Chapter 62

336 22 2
                                    

Thalythia's POV

"I said, don't bother me!" Matinis na hiyaw ni Zavie sa akin habang pinanlilisikan ako ng kanyang galit na mga mata.

Napalunok ako at nanatili sa ere ang kaliwang kamay ko na dapat hahawak sa balikat niya.

"Zavie, can you please show some respect? Wag mo namang pakitaan ng ganyan si Teacher." Seryosong tinig ni Zavler na nasa kaliwang gilid ko.

That's why I looked at him and smiled. "It's okay; just continue to complete the problem solving, and I'll check later, okay?" I said softly, then I caressed the back of his head.

Huminga siya ng malalim kasabay ng paglamlam ng seryosong aura nito pagkatapos ay dahan-dahang tumango, saka nito ibinalik ang atensiyon sa ginagawa.

Bumuga ako ng hangin bago lingunin uli si Zavie.

Nakasimangot itong nagsusulat.

Pinakatitigan ko siya ng maigi. Alam kong ayaw niya sa'kin, simula palang ay ramdam kona, pero kailangan lang talaga ng tiyaga.

Muli akong ngumiti. "Mukhang alam na alam mo na ang gagawin-"

"Yeah, that's why don't waste time talking to me." Malamya niyang sagot, saka nagtaas ng tingin diretso sa mga mata ko. "You know what? I don't like annoying people." Madiing dagdag niya.

Napakalalim niyang tumitig, kitang-kita ko sa pagkislap ng mga mata niya ang galit na nananalaytay doon.

Hindi ako naka-imik, nanatiling nakatikom ang bibig ko, hindi ko alam kung bakit nahinto ang tinig sa boses ko. May pinaghuhugutan siya, malaki, hindi ko maarok kung ano at kung bakit...

Napaiktad lang ako nang marinig kong bumukas ang main door.

Maya-maya pa ay may boses na nagmumula sa isang babaeng kararating lang.

"Where are my cuties? Tita Ninang's here." Mahinhing tono.

Napatingin ako kay Zavie nang mabilis itong itinigil ang ginagawa, pagkatapos ay madaling tumayo.

Bakas sa mukha nito ang galak dahil sa taong dumating.

"Tita ninang!" Patakbo niyang pagsalubong.

"Zavie, be careful-" Hindi ko naituloy dahil mabilis itong nailingat.

"I'm done!" Pagpukaw ni Zavler ng atensiyon ko, kaya bumaling ako sakanya.

Nginitian ko siya ng matamis dahil ganado itong tapusin ang mga pinapagawa ko.

Nakakatuwa...

"Let me check, baby." Ngiti kong ani, saka siya hinila pa papalapit.

"You promise if I get a perfect score, you'll cook me my favorite food, right teacher?" Exited niyang bulalas.

Napatawa akong mahina. Hindi talaga niya makalimutan ang sinabi ko nung nakaraan.

"Aha, of course-"

"Where is your Daddy, hmnn?" Bungad ng boses at lagapak papunta rito sa pwesto namin ni Zavler.

"He's upstairs, po. He said earlier that he was not feeling well, so it is better that we check him out."  Sagot ni Zavie.

"Oh, Zavler-" hindi niya naituloy nang magtagpo ang tingin naming dalawa.

Napamaang siya at hindi nakahakbang.

Her facial expression cannot be painted due to mixed emotions.

Huminga ako ng malalim dahil nagiging awkward na ang tension.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon