Fifteenth Heart Beat

1.1K 30 1
                                    

Happy 2nd Anniversary to The Broken Scalpel!

Enjoy reading! 




It's an endless walk. Hindi alam ni Macey kung nasaan siya. She just woke up in a strange house. Walang tao sa buong bahay kaya lumabas na siya. Ang buong paligid, para bang abandonado. Walang tao, at tahimik. The only siund she can hear are the chirping birds.

Hindi rin siya sigurado kung anong oras na. Walang araw sa paligid. Not even the shades of the orange sun behind the clouds. There's no traces of sun, or even the moon, an indication that night is coming. Makulimlim ang kalangitan. Ang sa paligid ay puro talahiban.

With the uneasiness, and the coldness, she continued walking. Out. Naghahanap ng pwedeng masakyan pauwi, ang kaso lang ay wala. Ni wala nga yatang bakas ng sasakyan sa paligid, o kaya foot prints.

And the creepiest part? Parang siya lang mag-isa.

Then, Macey stopped walking when she heard a laughter. Tawa na galing sa bata. Lumingon siya at hinanap ang pinanggalingan ng tawa. Sa daan, sa likod ay wala.

But she's still hearing the laughter around. Until, it became louder—or mas natuwa ang bata sa kung ano mang nagpapasaya rito. Mas luminaw sa pandinig ni Macey ang tawa. She followed the laughter. Hindi niya alam kung bakit niya pa sinusundan, eh ang dapat na ginagawa niya ang maghanap ng sasakyan pauwi.

Pero, naisip niya, kung taga rito ang bata, pwede naman niyang tanungin. Pwede siyang magtanong kung paano umuwi. Sana lang ay nasa edad ang bata, pero parte sa kaniya, iniisip na masyado pang bata ang tunog ng tawa.

At tama nga siya.

She found the girl, in the middle of the tall grasses on the side of the road, pero nang nilingon niya ang buong paligid, it's not like it was full of grass. Sa isang hawi, na para bang kurtina ang malalaking talahib sa bungad, at nasa loob ang mas magandang lugar.

Totoo, puro damo pa rin, pero hindi na matatangkad na talahib. It was well trimmed grass, with the pleasing color of green, at hindi lang iyon, there was like a sprinkle of small flowers, with a touch of violet, pink, and white. May matangkad, may hindi. May katamtaman lang.

And those flowers...those little flowers are the reason why the kid whom she heard was laughing out loud, as if the paradise-like scenery is amusing her. Nasa gitna ang bata, naka-upo sa damuhan, at nakasuot ng violet dress. Sa sapatos, ganoon din ang kulay.

Macey's head angled in confusion, the same time her forehead knotted. Iniisip kung nasaang lugar siya para sa ganito kagandang tanawin. At ang nakakagulat, there are... rays of the sun, grazing around the grass field. Parang sa pagpasok niya sa loob ng talahiban ay nawala ang kulimlim, at napalitan ng pagtaas ng araw.

Unti-unti niyang nilapitan ang bata. Tumitingin siya sa paligid kung may kasama ba ang bata, pero napalingon na lang ito sa kaniya, at binati na siya, wala naman siyang nakitang kasama.

"Hiiii!"

Their eyes met. Her pitch-black eyes reflected against the sun, the same as her brown—no, curly brunette hair. Ngumiti ito sa kaniya. She has incomplete teeth. Normal for her age which seems like two—or months older. Katulad ng kay Chloe. Mukhang mas matanda lang ang kaharap niya.

She smiled genuinely at the kid, and beamed. "Hi! Mag-isa lang?"

Tumango ito, at pinitas ang bulaklak na naabot bago tumayo. "Mmmnm!"

"Mainit dito..." aniya at tumingin sa paligid. "Naglalaro ka sa initan... at wala kang bantay."

Unlike Chloe who can almost speak perfectly despite her age, ang isang ito ay hindi. "It's 'kaaay..."

The Broken Heart Beat [Ace Lucifer's Series Two Volume One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon