Epilogue

878 16 12
                                    

"Thank you for bringing Catria here," sabi ni Hunter sa akin. "You can go home."


"Okay lang ba siya?" nag-aalala kong tanong. "Kumusta siya?"


"She's stable, she just lost consciousness because of too much blood loss." Bumuntong-hininga si Hunter at umiling. "She broke a few bones but nothing extreme."


Parang nabunutan ako ng tinik noong marinig ko na stable na 'yong lagay ni Callie. "Pwede na ba siyang puntahan?"


Tumango si Hunter at iginiya ako papunta sa kwarto ni Callie. Pagbukas niya ng pinto, ang una kong nakita ay si Catria na maputla at nakahiga sa kama. Nakabenda 'yong isa niyang paa pati 'yong isa niyang braso at may takip 'yong isang parte ng noo niya.


Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya, nanginginig 'yong kalamnan ko dahil sa estado niya. Nilapit ko 'yong kamay ko sa kamay niya na hindi nakabenda pero nakatusok 'yong swero at marahan kong hinimas 'yong hinliliit niya.


Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil kinakain ako ng pagsisisi... Sana kinausap ko na siya bago 'to nangyari. Sana nagkaliwanagan na kami para hindi siya mag-isa na dumaan doon sa lugar na 'yon.


Ang daming 'sana' pero hindi ko na mababago kung ano ang nangyari, ang magagawa ko na lang ay hintayin siya na magising.


Lumingon ako kay Hunter na nakatutok sa cellphone niya. "Ayos lang ba kung ako ang magbantay kay Catria?"


Kumunot 'yong noo niya. "Don't you have a job?"


"Magle-leave na lang ako..." Napatingin ako kay Callie. "Gusto ko hintayin na magising siya. Sigurado akong busy ka kaya baka wala ka rito kapag nagising siya at ayaw ko na magising siya tapos wala man lang siyang makikita na pamilyar na mukha."


"I'm actually planning on hiring a personal nurse for Catria just in case she needs something... I can't stay here all day."


"'Wag ka na mag-hire, ako na ang bahala sa kanya."


Nagkibit-balikat siya at inabot ang isang ziploc bag na ang laman ay 'yong mga alahas, cellphone, at wallet ni Catria. "You should hold on to this. Since you'll be staying here, you can give that to her immediately."


Tumango ako. "Salamat... at pasensya na rin sa nangyari noong college kami."


"You're just being a great friend to Ms. Fiorentino." Nagkibit-balikat siya at walang ekspresyon 'yong mukha niya. "Anyway, I'll take my leave."


Tumango na lang ako at tumingin ako sa hawak kong bag. Kumunot 'yong noo ko noong makita ko 'yong kwintas ni Callie na lagi niyang suot. Hindi naman siya mahilig sa mga malalaking pendant pero lagi niya talagang suot ito at lagi niyang hinahawakan kapag problemado siya.


Natigilan ako sa pumasok na ideya sa utak ko pero kaagad kong iwinaksi 'yon bago pa ako mapuno na naman ng emosyon.

[Career Series #5]: The Electric Spark (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon