Chapter 87

298 10 3
                                    

"Pangalan mo ang suspek sa pagkamatay ni Feb." Masayang pambungad niya. "Akalain mo nga naman, nakakatawa lang dahil isang gaya ko ang nakagagawa ng lahat ng ito."

Nanunuyo ang lalamunan ko't mga labi.

Dahan-dahan kong itinaas ang paningin ko sakanya at pagod na kumurba ang gilid ng labi ko sa pagngisi. "Nakagagalaw ka ng malaya sa labas gamit ang kaanyuan ko, Thalythia," Mahina't mapang-uyam kong pagpapaalala. "kaya wag mong ipagmamayabang ngayon sa akin ang mga kahayupang naisakatuparan mo, dahil sa tingin mo ba... Magagawa mo ang lahat ng ito kung alam nilang hindi ako ikaw?" Pagdidiin kong tono. "Hindi diba? Dahil isa ka lang namang bahag ang buntot na nakatago lagi sa likod ng mukha ko-" dagdag kong nagpapawi ng ngisi nito't humakbang papalapit.

"Bahag ang buntot, huh?" Mapait niyang pag-uulit, pagkatapos ay muling ngumiti. "Pero ayos lang, dahil kahit ano namang sabihin mo, hanggang dada nalang ang magagawa mo, dahil nandito ka... At dito ka na rin mamamatay nang hindi mo manlang maililihis ang mag-aama mo sa kamatayan." Natawa siya sa ilalim ng paghinga nito.

Sinamaan ko siya ng tingin at bumoses nang may pagsisigurado. "Hindi ka magwawagi. Hindi mo masasaktan ni' dulo nang daliri ng mga anak ko." I speak in hushed tones, filled with deep and bitter rage.

She looked at me pitifully with a smile mischievous on her face. "Hindi ka makakatakas rito kaya wala kang magagawa-

Mabilis akong humugot ng malalim na hininga't agad akong nagsalita. "Ako, wala, pero hindi mo kilala ang asawa ko, hindi niya hahayaang may masamang mangyari sa mga anak namin."

Sa kabila nang lahat, mamatay man ako sa sitwasyon ito nang walang ibang nakakaalam, mapapanatag parin ako dahil alam kong hindi madadamay ang mga anak ko dahil nasa puder sila ng Daddy nila.

Humagalpak ang paghagikgik niya. "Oo nalang, Nea, pagbibigyan ko nalang ang mga sinasabi mo huh? tutal pampalubag loob mo nalang yan para sa sarili mo."

Sa sumunod na araw...

Naghahanda siya.

She lowered herself to my level. "Oh, aalis ako ngayon, huh? at sa pagbalik ko, dadalhin ko sayo ang balitang ayaw na ayaw mong marinig."

Muli siyang umayos nang pagkakatayo.

Ibinuka ko ang bibig ko dahil may pakiramdam akong... Maaaring huli na ang araw na ito para makita ko siya.

"Thalythia." My throat began to constrict, making it difficult to say her name this time. "Gusto ko lang malaman mong binalikan ka nila Papa nung gabing yun. Hindi totoong pinabayaan ka nila; hindi totoong hindi nila ipinaramdam ang pagpapahalaga sayo; hindi totoong mas pinapaboran at paborito ako kaysa sayo." Paglabas ng mga kataga sa akin. I fixed my gaze on her eyes. I couldn't see any emotion there, but I gulped and continued. "Dahilan ng totoo? Mahal na mahal ka nila. Tuwing gabi kapag dika pa nakakauwi ng bahay noon... Labis na ang pag-aalala ni Mama at pagtaranta ni Papa na kahit galing siya sa trabaho at pagod ay pumapanhik muli siya paalis at hinahanap ka nang gabing-gabi sa kung saan, tinatagawagan ang lahat ng kakilala mo, at saka lang sila napipirmi kapag namalan nilang nasa maayos kang lugar." Pigil ang pagpiyok kong pahayag. "Sadyang hindi mo lang iyon napapansin dahil sarado ang isip mo at mas piniling inilayo ang loob mo sakanila."

"Kaya gusto kong linisin ang galit mo sakanila dahil wala lang din naman silang ibang ginawa kundi ang mapaayos ka lang." Emotions build up in me when I remember how much our parents sacrificed for her, pero ni' kahit minsan hindi niya iyon nabigyan ng pansin dahil ang mga akala lang nito ang laging ipinapanguna sa isipan niya.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon