Chapter 78

501 21 7
                                    

Dulcinea's POV

"Waah! We're here." Mahihimigan ang excitement sa boses ni Zavie kasabay ng paghinto ng makina ng yate.

Nandito na kami sa Acuaverde Beach dito sa Batangas at para maka makarating kami rito sa pampang ay sumakay pa kami ng yate.

Unang bumaba si Zac at Silver para ibaba ang mga gamit namin...

Kami-kami lang ang magcecelebrate ng birthday niya kasama si Silver, sumama siya dahil may mahalaga raw silang pag-uusapan ng masinsinan.

"Teacher, maliligo tayo kaagad mamaya, ah?" Ngiting sabi ni Zavler.

Tumango naman ako. "After we eat." Sagot ko.

Binigyan ko ng pansin ang buong lugar, sobrang sariwa ng hangin rito nakakarelax.

Nang makita ko nang sumulong ulit sa tubig papunta rito si Zac ay kaagad din akong tumayo't inalalayan ang mga bata.

Sa magkabilaang braso niya binuhat ang kambal, pagkatapos ay saka niya ako tiningnan. "Wait for me here; I'll get back to you." Ani niya sa'kin, kaya tumango ako.

Hindi kasi aabot sa pinakagilid itong yate, kaya kinakailangan pa talagang magtampisaw sa tubig, pero mababaw lang, hindi naman aabot hanggang tuhod.

"Ma'am, alalayan ko na kayo." Untag ni Silver na nasa ibaba ng yate, saka nito inilahad ang kaliwang kamay.

Ngumiti ako't kukunin na sana ang kamay niya nang...

"Fuck of, fucker, paharang harang ka." May lamang seryosong boses ni Zac.

Nanlaki ang mga mata ko nang malakas pa nitong tabigin si Silver sa balikat, which is why he would have almost fallen off balance if he hadn't been clinging to the edge of the yacht.

"Luh." Pagreklamong tono ni Silver.

Pero nakadiretso lang ang seryosong paningin ni Zac sa'kin at hindi nito pinansin.

Tinaasan pa niya ako ng kilay. "What? Bababa ka hindi?"

Kaya sinimangutan ko siya't bahagya kong itinaas ang kaliwang palad ko para sana kumuha ng suporta sakanya, nang tiningnan lang niya ang kamay ko habang nakakunot ang noo.

Kaya huminga ako ng malalim. Ayaw rin pala akong alalayan. Jusko ka...

I was about to step on my feet when he immediately grabbed my waist with both hands and wrapped his arm around my back and buttocks.

Kaya tumama ang kaliwang dibdib ko sa gilid ng ulo niya.

"Te-ka... Tumitingin rito ang mga bata-" pag-utal ko.

Ngunit itinuloy parin niya, kaya wala akong nagawa kundi ang mapalunok, saka ako humawak sa magkabilaang balikat niya habang buhat ako papunta sa buhanginan.

Walang imik niya akong ibinaba.

"Thank you." Pagtikhim ko't bumaling ang paningin ko sa gilid ko, kung nasaan ang mga bata.

Nang mapagtanto kong pareho silang nakatingin sa'kin.

Alanganin akong ngumiti dahil sa klase ng pagtitig nila, para itong may laman at kahulugan.

Siguro nagtatanong nila sa sariling isipan kung bakit ganun na lamang ang pagkilos namin ng Daddy nila.

"Let's go." Untag ni Zac.

Kaya hinawakan ko na ang mga bata sa magkabilaang kamay.

Nauna na si Silver bitbit ang ilang mga gamit namin, habang bitbit rin ni Zac ang ilan pa habang nakasunod kami rito.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon