Chapter 61

541 23 3
                                    

Third person POV

Bumukas ang pintuan ng main door ng bahay ni Zac, kasabay ng pagbaba nito sa hagdan habang nakapamulsa sa suot niyang white pajamas.

Seryoso itong humakabang habang nakatingin ng diretso sa kakapasok lang.

"Ang ganda naman nitong bahay..." Rinig niyang sambit ng babaeng kararating lamang, walang iba kundi si Thalythia.

Bitbit nito ang malaking maleta habang luminga-linga sa buong kabuuan ng bahay, pagkatapos ay nahinto ang mga mata niya kay Zac na kabababa lang ng hagdan. Baghagya itong nanlaki ang mga mata at napatigil. "Ikaw?" Hindi nito makapaniwalang tanong, pagkatapos ay sinabayan pa ng paglunok ng ilang beses.

Nanatiling kalmado at seryoso ang expression ni Zac, ni' walang mahihimigang kahit na anomang emosyon mula rito.

"Anong... Wag mong sabihin na-" Hindi nito maituloy-tuloy.

"You can start tomorrow, and about the rules here in my house, bother to ask Manang Selene." Malamyang bulalas ni Zac.

Nangunot ang kilay ni Thalythia. "Pinlano mo lahat ng ito diba? Nung matapos ang pang-a-amok mo sa bahay nung nakaraan, pagkatapos ng dalawang araw natanggal ako sa trabaho ko ng walang ibinigay na exact reasons..." Seryoso niyang sambit, saka inihakbang ang mga paa papalapit pa sa pwesto ni Zac. Matiim niya itong tinitigan. "Umamin ka nga, ikaw din ba ang nagpademolished ng bahay ko?" Malalim niyang tanong.

Tinitigan lang siya ni Zac nang malamig na tingin, pagkatapos ay ibinuka ang bibig. "Kung ako nga? Anong magagawa mo?"  Humakbang rin siya ng isang beses habang nakatingin kay Thalythia sa mga mata. "Wala diba? So just be grateful because you have a job now." Dagdag niya, saka tumayo ng tuwid.

Napakurap-kurap si Thalythia dahil sa narinig. Bigla itong tumawa ng hindi mapakla. "Alam mo ikaw? Sira ka rin ano? Bakit kamo?" Pabalang niyang binitawan ang maletang hawak at taas noong nakipaglabanan ng titig. "Maging grateful pa ako niyan sayo? E ikaw nga ang dahilan kung bakit wala akong matuluyan ngayon! Ano ba talagang kailangan mo sakin?" Naguguluhan nitong tanong.

"Wala akong kailangan sayo. You are here to be my children's tutor, nothing else." Simple at seryosong sagot ni Zac pagkatapos ay naglakad palagpas kay Thalythia.

Pagsapit ng hapon...

"What are you doing here?" Masungit na tanong ni Zavie kay Thalythia. Kilala nila ito dahil siya ang teacher inaayawan ni Zavie sa hindi malamang dahilan.

Tumingin naman si Thalythia kay Zac.

"She's your tutor from now on, kids." Si Zac ang sumagot.

Sumimangot si Zavie na nagpangiti naman kay Zavler.

"You stay here, right, teacher?" Ngiting tanong ni Zavler sakanya, saka siya nito nilapitan at inabot ang kamay ni Thalythia.

Ngumiti ito at pumaibaba para pantayan si Zavler, saka tumango.

Mas lalong lumaki ang pag-ngiti ni Zavler. Malapit ang loob nito sakanya at hindi maikakailang gustong-gusto niya ito.

"Really?" Masayang pagsisigurado ni Zavler.

"Daddy, find someone else." Seryosong boses ni Zavie. Naiiyak siyang tumingin kay Thalythia.

Napaawang ang bibig ni Thalythia at ibubuka na sana ang bibig para magsalita nang magsalita ulit si Zavie na nagpatahimik sa kanila. "Not her. I don't like you." Pagdidiin nito sa huling sinabi bago umalis at tumakbo paakyat ng hagdan.

"Zavie!" Pagtawag sakanya ni Zac pero tuloy-tuloy lang ito sa pag-akyat.

"Don't mind her, teacher. She's just like that at first, but she'll like you as much as I do." Usal ni Zavler kay Thalythia, saka niya ito nginitian.

Napalunok naman si Thalythia at tipid na ngumiti, pagkatapos ay tumango, saka niya hinaplos ang maliit na kamay ni Zavler. "Masaya akong maging tutor niyo ni Zavie." Malambing at mahina nitong bulalas.

"Zavler, go to your room now." Utos ni Zac sa anak kaya bumaling naman sakanya si Zavler at tumango bago ulit nito binigyan ng tingin si Thalythia at nginitian.

Pagkatapos maka-akyta ng hagdan ni Zavler ay agad na hinarap ni Zac si Thalythia.

"Wala naman sigurong rason kung bakit ayaw ka ni Zavie, so?" Malalim na boses nitong pagtatanong.

Gumalaw si Thalythia at tumayo ng tuwid, pagkatapos ay huminga ng malalim. "Honestly..." Pagsagot niya habang nakatitig kay Zac. "Hindi ko alam." May lungkot sa boses nito pero saglit lang dahil umaliwalas ulit ang mukha niya at ngumiti. "Pero, alam ko naman na magugustuhan din niya ako-"

"Ang tinatanong ko lang ang kailangan kong marinig, wala akong pakealam kung magugustuhan ka man o hindi. Gawin mo lang ng maayos ang trabaho mo, yun lang." Walang pakundangang bulalas ni Zac bago nito ito nilampasan.

Napatahimik si Thalythia at mapait na ngumiti, saka
tumango-tango. "Sabi ko nga." Kagat labi nitong bulong sa sarili.

Pagsapit ng gabi, matapos i-ayos ni Thalythia ang mga gamit sa naging kwarto niya. Naisipan nitong maligo at pagkatapos ay lumabas para magpunta ng kusina.

Naabutan naman niya rito si Manang Selene.

"Tulungan ko na po kayo." Ngiting ani niya.

Lumingon naman sakanya si Manang Selene na nahinto sa ginagawa nang makita ang kabuuan ni Thalythia. Pinasandahanan pa nito mula ulo hanggang paa pagkatapos ay napakurap-kurap na para bang nakakita ng multo.

Hindi pa kasi nito nakikita si Thalythia mula kanina kaya ganoon na lamang ang pagkagulat niya.

"Hmn, may... Problema po ba?" Alanganing tanong ni Thalythia.

"Ne-ea?" Hindi makapaniwalang pagtatantiya ni Manang selene.

Lumapit pa si Thalythia at unti-unting napawi ang ngiti nito sa labi. "Pwede po bang magtanong? Ganyan na ganyan din po ang reaction ni Sir Yasir nung una niya akong makita, tinawag pa nga po akong asawa." Naglilikot ang kumikislap nitong mga mata. "Hmn, sino po ba si Nea?" Dahan-dahan niyang tanong.

Agad ding napahinga ng malalim si Manang Selene na para bang agad na pumasok sa isip na maling nasambit ang pangalan ni Nea. "Kamukhang-kamukha mo siya... Ang matagal nang namayapang asawa ni Sir." Hindi nito maiwasang titigan ang mukha ni Thalythia. "Lahat. Wala manlang naging pagkakaiba sa anyo niyo, maging sa boses." Pagkamangha nitong saad.

Nahihiyang ngumiti si Thalythia. Magtatanong pa sana siya nang mapalingon silang pareho dahil bumungad ang bulto ni Zac.

"Manang, luto na ba?" Diretsong taong niya kay Manang Selene.

"Malapit na po ito, sir." Mabilis na pagsagot nito pagkatapos ay bumalik ulit sa ginagawa.

Bumaling naman ang mga mata ni Zac kay Thalythia.

Nakakaasiwa ang klase ng pagtitig nito kaya naman umiwas siya ng tingin at tumikhim.

"Hurry up, manang, gutom na ang mga anak ko." Malamyang tono ni Zac bago ito tumalikod paalis.

Napabuga naman ng hangin si Thalythia at napapikit ng mariin at muling nagmulat.

Nilingon niya si Manang Selene. Marami pa sana siyang mga bagay na gustong itanong pero ipagsasawalang bahala nalang niya ito dahil pagiging tutor lang naman ang gagampanan niya sa loob ng bahay.

@dikaPinili_


Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon