Chapter 19

1.9K 66 4
                                    

CHAPTER 19

"PAPI!!!!" Pasigaw na pagtawag no Elijah sa papi niya. Balak pa kasi siyang takasan ng hudyo. Mukhang alam na nito na ito ang paghuhugasin niya. "Hugasan mo nga pinagkainan natin, papi."

Umiling si Coldy pero kaagad din namang ngumiti saka um-oo nalang ng mapansin nito ang masamang tingin na ipinupukol niya dito. Kaagad namang ngumiti ng malapad si Elijah.

"Hintayin kita sa sala hah. Manonood lang ako ng kung ano mang pwedeng panoorin dun. Bye."

Napamura na lamang si Coldy ng makaalis na si Elijah. "Hindi pa nga kami mag asawa, under na ako agad. Anak ng tinapa, sige na nga lang. Wala naman na akong nagagawa, baka mamaya topakin pa yun ako pa kawawain."

Kung ano ano pinag sasabi niya sa kaniyang sarili habang nag huhugas ng pinggan. Hirap nahirap siya sa nga hinuhugasan niya.

"Sa palasyo namin, ako ang pinagsisilbihan. Isang utos ko lang,, andyan agad. Tapos dito sa bahay namin, ginawa lang akong utusan. Ang saklap nga naman ng buhay oh."

Pinahiran muna niya ang namumuong pawis sa kaniyang noo. Kita niyo na, naghugas lang ng pinggan pinagpawisan na.

"Anak ng kapre nga naman!" inis na bulyaw niya ng mabitawan niya ang basong hinuhugasan niya. Ang bula kasi kaya medyo madulas. Nabasag ito. "Aysttt!! What a life." nang dadamputin niya na ang nga ito isa isa siya namang pagbagsak ng kamay niya sa mga basag basag na bahagi ng baso. Napamura siya ng malakas lalo na ng nagsimula ng magdugo ang palad niya.

Yun ang eksenang nadatnan ni Elijah ng pumunta siya sa kusina para sana kumuha ng tubig at uminom na din dahil nauuhaw siya.

"PAPIIIII!!" nag-aalalang sigaw niya, dali dali siyang lumapit sa papi niya. Kinuha niya ang kanang palad nito, binuksan ang gripo saka sinimukang hugasan ang palad nito na nagdurugo, matapos niyon ay inakay niya ang papi niya papunta sa sala saka niya ito ginamot.

"Ayan, bakit kasi hindi ka nag iingat. Kita mo oh, pano kung mag marka 'to? Sayang ang flawless skin mo!"

Napailing na lamag si Coldy. Nasugatan na siya at lahat na, heto, sinesermonan pa siya.

"It's no---

"Naghuhugas ka nalang kasi ng pinggan nasugatan ka pa? Seryoso? Ang sarap mo, papi!!!! Ginigigil mo ako."

"I was ju----

"Pag naghuhugas ka kasi ng pinggan, papi, mag focus ka."

"I'm fo---

"Hayan tuloy, hayst, pano ngayon yan, mamaya pag kumain tayo ulit sino ang maghuhugas ng pinagkainan natin?"

"Syemp---

"Syempre ako, oo, ako, ako ang maghuhugas. Huhuhu, siguro sinadya mo na masugatan ka 'no? Kasi ayaw mong mag hugas ng mga pinagkainan natin."

"Hind----

"Sabihin mo lang kung ayaw mo, papi. Ako na mag huhugas, hindi mo na kailangang sugatan ang sarili mo."

Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon