Chapter 55

383 15 4
                                    

Third Person POV

Unti-unting nagmulat ng mga mata si Yasir, puting sahig ang bumungad sakanya. Kumurap-kurap siya at gumalaw kasabay nang pagbabalik sa katinuan.

"Zac." Magaang boses ng babae...

Napangiti siya nang mahimigan na boses iyon ni Nea. Sa isip nito'y isa lamang masamang bangungot ang nangyari.

Napakurap siya nang si Devina ang unang bumungad.

Unti-unting bumangon si Yasir agad, kaya siya inalalayan nito.

He cast his eyes around the room. Looking for his wife...

Bumaling siya kay Devina. "Kalalabas lang ba ng asawa ko? Narinig ko kasi ang boses niya paggising ko, may binili ba siya? O ano?" Sunod-sunod niyang tanong kay Devina habang tipid na nakangiti.

Yasir looked at the door when it opened. Yvor entered and went straight to the side of the bed.

Pinagpalit-palit ni Yasir ang tingin kay Devina at Yvor. Nagtataka siya sa mga expression ng mga ito. "Yvor, nakasalubong mo ba ang asawa ko? Habulin mo naman siya, sabihin mong gising na ako." Maalumanay niyang boses, saka napahawak sa kanyang ulo. "Gusto ko siyang makita agad, ang sama kasi ng napanaginipan ko." Ani niya, saka napahinga ng malalim. Ramdam parin nito ang pagbibigat ng dibdib niya.

"That wasn't a dream." Mahinang boses ni Yvor, tinatantiya ang bigat ng boses niya para hindi mabigla ang kapatid.

Napatigil si Yasir, saka naguguluhang tumingin kay Yvor. Umiling-iling siya at bahagyang napatawa ng mahina kasabay ng mahinang pag-iyak ni Devina na nasa gilid nito.

"Yvor, sabi nila, lokohin mo na ang lasing wag lang akong bagong gising." Turo niya sa sarili. "Hayst, ako nalang ang sasalubong sa asawa ko." Saad niya, saka tinanggal ang mga nakakabit na dextrose sa kanya, saka niya iwinaksi ang kumot. "Sinabi ko na sa inyo diba? Na ayaw na ayaw kong mahiga sa hospital bed." Bulalas niya habang bumababa sa higaan.

Naglakad siya papunta sa pintuan.

"Yasir, patay na si Nea. Alam mo iyon bago ka pa mawalan ng malay." Malalim na boses ni Yvor.

Napahinto si Yasir sa pagpihit ng seradura ng pintuan habang papalakas ang pagdagundong ng puso niya. Unti-unti niyang hinarap si Yvor. Hindi punapasok sa isip niya ang katagang ini-usal ng kapatid. "Hoi, sinabi ko nang wag mo akong pagtripan diba-" hindi niya naituloy.

"Nasa morgue siya ngayon..." Mahinang paghikbi ni Devina na nagpawala ng ngiti ni Yasir.

Lumunok siya at pinigilang wag mainis. "Anong kalokohan ang pinagsasabi niyo? Buhay ang asawa ko. Narinig ko pa ang boses niya pagkagising ko kanina, kaya tumigil na kayong dalawa. Hindi na nakakatuwa." Mariin niyang boses, saka mabilis na lumabas ng pintuan.

Naglakad siya...

"Yasir!" Paghabol ni Yvor, saka nagpunta sa harapan ni Yasir.

Tiningnan nito ng malamig na tingin si Yvor. "Tumabi ka."

Yvor shook his head; he didn't know how to make his brother understand that his wife was gone. "Listen to me-" He couldn't continue when Yasir quickly collared him and punched him hard in the face.

"Buhay. Ang. Asawa. Ko!" Bumatak ang mga ugat niya sa katawan at maging sa sintido habang mabagsik na pinakatitigan si Yvor.

Mariin din siyang hinawakan ni Yvor sa magkabilaang balikat at tiningnan nang matiim. "Wala na siya! At kailangan mo iyong tanggapin at kung hindi? Matutuluyan kang masisiraan ng bait! Maawa ka sa mga anak mo, Yasir. Hinihintay ka pa ng mga pamangkin ko! Naiintindihan mo ako?" Pagnginig ng tono niya.

Umiling-iling si Yasir habang namumula ang mukha at mga mata niya dahil sa katotohanan. Dahan-dahan niyang binitawan si Yvor pagkatapos ay wala siya sa sariling tumalikod at naglakad.

Sumunod si Yvor sa tutunguhan ng kapatid.

Dinala sila ng mga paa sa morgue.

Habang papalapit sa pintuan ay mas lalong tumindi ang pagbigat ng pakiramdam ni Yasir. Ilang beses siyang hirap na lumunok habang sinasakop ng matinding sakit.

He slowly opened the door with his cold and trembling hands.

Humakbang siya papasok sa loob. Nagtungo siya sa taong nakahilata habang nakakumot rito ang puting tela.

Nangangatog ang tuhod at kalamnan niya nang matunton ang gilid ng malaking trolley kung saan nakalatag ang katawan ng pinakamamahal.

Nanginginig ang klase ng pahinga niya habang dahan-dahang ini-a-alis ang kumot sa tapat ng mukha ni Nea.

Nang tumambad ang maputla nitong mukha ay agad napatuod si Yasir sa kinatatayuan. Hirap siyang napakurap habang namimilipit ang kirot na nararamdaman hindi dahil may ini-inda itong sakit sa katawan kundi dahil sa asawang nakaratay at wala nang buhay.

"Nea..." Pagdaan ng hinagpis sa boses niya habang hinahawakan ang pisngi ng asawa. "Nilalamig ang asawa ko..." Mahinang bulalas niya, saka bumaling kay Yvor na nasa bungad ng pintuan. "Yvor, ili-pat natin si Nea... Nanlalamig ang katawan niya rito, halika tu-lungan mo ako." Wala sa sarili niyang sabi sa kapatid, saka ulit ibinaling ang tingin kay Nea.

"Shh... Lilipat ta-yo sa ibang kwarto, huh? Para hindi ka lamigin, baby. Pasen-siya ka na ngayon lang kasi ako nagising, kaya imulat mo na rin ang mga mata mo wife, nandito na ako oh, nabagot ka ba sa paghihintay? Huh? Or if you want... We're going home; our children are looking for you." Nagbabara ang lalamunan niya habang masuyong hinahaplos ang pisngi ni Nea. Pinasandahanan niya ng tingin ang kabuuan nito habang naglilikot ang mga mata niya, saka niya mabilis na ibinalot ang kumot sa katawan ng asawa. "U-uwi na tayo..." Hirap at malambing niyang boses.

Lumapit si Yvor. "Yasir, tama na..." Usal nito, saka hinawakan sa braso ang kapatid.

Iwinaksi ni Yasir ang pagkakahawak ni Yvor, saka ulit hinawakan si Nea. "Uuwi na kami. Ihanda mo ang kotse ko." Saka niya tatangkaing buhatin ang katawan ni Nea nang mabilis siyang pigilan ni Yvor.

"Yasir, wake up! I know it's hard but you have to-"

Gumalaw si Yasir at malakas na itinulak ang kapatid. "Ang sabi ko, ihanda mo ang sasakyan at uuwi kami." Mariing niyang boses. "Hindi mo rin ba maintindihan? Nilalamig siya rito! Kailangan nating siyang i-uwi ngayon din..." Papahina niyang boses habang hindi magkanayaw ang paglilikot ng namumula niyang mga mata habang nanginginig ang labi.

Mabilis muli siyang bumaling sa asawa. Lumunok siya ng marahas, saka ulit niya tinangkang buhatin nang manghina ang mga tuhod niya kaya napasalampak sila sa sahig. Yinakap niya ang asawa habang hinahaplos ito sa braso. "Wife gising na-a." Pagpiyok niyang bulong kasabay ng paglaglag nang sunod-sunod na luha mula sa mga mata niya.

Lumapit pa si Yvor, saka tinapik ang balikat ni Yasir.

"Hindi ko kaya... Hindi ko ka-ya." Papalakas ang paghihinagpis niya, at niya isiniksik ang mukha ni Nea sa leeg niya. "Sinabi mong uuwi ka na sa'kin di-ba? Wake up baby, don't do this please... Please, ang sakit sa-kit na, wife." Paghagulgol niya habang mahigpit na hawak ang asawa.

"Please, wife, wake me up from this nightmare. Ayoko nito..." Mabilis niyang kinapa ang kamay ni Nea, saka hinalikan ng mariin at dinala sa pisngi niya. "Please gising na-a, baby. Diba excited ka pa sa binyag ng mga anak natin, huh? Ang sabi mo diba ikaw ang pipili ng mga isusuot nila?" Hirap niyang paghikbi. "Nalalapit na rin ang kasal natin ulit, kaya buksan mo na ang mga mata mo para sa'min. Parang awa mo na, mahal na mahal kita. Nea!" Pagbugso ng sakit na nananalaytay sa buong pagkatao niya.

Labis ang paghihinagpis niyang hindi na alam ang gagawin sa pagkakataong ito.

"Pinangako mong magkakasama tayo habang buhay, kailangan kita! Kailangan ka namin. Wag mo naman akong durugin nang ganito kasakit." Paghiyaw niya dahil sa paunti-unting pagyupi sakanya ng matinding emosyon habang walang habas na mahigpit na kinukulong sa mainit niyang bisig ang malamig at nagkukulay pasa nang si Nea.

@dikaPinili_

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon