EPILOGUE 2/2

1.4K 27 7
                                    

EPILOGUE

Macey's Point of View



"Oh, Juliet is here. Where's Romeo?"

That was the first time I met him. In the middle of my chaos, dumagdag pa siya. Una pa lang, bad shot na siya sa akin dahil sa mukha niyang nang-ga-gago. Para bang isa akong malaking joke sa harapan niya. Hindi naman siya pangit. Actually, he looks manly. Mula sa mukha, sa katawan, at hanggang paa niya na may tsinelas, gwapo siya.

Attorney Kaiden Blade Davis, also known as Mayor Kaiden is a too good to be true kind of man that every girl will meet.

I'm lucky that I was able to meet him, but I know that he's unfortunate to cross paths with me. Hindi sa hindi ko siya gustong gustuhin. Hindi sa ayaw ko sa kaniya. He won't last.

I'm already owned by someone who hurt me.

I'm in love with someone that despite of this sickening pain, despite of unbearable nightmares, his cure is all I want. The day dreams he barely answers to me is what I want to have. Naubos na ako lahat-lahat, siya pa rin ang gusto ko.

Bumaling ang tingin ko nang i-abot niya sa akin ang panyo niya. I shook my head and tried to wipe my own tears using the back of my hand. I'm crying with him beside me. I'm crying because of many reason na kapag pinag-isa, dahil sa sarili ko ring katangahan. Dahil sa sarili kong kagagawan. I'm crying because of the pain I inflicted upon myself.

They said those people who chose to be blind, and stupid are likely to end up to triumph in life.

Ganoon din naman ang ginawa ko, kaso bakit ganito?

I lose despite of considering myself blind and stupid.

I lost Jaxon. I lost Jayda. I lost my home, and I don't know to find my way back.

Ang mukha kong kapupunas ko lang para matuyo ang luha ay muli na namang nabasa. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, at wala na akong pakialam kung nasa tabi ko si Mayor Kaiden. He helped me escape from the person I badly wanted to be with.

"Jayda..." tuluyan nang bumigay ang lakas ng tuhod ko. My palms rested on the green grass around Jayda's tomb as I cry myself. Na para bang kung gagawin ko 'yon, mababawi ko ang lahat, babalik sa nakaraan at hindi siya mawawala sa akin kasabay ni Jaxon.

"Jayda...Jayda..." Paulit-ulit kong tawag.

Hindi ko pinansin si Kaiden na sinamahan akong lumuhod. Para akong batang nagmamakaawa. Nagwawala, kahit alam kong hinding-hindi ko na mababago ang nangyari. Na kahit tuyuin ko ang lahat ng luha sa mata ko, alam kong wala nang magbabago.

"If you're going to leave your child with no certainty of coming back, then at least, smile for her instead of crying as if you'll die."

Napalingon ako kay Kaiden. Ang luhaan kong mukha ay patuloy na nababasa. Hindi ko na kontrolado ang sarili ko. Hindi rin ako makasagot sa sinabi niya. Walang-wala ako ngayon, at kahit ang umintindi ng mga sinasabi niya ay hindi kayang i-process ng utak ko.

Ubos na ubos na ako, at hindi ko alam kung paano ko babawiin ang sarili ko.

Mayor Kaiden avoided his gaze. He can't look at my face. Pero bumaba ang tingin ko nang hawakan niya ang pulso ko. He didn't say any word but as if that hold from him is a wordless comfort.

"Why did you run away from him if you really wanted to stay?"

I was silent unable to answer, or I can't just really find any answer that I was unable to.

The Broken Heart Beat [Ace Lucifer's Series Two Volume One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon