Chapter 36

229 5 0
                                    

Matt's POV


"Yeah, best friend lang," sagot ni Callie noong tinanong siya ng kaklase ko kung mag-best friend lang ba talaga kami.


Pinigilan ko 'yong sarili ko na mag-react ng hindi maganda para hindi nila mahalata 'yong pagkadismaya ko. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon dahil tama naman siya.


Best friend niya lang ako.


Best friend lang ang tingin niya sa akin.


Pinaupo ko siya sa tabi ko dahil tinitignan siya noong iba naming kasamang lalaki at alam ko kung anong tumatakbo sa utak ng mga gagong 'yon dahil gawain nila 'yon sa school. Ayos lang naman siguro na tabi sila ni Blair.


Itinuloy na namin 'yong pag-aaral namin habang si Callie naman tahimik lang habang tinitignan 'yong ginagawa ko.


Habang tinuturuan ko si Stella, naramdaman ko na may humihila sa sleeve ng t-shirt ko kaya napatingin ako kay Callie na hawak nga 'yong sleeve ko.


"Bakit, Cat?"


"Your sleeve is dirty," sabi niya at tinapik 'yong sleeve ko na parang may tinatanggal doon kahit mukhang wala namang dumi.


"Parang wala naman."


"Naalis ko na kanina."


Narinig ko 'yong mahinang tawa noong tatlo sa harapan ko kaya sinamaan ko sila ng tingin. 'Wag na 'wag talagang magkakamali 'tong tatlo na 'to mang-asar.


"Anong tinatawa-tawa niyo diyan?" tanong ko sa kanila.


"Wala," sagot agad ni Julian at nagsulat na ulit sa notebook niya.


"Sabay ba kayo nagbe-breakfast lagi?" tanong naman sa amin ni Axel kaya pinaningkitan ko agad siya ng mata.


Umiling naman si Callie habang nagtatakang nakatingin kay Axel.


"Araw-araw ba kayong nag-aalmusal ng anesthesia?" tanong naman ni Julian at humagalpak ng tawa.


"What?" naguguluhang tanong ni Callie.


Sinamaan ko sila ng tingin dahil baka kung ano pang idagdag nila at baka i-explain pa nila 'yong tungkol sa anesthesia na joke.


Buti hindi nagtanong si Cat kung anong ibig sabihin noon. Mabubuking pa ako nang wala sa oras.


Noong matapos 'yong araw at makauwi 'yong mga batchmates ko, inihatid ko si Callie sa kanila, nag-uusap lang kami tungkol sa school at sa mga kaklase ko noong bigla niyang banggitin si Stella.


"Do you like her?" tanong niya sa akin habang nakatitig sa akin na para bang sobrang importante ng isasagot ko.

[Career Series #5]: The Electric Spark (COMPLETED)Where stories live. Discover now