Chapter 65

319 18 1
                                    

Thalythia's POV

"Two rooms have been reserved for your family, sir, room 56 for you and your wife and room 57 for your two children." Rinig kong sabi ng receptionist.

Yayamanin ang pagdadausan ng kasal, bungad palang ay may maipagmamalaki na, maganda at napaka elegenteng tingnan nitong bagong kapapatayong Beach Hotel na rinig kong pagmamay-ari rin mismo ng groom. Kaya siguro dito na rin nila napiling ipagdaraos ang seremonya ng kasal.

"I need one more room." Rinig ko namang sagot ni Sir Zac.

I took a deep breath. The suitcases we were carrying were on my left side, while Zavler was on my right side, holding my hand, and Zavie was also holding Zavler's arm.
 
"I'm sorry, sir, there are no more vacant rooms because they have been reserved for other guests." Maalumanay na sagot ng receptionist.

2 rooms? So, saan ako matutulog? Saka nakakahiya naman kung magtatabi-hindi talaga kami pwedeng magtabi!

"Teacher, there is a white beach in the back, right?" Untag ni Zavler kaya ibinaba ko ang tingin sakanya, pagkatapos ay saka ako ngumiti at tumango.

"Hmn, pupuntahan natin mamaya dahil maaga pa naman, gusto mo ba yun? Ipapaalam ko mamaya sa Daddy niyo pagkatapos nating kumain, okay?" Masigla kong bulalas na mabilis niyang ikinatango.

Tumingin naman ako kay Zavie. "Zavie, gusto mo rin bang puntahan natin mamaya iyon?" Pagkuha ko ng atensiyon niya.

Sinulyapan niya ako at hindi umimik.

Kaya napahinga ako ng malalim. Naaalibadbaran talaga siya kapag kinikibo at pinapansin ko siya.

"Let's go." Boses ni Sir Zac.

Lumingon ako sakanya. Naka poker face ito habang kinukuha ang mga maleta.

Kaya gumalaw ako at yumuko konti para sana kunin ang may kalakihang bag na pagmamay-ari ko nang biglaang pagdantay ng mainit na palad niya sa likod ng kamay ko na nagpapitik ng dugo at pulso ko sa katawan!

Wala sa sarili akong napalunok. Ilang segundong nakadantay ang kamay niya kaya mabilis na para akong napasong binawi ang kamay ko kasabay ng pagtuwid ko ng pagkakatayo.

Nanunuyo ang lalamunan kong tumikhim.

We accidentally picked up the bag at the same time, pero para akong sinisilaban sa init nang dahil lang sa pagdikit ng kapirasong balat naming dalawa.

"Ako na ang magdadala." Malalim na boses niyang bulalas at nauna nang humakbang.

"Teacher, namumula po ang pisngi mo." Inosenteng pabulong ni Zavler na nakakapit sa kamay ko habang kami ay naglalakad.

Ilang beses pa akong tahimik na tumikhim. Gaano ba kapula ang mukha ko ngayon at napansin pa talaga ng bata!

Narating din namin ang harapan ng room 56.

Ibinaba ni Sir Zac ang mga bitbit niya, pagkatapos ay saka siya humarap sa'min.

Seryoso ang tingin niyang sa akin dumiretso.

Kumurap ako ng ilang beses dahil kumakalikot ang mga mata niya every time na namamalagi ito sa mga mata ko.

"Besides, only 2 rooms are reserved for us..." Huminto siya at banayad na huminga ng malalim. Tumingin siya kay Zavie pagkatapos ay sa akin ulit. "You and Zavie will share a room, and maybe later or tomorrow the staff will reach out for another room I requested."

Naka hinga ako ng maluwag, ang akala ko talaga magtatabi-

"No! I don't want to, Daddy!" Matinis na hindi pagsang-ayon ni Zavie.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon