sa labi. Isa siyang diyosa pero sa uri ng tingin ni Elijah, pakiramdam niya may mangyayaring hindi maganda.

"Pagalingin mo nga itong anak ni gurang."

Napaubo ubo naman ng mahina ang diyosa. Grabi, wala talagang preno ang bunganga ng babaeng ito.

"At pano kung hindi ko gawin?"

Ngumisi ang dalaga.

"Alam ko na kung paano bumalik sa lugar mo. Kapag hindi mo pinagaling ang anak ng gurang na 'to,babalik ako sa lugar mo at uubusin ko ang mga masasarap na nilikha mo."

Mabilis pa sa alas kwatro na pinagaing ng diyosa ang anak ni pinunong Ma'. Natawa naman ng mahina si Elijah. Bago umalis, binalaan siya ng diyosa na huwag na huwag daw siyang tumapak za lugar nito. Inasar niya pa muna ito bago ito makaalis. Nanggagalaiting naglaho ang diyosa.

"AHHHHH!!! ANG BABAENG YUN! KUNG HINDI LANG SIYA ANG SUSUNOD NA MAG-MAMANA NG TRONO KO, HINDI AKO MAGTITIIS MA KAUSAPIN SIYA! NANG UNA LANG SIYA NAKAKATUWA, NGAYON, ANG SARAP NA NIYANG PATAYIN!"

Natawa naman ng mahina ang lalaking nakarinig sa reklamo ng diyosa. Lumapit siya sa diyosa at hinapit ito sa bewang. Hinalikan din niya ito sa pisngi dahilan ng pagkalma nito.

"Bakit ba kasi apektadong apektado ka? Alam mo namang inaasar ka lang ng batang 'yun. Dahil sa ipinapakita mong apektado ka, mas lalo ka lang niyang iinisin. Hindi siya titigil hanggat hindi ka sumasabog sa galit." kalmadong bulong niya sa mismong may tenga ng diyosa. Napairap naman ang diyosa saka umingos sa lalaking nakayakap sa kaniya mula sa likod.

Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon