Chapter 84

319 11 6
                                    

"Anong gusto mong pasalubong pag-uwi ko mamaya?"
He asked softly as I smiled and adjusted the necktie he was wearing.

"Natatakam ako sa pinya, bebi. Pwede mo ba akong bilhan nun?" I replied sweetly.

Ngumiti siya at tumango habang inaayos naman nito ang hibla ng buhok ko't dumausdos pahaplos sa aking kaliwang pisngi.

After he got dressed, I led him out the door.

Hinalikan muna niya ng malamyos ang mga labi ko pagkatapos ay saka siya muling tumayo ng tuwid. "Are you going somewhere today?"

Kaya naman pinanatili ko ang pangiti at kaagad na umiling. Kailangan ko na namang magsinungaling... "Wala, dito lang ako sa bahay, Zac, bakit?"

Nangungusap ang mga mata niyang dahan-dahang umiling kasabay ng pagtaas-baba ng adams apple niya. "Nothing, baby." Maikli niyang sagot, saka niya binigyan ng halik ang ibabaw ng noo ko.

Pagkatapos nagpaalam na siya't sumakay sa kotse, bumusina muna bago siya tuluyang pumanhik.

Pinanood ko pa ang paglayo ng sasakyan bago ako huminga ng malalim.

May hindi tama sa ikinikilos niya ngayon, alam ko dahil sa pagsita niya kagabing may bahid ng pagsususpetsa at kahit hindi niya iyon isaboses ay kitang-kita ko sa mga mata nito.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang magtago sa likod ng mga kasinungalingan ko. 

Hindi ito magiging madali... At alam kong magiging kritikal ang lahat kapag nagkabukingan na.

Sumapit pa ang ilang sandali, nang makapagbihis ako. Nagsuot lang ako ng pants at hoodie.

Pinapapunta ako ng White Building, paghahandain nila kami para sa gaganaping palitan ng produkto mamayang gabi.

9:15 a.m, nang mapagdesisyunan ko nang lumabas ng gate.

Pinasandahanan ko muna ang paligid bago ako pumara ng taxi.

At the Casa White Building...

Naglalakad kami sa corridor nang magsalita si Jigs. "Nasa office siya ni Sir Jackson." Maalumanay niyang ani na tinanguan ko lang.

Sa grupo, kung may mga tapat, may palihim at pailalim ding tumatraydor.

At si Jigs iyon...

Magaling siyang umarte at napapaniwala niya ang kapatid ko at ang ilan, pero napag-aralan ko ang bawat isa sa kanila at kilos palang alam ko nang siya ang natatanging pinaghinalaan ko simula't sapul, na lalo ko lang napatunayan nang lihim ko siyang minanmanan ilang buwan na ang nakararaan.

May malaking tao ang nasa likod nito para magawa ang pagpasok rito nang walang kahirap-hirap at walang sinuman ang nakakaalam ng totoo niyang katauhan.

At ang malaking taong tinutukoy ko ay walang iba kundi si Yrjo Cavendish.

At para sa konkulusyon, isang private army si Jigs.

Kaya hindi na ako magtataka kapag may mga sundalong eeksena mamayang gabi.

Nakarating ako sa bungad ng pintuan nang marinig ko ang dalawang taong nag-uusap sa loob.

Kaya naman binigyan ko ng pansin ang paligid pagkatapos ay saka ko itinagilid ang katawan ko.

"Mukhang tumitiwalag na ang kapatid mo sa dapat na trabaho niya, na tila ba nakalimot na siya sa pagtatanaw ng utang na loob sa'min." Maalumanay ngunit malalim sa boses ni Jackson. "Ayokong maging tinik siya sa plano, at ayokong makarating pa ang kapalpakan niya kay Daddy, at kapag nangyari yun... Alam mo na kung saan kayo pupulutin." Seryoso nitong pagbabanta.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon