Chapter 89

312 13 2
                                    

Dulcinea's POV

"Anong gusto niyong iluto ni Mommy for dinner?" I asked my kids with a smile while my eyes were on the road.

Hindi pa nakakauwi kanina si Zac, kaya sa hindi mapakaling nararamdaman ay ako na ang sumundo sa kanila.

"We want a mechado, Mommy!" Masigla't sabay nilang sagot.

Napatango naman ako. Lagi talaga nilang nirerequest ang recipe ko sa pagluluto ng paborito nila. Nakakatuwa lang dahil kung noon nagkakanda iyak-iyak pa ako dahil hindi ko makuha ang tamang lasa, ngayon, kahit siguro anong hilingin nilang lutuin ko ay magagawa ko na ng tama at masarap.

"Mommy! May ice cream, huminto po tayo, please?" Matinis na boses ni Zavie.

Sinulyapan ko naman ang nakaparadang ice cream vendor sa gilid kaya inihinto ko ang sasakyan.

Kinalas ko ang seatbelt ko't inilingon ang mukha sa back seat. "Ako nalang ang bababa mga anak, dito nalang kayo, okay?" Sabi ko't dinukot ang pitakang nasa bag kong dala.

Tumango naman sila at ngumiti kaya naman agad na akong bumaba at tiningo ang pwesto nito.

May ilang nagkukumpulan sa paligid kaya maghihintay muna ako saglit para makabili.

Hindi ko maintindihan kung bakit mas gusto ng baby girl namin ang mano-manong gawa kaysa sa nabibiling ice cream sa stores.

"Ano po ang sa inyo ma'am?" Tanong ng mamang nagtitinda sa akin.

Ngumiti ako at, "dalawang sweet corn, kuya..." Sagot ko at dinungaw ang tubo. Mabenta ang tinda niya dahil malapit na ring maubos.

Binuksan ko ang pitaka ko at kumuha ng isang daan.

"Manong, mukhang paubos na ang tinda mo ah..."

Napatigil ako.

Maalumanay ngunit mapaglaro ang tono ng lalaking may-ari ng boses.

Nangunot ang kilay kong inalala kung bakit pamilyar ang boses na iyon sa pandinig ko.

At para makasigurado ay itinaas ko ang paningin.

Dahan-dahan kong iginalaw ang paningin sa mga taong nasa paligid, nang mahinto ng kusa ang mga mata kong nagbigay sa akin nang panlalamig sa buong talampakan at mga kamay.

Isang nangangatal na pagkurap ang nagawa ko...

I swallowed when the corner of his lips curled into a grin as he looked directly at me.
 
Teo.

Buhay siya!

Pero-

"Ma'am?" Untag ng mamang nagtitinda. "Ito na po-"

Kumurap-kurap akong tarantang ibinigay ang bayad at kinuha ang dalawang ice cream.

Dumagundong ang kaba kong mabilis at patakbong naglakad pabalik sa sasakyan.

Rinig ko pang isinigaw nila ang barya, pero dire-diretso lang ang lakad ko at mabilis na pumasok sa loob.

Mabilis ang paghinga ko muling napalunok.

Alam kong may masama itong balak dahil sa pagpapakita niya ngayon.

At iyon ang ikinababahala kong mangyari lalong-lalo na para sa mga anak ko.

Bukas ang isip kong hindi pa tapos ang lahat dahil nagpapagala-gala pa ang mga tauhan ni Mr. Otokawa at ang pagbabalik niya rito sa Pilipinas matapos ang ilang taong paglalay low.

"Mommy!" Napapikit ako sa pagkuha ni Zavler at Zavie ng atensiyon ko.

"Are you okay, Mommy? Tumutulo na po ang ice cream na hawak niyo."

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon