Chapter 24

1.4K 59 5
                                    

CHAPTER 24

"STOP!! LET MY HUSBAND GO!"


Hindi nakinig si Elijah. Mas lalo niya lamang hinigpitan ang pagkakasakal sa asawa ng diyosa. Mas malakas ang kapangyarihang taglay ng asawa ng diyosa kumpara kay Elijah, ngunit wala itong silbi kapag si Elijah na kontrolado ng kaniyang kapangyarihan ang kaharap niya.



Sinubukang tulungan ng diyosa ang kaniyang asawa. Isang maling desisyon, dahil duon sa kaniya nabaling ang atensyon ng dalaga. Marahas na binitawan nito ang namumutla ng asawa ng diyosa.



Unti unti siyang naglakad papalapit sa diyosa na nag iisip ng paraan kung paano niya mapapatulog si Elijah. Kailangan nitong mawalan ng malay, dahil kung hindi, mapupuruhan sila.



Masyadong malakas ang kapangyarihan na tinataglay ni Elijah, kahit siya na diyosa, walang laban sa dalaga kapag inilabas na nito ang natatagong apoy nito.





"N..Not my w-wife!" galit na medyo utal na sabi ng asawa ng diyosa. Pinilit ng lalaki na makatayo pero bigla nalang may pumalibot na apoy sa kaniya. Puting apoy.




Nanlaki ang mga mata ng diyosa. "HUWAG KANG LALABAS DIYAN! DELEKADO ANG APOY NA IYAN!" sigaw ng diyosa, nagbalak kasing makalabas sa pumapalibot sa kaniyang apoy ang kaniyang asawa.



Hindi pa man ito nakakaalis dito, tiyak tustado na ito.



Nag-aalala ang mga mata ng diyosa na nakatingin sa asawa niya. Paliit ng paliut ang sakop na espasyo ng kinatatayuan ng asawa niya. Unti unting kinakain ng puting apot ang bawat espasyo sa loob.





"NIGHT, MAKINIG KA. HINDI KAMI KAAWAY, KAKAMPI KAMI. TUMIGIL KA NA. MAPAPATAY MO ANG ASAWA KO!"




Hindi nakinig si Elijah. Sa isang iglap lang ay nasa harapan na siya ng diyosa. Hahawakan niya na sana ito sa leeg pero may isang hangal na tumulak dito kung kayat ang tumulak sa diyosa ang siyang nasakal niya.



Napasalampak ang diyosa sa sahig, nang dumako ang tingin niya kay Night, halos lumuwa ang mga mata niya ng makitang hawak hawak ni Elijah ang kaniyang kanang kamay.





Kaagad siyang tumayo. Sinubukang lumapit kay Elijah pero siya ay nabigo. Tulad ng kaniyang asawa ay pinalibutan din siya ng puting apoy.






"Pft, nakakatawa kayo. Ang hihina ninyo. Hanggang dito na lang ba ang kaya ninyo? Nakakaawa naman kayo. Mga mahihinang nilalang. Dapat lang na burahin ko kayo sa mundong 'to!"





Mas lalong lumakas ang puting apoy na pumalibit kina Life at sa asawa niya. Habang ang kanang kamay ng diyosa ay malapit ng malagutan ng hininga.




Ipinikit na lamang ng diyosa ang kaiyang mga mata. Nagagalit siya sa kaniyang sarili. Diyosa na siya, siya na ang pumalit sa trono ng kaniyang ina pero heto siya , walang magawa. Bakit kasi napaka hina niya?



Kung hindi ba namatay ang kaiyang ate, may pag-asa bang ililipat ng kaniyang ina ang titolo nito sa kaniya gayung isa lang siyang mahinang mago na may busilak na puso?



"Ina, patawad. Palagi nalang kitang binibigo."




Nag-aalalang tinitigan ng asawa ng diyosa ang kaniyang asawa. Alam niya kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. Alam niya. Kilalang kilala na niya ito.



Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterWhere stories live. Discover now