Chapter 38

374 16 1
                                    

Dulcinea's POV

"Nea." Yasir's voice, I turned around and smiled sweetly.

Unti-unting napawi ang ngiti sa labi ko, when something was wrong with his posture. His shoulders slumped and he looked tiredly into my eyes.

I came closer and touched his cheek, hinanap ko sa mga mata niya ang problema, alam kong meron...

Dahil dati-rati, when he got home, he would always smile and immediately kiss me on the lips.

"Bebi, is there a problem?" I asked softly while caressing his cheek down to his neck.

He just stared at me. I watched how his lips parted.

"Nandon ka diba?" Malamig na boses niyang tanong, naglilikot ang mga mata niya.

Napaurong ang baba ko, anong nandon ako? Nandito nga ako sa harapan niya ngayon...

Napalabi ako.

"Para ka namang tanga bebi, nag-uusap nga tayo ngayon tapos tatanungin mo ako kung-" mahinang tawa kong sagot na pinutol niya kaagad.

Hinawakan niya ng mahigpit ang wrist ko at ibinaba.

"Nasa Casa White building ka kanina, Nakita kita... Nakita ka ng dalawang mata ko, Nea." Kumibot ang sakit sa boses niya kasabay ng panginginig ng kilay nito.

I blinked and swallowed. But I still forced myself to smile and straighten my posture.

"Hubby, a-no bang sinasabi mo... Nakakain ka ba ng panis na pagkain? Halika..." Pigil kaba kong sambit saka hinila ang kamay niya. "Ako nalang ang kainin mo..." Nanginginig ang labi kong pilit iniiba ang usapan.

"Kahit ngayon lang, magseryoso ka. Sagutin mo ang tanong ko." Mariin at lalim niyang boses.

Napaiwas ako ng tingin...

"Look at me." Paubos na ang pasensiya niya, napalunok akong piniligan ang matinding pagkabog ng dibdib ko.

"Wa-la, bakit naman ako pupunta dun... Nagkakamali ka lang, why are you like that? You know, I'm just here at home all day, right?"  Pinagtibay ko ang boses ko.

Tiningnan ko siya, kulang nalang ay hindi na siya kumurap sa pagtitig sa'kin.

"You don't need to say a lie. I will notice the truth in your eyes that doesn't exist in your mouth." Diretso at seryosong saad niya.

"I saw the rifle you were holding pointed directly at my head." kumislap ang mga mata niyang naka-usli sa'kin saka binawi ang kamay niyang hawak ko.

"You intend to kill me..." Umiling-iling siyang hindi makapaniwala.

Bumagsak ang balikat kong nagbabadya ang mainit na luha sa mga mata ko.

"Admit it to me, you're that girl, right? And that night at the subdivision, it was you too, diba? Kaya ka may pasa sa tagiliran dahil ikaw ang nakaingkwentro ko, bakit? Huh?" Mariing boses niya, binabalot siya ng nararamdaman.

Napaiyak ako nang hawakan niya ang magkabilaang balikat ko ng mariin. "Bakit gusto mo akong patayin? Nea? Anong ginawa ko sayo? Huh? Sumagot ka! Bakit?!" Pagbugso ng galit niya habang nakatitig sa'kin.

Pumikit ako nang mariin dahil sa hasik ng pagsigaw niya. "Za-ac..." Muntik nang hindi marinig ang sariling tinig ko dahil sa halo-halong emosyon. Pinilit kong inaabot ang pisngi niya.

"Gusto kong marinig mula diyan sa bibig mo." Mahihimigan ang sakit mula sa boses niya.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan kung pano ipaliwanag at kung paano ko ipapaintindi. Ibang-iba niya ako tingnan ngayon, punong-puno ng pagkadismaya, naguguluhan, magkahalong galit at lungkot. "Ikaw ba?" Pagkibot ng expression niya.

Lumunok ako kasabay ng paghagulgol kong hindi ko na mapigilan pa  kahit mahirap ay ibinuka ko ang nanginginig kong mga labi. "O-oo." Utal kong paghikbi.

Napaawang ang labi niya't ilang kurap ang ginawa, kasabay ng pagbitaw niya sa balikat ko at pagbagsak ng mga kamay niya.

Napatakip ako ng bibig nang umatras siya ng isang beses.

Pinilit kong lumapit sakanya nang pigilan niya ako. "Don't. Come. Near. Me." Mariing dahan-dahan ang pagbigkas niya.

"Magpapaliwanag ako, Zac. I'm... I'm sorry. Please, forgive me. Ple-ase." Bulong kong nagmamakaawa.

Pagak siyang ngumiti. "I gave all my trust to you; I loved you even though I knew there were things I didn't know about your personality, pero hindi ko inungkat ang mga iyon, dahil mahal na mahal kita." Pulang-pula ang mga mata niyang nagpipigil ng emosyon.

"Nea, mahal mo ba talaga ako?" He managed to asked me that question.

Walang alinlangan kong tumango. "Mahal kita-"

Napatigil ako nang tumawa siya ng malakas at unti-unting naging masakit ang klase ng pagtawa niya.

Hindi na siya naniniwala...

"Bakit hindi na kapani-paniwala?" Mapait siyang ngumisi. 

Umiling-iling ako't napahikbi. "Zac, mahal kita-" Iyak kong pagpipilit dahil iyon naman  ang totoo...

Pinantayan niya ako't tiim bagang niya akong tinitigan. "Tama na ang pagkukunwari, dahil ang totoo? Hindi mo naman talaga ako mahal. Target mo lang, naghihintay ng magandang pagkakataon para patayin ako."

Para akong natuod at hindi nakapagsalita...

Sa mga sumunod na araw...

Umiiyak akong nilapitan ang pintuan. "Zac! Mag-usap tayo, please... Wag namang ganito." Hagulgol kong pinilit pinipihit ang seradura.

Kinalampag ko ito habang walang habas ang pag-iyak. "Please! Bebi, buksan mo!" 

He has been locking me here in the room for three days; he doesn't want me to go out. Araw-araw ko siyang pinapakiusapang mag-usap kami pero hindi niya ako kayang pakinggan.

Dumausdos ako sa likod ng pintuan saka sinapo ang tiyan ko. "Shh... I'm sorry, I'm sorry." Kagat labi kong pinigilan ang pag-iyak.

Bahagya na naman kasing sumasakit ang tiyan ko...

"Shh... Okay lang baby, ito na... Hi-ndi na ii-yak si mommy. I'm sorry." Utal kong pilit pinapakalma ang sarili, mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at napalunok ng ilang beses.

Huminga ako ng malalim pagkatapos ay napapikit ako.

Sumapit ang tanghalian...

The door opened, so I quickly got up from lying down. He came in with a tray of food.
 
I looked at his face; it's still the same; nothing has changed... I know he's still mad at me.

Ibinaba niya ang tray sa ibabaw ng table sa gilid. "Kumain ka na." Malamig niyang boses.

Pinaglapat ko ang mga labi ko dahil nagbabadya na namana ng luha mula sa'kin. "Hin-di ako nagugutom." Bulong kong sambit.

Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya habang nakatingin sa'kin. "Wag mong idamay ang anak ko. Hindi lang ikaw ang magugutom." He exhaled loudly, sat on the edge of the bed, then took the tray and placed it between us.

Namamawis ang kamay kong inabot ang kamay niya. "Wag mo na akong ikulong dito..." Pigil ang pagpiyok kong pakiusap. "Hindi na ako aalis, hindi na ako magtatago sayo ng sekreto, hindi na ako magsisinungaling... Basta wag mo na akong ikulong dito, please?" Mariing paglunok ko.

Tinitigan lang ako ng malalim at nanlalamig niyang mga mata pagkatapos ay binawi niya ang kamay niyang hawak ko. "Pagod ako, Nea." kinuha niya ang mangkok ng ulam. "Eat." Seryosong sambit niya saka itinapat sa bibig ko ang kutsara.

Napalunok ako at hindi na nagsalita pa. Konting tiis pa, Nea... Magiging maayos din kayo. Ilang araw kong isinisiksik sa ulo kong hindi rin magtatagal at hindi niya rin ako matitiis. Alam kong papakinggan din niya ako...

@dikaPinili_

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon