Chapter 48

360 12 1
                                    

Dulcinea's POV

"Ma'am, ang ganda po ng bahay niyo ano? Yayamanin ang napangasawa niyo, sana balang araw makatagpo rin ako ng gaya kay sir." Paglinga-linga ni Rita sa buong bahay habang buhat si Zavler.

Buhat ko naman si Zavie, hinihintay lang naming sumikat ang paunang sikat ng araw para mailabas namin ang mga chikiting para mapaarawan.

Umiling-iling ako. "Kung pera lang ang gusto mo at hindi ang taong mamahalin ka, ay hindi ka makakapaghanap." Walang pakundangan at diretso kong sabi.

Hindi lang naman kasi pera-pera lang ang pinag-uusapan. Kung ako lang, hindi mahalaga sa'kin ang pera, dahil mas importante parin yung pagpapahalaga ng isang asawa.

"Sa panahon ngayon, ma'am, practical na ang buhay." Rinig kong sabi niya.

Kaya huminga ako ng malalim, hindi na ako nagsalita dahil iyon na ang paniniwala niya, e wala tayong magagawa.

Muli akong bumaling sakanya. Simula nung pumasok siya bilang taga-alalay sa'kin sa pag-a-alaga kila Zavie at Zavler ay may mga napansin ako tulad nang mas maarte pa ito sa'kin, pati sa pananamit, hindi niya tinanggap ang uniform na ibinigay ko sakanya nung nakaraang araw dahil mas gusto niya daw ang mga dating isinusuot, kaya lagi itong naka spaghetti strap at shorts. Hindi ko na siya inabalang sinita dahil baka nakaugalian niya lang ang klase ng pananamit.

Nung nakaraang linggo lang siya nag-umpisa dahil nagpagdesisyunan namin ni Zac na kumuha na ng makakasama ko sa pag-a-asikaso ng mga anak namin, so we wouldn't bother Mommy because we were just an addition to what she was worried about.

Nang papasikat na ang araw ay lumabas na kami, tumambay muna kami ng ilang minuto bago namin mapagdesisyunang pumasok na.

I was about to close the door when I noticed something strange in the acacia tree. I secretly stared at it.

Tao iyon, na animo'y normal lang sa unang tingin, pero lumipas ang ilang segundo, napansin kong pasulyap-sulyap siya rito sa bahay.

Sigurado akong nagmamanman ang isang yun...

Hindi sila makalapit sa mismong harapan ng gate dahil sinesecure lagi ni Zac ang kaligtasan namin ng mga anak niya. There are security cameras in every part of the house, even outside, that are connected to Zac's laptop in his office in Astra, so even when he is at work he can detect if something strange happens.

Sa gate naman, naka set doon ang outside motion sensor. Sinadya niyang hindi naghire ng guard dahil may mga tao siyang nasa paligid lang, kaya panatag siya kapag umaalis.

Unti-unti kong inilock ang pintuan nang makitang naglalakad na iyon ng kalmado papalayo.

Alam kong tahimik silang humahanap ng tiyempo, so I always prepare myself because this is not just about Zac and me anymore...

Huminga ako ng malalim saka umakyat sa itaas, sinilip ko ang mga anak kong mahimbing nang natutulog kaya bumaba ako ulit para tawagin si Rita para makapagprepaire na ng pagkain.

Yasir's POV

I was busy checking my patients' schedules in my office room here at home. I've been here for about fucking 2 hours, soaking in front of my laptop, and I'm also doing paperwork that I haven't finished yet.
 
I dropped the ballpoint pen and took off my glasses, then I leaned back on the seat and rubbed the back of my neck. "Ugh..." 

Marahan akong lumunok. Ang dami ko pang pending na hindi naaasikaso, pero ayokong mawalan ng oras para sa asawa at mga anak ko. Kaya kong isantabi lahat basta para sakanila.

Ngumiti ako at umiling-iling. "Ahh..." Sinulyapan ko ang oras.

It's 9:45 p.m.

I adjusted my sitting position again and ran my left hand's fingers through my hair.
 
After a while, the door opened, so I caught a glimpse of the person who just entered.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon