Chapter 2

1K 34 2
                                    

Yasir's POV

Nakakantok, I didn't know that she wanted a date like this. Mas okay pa kung inaya nalang niya akong magdate sa loob ng kwarto, mas nag-eenjoy pa ako.

Instead of this, the surroundings are fucking noisy.

"Doc, are you okay?" Nea asked loudly, nakasukbit ang kamay niya sa braso ko.

Bagot akong tumango.

"Hindi ko makita, Doc. Kita mo ba?" She asked me again. I looked down at her. She was forcing herself to stand up more to see her idols on stage.

We are inside the Moa, standing while watching the performers.

Anong klaseng date ito? nakakangalay. Siksikan pa, magkakahalong amoy na rin ang naamoy ko. Uso namang mag deodorant.

Ang tagal matapos, ilang minuto na kaming nakatayo.

"Doc, itaas mo naman ako. Hindi ko makita..." Pakiusap niya.

I didn't say anything. I removed her hand from my arm, then grabbed the back of her hoody and lifted her up.

"Kita mo na?" Tanong ko habang nakalambitin siya sa ere.

She turned to me and frowned. Why? I just did what she wanted.

"Literal na itinaas Doc ah, galeng. Nasasakal ako!" Reklamo niya at gumalaw-galaw.

Tsk, ibinaba ko siya. Ang gaan pala niya... Akala ko mabigat dahil malaki ang suso nito.

"Ano ba yan, ang lalaki ng ulo nila..." Naiinis niyang saad habang iginagaya ang ulo sa kung saang may space.

I shook my head. I got down, so she looked at me.

"Bakit doc? Nangangalay ka na?" She suddenly asked.

Kawawa naman, kanina pa siya walang nakikita sa harap.

"Sumakay ko rito sa balikat ko." Utos ko, ngumiti siya at tumango.

She went behind me and slowly rested her thigh on either side of my shoulder, then I stood up.

She was holding my hair, ohh damn... Sana ganyan din niya hawakan ang buhok ko kapag nasa kama na kami.

"Ano ba yan! Wala ka-ming makita rito sa likod. Respeto naman!" Rinig kong reklamo nila.

Inayos ko ang pagkakadangay ng hita niya.

"Kitang-kita ko na, Doc." Masayang sambit niya, saka gumalaw-galaw.

"Hey, wag kang gumalaw." Suway ko.

Kasama namin ang mga kaibigan niya, nasa kabilang gilid sila naka pwesto. At talagang ipinakilaka niya akong manliligaw niya, I was also impressed by her courage to ask me out kahit kakilala palang niya sa'kin.

Anyways, wala namang mawawala kung sakyan ko ang trip niya, it's just for fun...

Dulcinea's POV

"Woahhh!" Malakas na hiyaw ko, kitang-kita ko mula rito ang mga idol ko...

Pinilit ko lang talaga siyang sumama ngayon, ako na rin ang kumuha ng number niya dahil wala naman siyang balak kunin ang number ko.

Ako na ang nag-aadjust tutal kagustuhan ko lang naman ito, kahit alam kong mabobored siya inaya ko parin siyang manood ng concert ng Treasure boy band. Buti nalang nakabili ako ng dalawang tickets noong nakaraang buwan dahil malakas talaga ang kutob kong may makakasama ko ngayong manood, at siya iyon!

Pagkatapos ng dalawang oras, natapos na at ibinaba na rin niya ako saka iginalaw-galaw ang balikat niya halatang nangalay.

"Wala naman kasing nagsabing buhatin mo ako ng ganung katagal, Doc." I said while reaching for his shoulder and squeezing it, wala pa akong mapisil dahil matigas ito.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon