Twenty Eighth Heart Beat

838 31 12
                                    


Macey stood in front, and just stared at the closed coffin while she's holding a pink rose in her left hand. Malalim ang bawat pag-hinga niya, at pinipigilang maging emosyonal. As much as she wanted to, and even it reminds her of things that she shouldn't have, she still tried to keep calm, silent, and collected.

May mabigat sa dibdib niya na hindi niya ma-explain. If it was all from the past, from the jealousy or... she's not sure about. Alam niya, hindi tama lalo na't, hindi lang naman siya ang nakakaranas ng ganito. It is unfair to her, but she should remind herself that everything is not unfair.

May mga bagay lang talaga na nahahawakan ng iba, na tanging panaginip para lang sa isa. It has always been like that...

But why she's always in the unfair side? Bakit palaging panaginip ang sa kaniya?

"Hija..." napakurap si Macey at nilingon ang matandang may ka-edaran na. Si lola Estella.

Ngumiti siya at inilapag nang marahan ang rosas sa kulay pink na kabaong. Something ached inside her, that she wished that she was also able to do this...to Jayda. She's not feeling bitter. 

Maybe, that's just it. 

She's not really bitter... or a little, pero mas nangunguna ang inggit.

She woke up, and was only able to see Jayda in her grave already. Ang bagay na pinaka-pinangarap niyang dumating, kinuha na kaniya nang wala siyang kalaban-laban. Kinuha sa kaniya na mag-isa lang siyang lumalaban kahit dalawa dapat sila. Dapat, may kasama siya nang mga panahon na 'yon.

Siguro... kaya napalapit si Jaxon kay Mia. Bukod sa ka-edad, kung nagsisisi man si Jaxon, dala nang pagkukulang, at guilt, si Mia ang naging kapalit ni Jayda. Ang mga bagay sana na para kay Jayda ay ibinuhos sa iba. Siguro, kung siya rin, at mas nagtagal pa si Mia, o kung may mapapalapit sa kaniya... siguro, ganoon din siya.

"Salamat sa pag-punta mo, hija..." hinawakan ni lola Estella ang kamay niya.

She smiled and looked down. "Wala po iyon...she's still a patient, and a family in Mondaragon..."

Tumango ang kaharap. "Tama ka. Halos sa buong buhay niya, roon na siya tumira. Naging pamilya niya ang mga tao sa ospital."

Macey blink when her eyes misted. Wala siyang masabi.

"Lumaban ang apo ko, hanggang sa huli. Naipag-laban siya... at masakit man sa akin, sa amin ng lolo ni Mia, alam namin na pare-pareho kaming lumaban..."

Macey's tears fell when she heard it.

Someone fought for... Mia.

So, she lived. 

Even at shortest.

That someone should have saved his own daughter first.

"Laking pasasalamat ko lang kay Dr. Skyler dahil kahit alam niyang mahirap... at walang pag-asa, inilaban niya pa rin."

Hindi siya sumagot.

Humigpit ang hawak ni Lola Estella sa kaniya. "Ang sabi, usap-usapan sa ospital na magmula nang bumalik sa pagiging doctor si Dr. Skyler, napalapit siya sa mga bata." Natawa ito ng kaunti. "Ang binatang 'yon, may hindi raw nailaban kaya napalapit kay Mia. Nahanap ng dalawang iyon ang isa't isa. Si Mia, walang ama, at si Dr. Skyler, mukhang may sariling... intensyon."

"M-mabuti naman po k-kung ganoon..." sagot niya.

Jaxon...

How could you do this?

"Pinabayaan ko na... kahit parang hindi si Mia ang nakikita ng mga mata niya madalas, masaya naman ang apo ko... at alam kong tunay naman ang malasakit ng batang iyon kay Mia..."

The Broken Heart Beat [Ace Lucifer's Series Two Volume One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon