Chapter 16

2.3K 88 7
                                    

CHAPTER 16

"BYE" akmang bubuksan na ni Elijah ang pinto ng kotse ni Coldy para maka baba na ng hawakan siya nito sa kamay. "Bakit?" kunot ang noo na tanong niya.

Naka simangot na naman ang hudyo. Ano na naman kaya ang problema ng isang 'to? Napapadalas yata ang pagsimangot niya.

"Bakit nga?" masuyong tanong niya. Sa halip na sagutin hinila siya nito palapit dito saka niyakap ng mahigpit. Ipinatong din nito ang baba nito sa balikat niya. Ang mukha nito ay nakaharap sa leeg niya.

"Saglit nga nakikiliti ako. Layo ka ng konti." sabi niya na hindi man lang pinansin ng hudyo. Mas lalo pa itong nagsumiksik sa kaniya. "Ano ba? Haahhaa, ehhh. Nakikiliti nga ako."

Nang sa wakas ay lumayo na ng konti si Coldy. Huminga ng malalim si Elijah. Pinakatitigan niya ang mukha ng lalaki. Napangiti siya, sino ba namang hindi ngingiti sa ka cute-an ng binata.

Hindi na niya napigilan ang sarili niya. Kinurot niya ang pisngi nito.

"Awwww!! Mashakit!" daing ni Coldy habang pilit na tinatanggal ang kamay nito n akumukurot sa pisngi niya.

Nang mapansin ni Elijah na namumula na ag pisngi ni Coldy sa kakakurot niya. Tinanggal na niya ang kamay niya sa pisngi nito. Sobrang talim ng tingin ng binata sa kaniya. Nag peace sign naman siya.

"Sowwy, hehehe. Ang cute mo kasi e." guilty siya. Oo guilty siya. Napasobra yata ang pag kurot niya sa pisngi nito.

"Pag na cute-an ka, ma cute-an ka lang. Titigan mo lang. Huwag mo namang kurutin. Ang pula tuloy ng pisngi ko." reklamo ni Coldy habang hinihimas ang pisngi niyang pulang pula dahil sa paglurot ng bruha. Tiningnan din niya ang pisngi niya sa side mirror. "Fvck!" mura niya ng makita niya kung gaano kapula ang pisngi niya.

"Sorry na nga, kiss ko nalang"

Mabilis pa sa alaskwatro na humarap si Coldy sa kaniya.

Pairap na hinalikan naman ni Elijah ang pisngi niya. "Okay na?" tumango naman ang hudyo. Naka iscore na naman po si kilala. "Alis na ako, ingat sa pagmamaneho"

Bago pa siya makalabas pinigilan na naman siya nito. "Bakit na naman?" inis natanong niya dito.

Titig na titig sakaniya si Coldy kaya naman hindi niya maiwasang mailang sa mga titug nito. Iiwas sana siya ng tingin ng hawakan nito ang panga niya saka pinaharap siya dito.

"Lets start dating"

O______o

Gulat na tiningnan niya si Coldy. Nagtatanong ang mga mata niya kung seryoso ba ito sa sinasabi nito.

"I wanna know you more. So, lets date."

Napaubo si Elijah saka naisigaw ang....

"WHAT????"

_____

"NIGHT, eat your food. Kanina ka pa. Pinaglalaruan mo lang ang pagkain mo." suway sa kaniya ni Demon You. Naiiling na tinitigan niya ito. Medyo hindi naging komportable si Demon You sa uri ng titig niya. Walang emosyon ang mga mata niya.


Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon