Chapter 72

346 19 5
                                    

Dulcinea's POV

"Anong ginagawa mo? Itigil mo yan. Tingnan mo nga yang sarili mo sa salamin, hindi ka pa okay, kaya wag mong pilitining umalis ngayong gabi." Hinawakan ni Mira ang dalawang braso ko para mapatigil sa pag eempake. "Dito ka lang hangga't sa kaya mo na, dito, mas safe ka, Nea." Seryosong bulalas niya.

"Ayokong magtagal rito, pano kung nalaman nilang nandito ako?" Umiling-iling akong nanghihina. "Ayoko ko kayong madamay." Dagdag ko, saka ko ulit ipinasok ang mga damit ko sa maleta.

"Okay, ganito, kahit magpalipas ka pa ng isang araw. Hayaan mo lang muna ang katawan mong makapagpahinga. Sige na... Ako na ang nakikiusap sayo-Nea makinig ka sa'kin!" Mariing paghawak niya sa palapulsuhan ko para mapaharap sakanya. Naglapat ng mariin ang labi niyang naiiyak. "Sa tingin mo ba sa kalagayan mo ngayon kaya mo ang sarili mo? Huh?" Lumipat ang dalawang palad niya sa pisngi ko at pinakatitigan ako ng taimtim. Lumunok siya. "Bumalik ka kay Zac, please? Wag mo nang gawin to mag-isa... Bumalik ka sa pamilya mo, please? Doon, kahit matagal kang matawad ng asawa mo, sigurado akong hindi ka niya pababayaan, mapoprotektahan ka niya, maniwala ka sakin... Sige na, huh? Dahil kung kami lang? Kung kami lang Nea, wala kaming sapat na lakas para magawa yun kahit gustuhin namin..." Pag-iyak niya ng mariin.

Kumurap-kurap akong hinawakan ang palapulsuhan niya, saka ito ibinaba. Ngumiti ako. "Wag kang mag-alala, kaya ko, hmn? Pag-alis ko rito, isipin mo lang na nasa maayos akong paglalakbay, sisiguraduhin ko sayong ligtas akong makakarating ng probinsiya. Kaya wag ka nang umiyak. Kaya ko, Mira." Maalumanay kong pagsisigurado.

Bumagsak ang balikat niya habang bigong nakatingin sa'kin. Pinunasan nito ang luha niya, saka tumayo't lumabas ng kwarto.

Huminga ako ng malalim.

Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa labas, pero masisigurado kong sa pag-alis ko ay walang magagalaw sino man sa kanila.

Pagkatapos kong makapagbihis ay tumingin ako sa salamin.

Pinakatitigan ko ang sarili ko rito. Parang kailan lang, ang bilis kong namayat dahil sa dami ng panibagong bumabagabag.

Maya-maya pa ay hinawakan ko na ang maleta ko, pagkatapos ay saka ako lumabas ng kwarto.

Nadatnan ko si Mira na nasa couch. Lumingon siya sa'kin, kita ko ang paghinga nito ng malalim habang pinapasandahanan ang kabuuan ko.

Ilang saglit pa nang magpapaalam na sana ako nang tumunog ang door bell, kaya sinundan ko ng tingin si Mira palabas ng pintuan.

Baka dumating na ang asawa niya, sakto at nang makapagpasalamat ako ng pormal.

Pagkapasok ni Mira ay ang pagpasok rin ni...

Zac.

Napalunok akong nagulat.

Diretso itong tumingin sa akin, nakatindig pero walang bakas ng ano mang emosyon mula rito.

"I'm sorry, ayaw mo kasing papigil, kaya ipinaalam kong nandito ka." Mahinang bulalas ni Mira

Hindi ako naka-imik.

Zac didn't say a word, bagkus ay walang gana itong gumalaw at humakbang.

Wala akong nagawa nang bitbitin niya ang maletang
nasa gilid ko, pagkatapos ay nauna na itong lumabas ng bahay.

Hindi parin pumapasok sa isip ko ang kasalukuyang pangyayari.

Napaiktad ako nang hawakan ni Mira ang kaliwang braso ko. "Sige na... Kahit para sa mga anak mo nalang." Bulong niya, saka niya ako yinakap.

Inihatid pa nito ako pabas ng gate...

Hindi parin ako dinadapuhan ng pag-imik nang makapasok ako sa loob ng kotse.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon