Chapter 83

328 14 3
                                    

Subdivision.

Shit, Thalythia!

Binago nila ang plano, kaya napagtanto kong susubukan nila si Zac ngayon dahil narinig ko silang nag-uusap kanina.

Mukha yatang hindi na umaayon lahat sa gusto kong mangyari. Tantiya ko ay nakakatunog na siyang wala talaga akong balak tapusin ang misyon ko dahil ang misyon ko na ngayon ay ilihis ang kambal ko sa gawaing  ito. Gusto ko siyang baguhin at papayaging makipagtulungan sa akin, at ipinangako ko sa sarili kong magagawa ko iyon.

Pero...

I immediately stopped because I spotted the red dot directly behind Zac.

Kaya naman kaagad na nanalas ang paningin ko sa buong buildings na naka palibot dito sa labas ng warehouse.

Nang maningkit ang mga mata ko sa aninong naaaninag ko sa isang gusali di' kalayuan mula kung nasaan ako ngayon. "Sabi na... Teo." Mariin kong bulong sa sarili.

Wala akong pakundangang inayos ang mask na suot, then I moved cautiously but quickly to get to where he was now.

Nakarating ako sa palapag. Isinandal ko ang likuran sa pader pagkatapos ay walang tunog kong idinungaw ang mukha ko.

Likod at pagposisyon palang nito habang hawak ang lagi nitong dalang ST1-4X28 Sniper Rifle, alam na alam ko nang si Teo nga.

Kaya naman bumalik uli ako sa pagkakasandal sa pader.

Kailangan ko siyang mapigilan.

Pero laking pagkakamali ko na sumugod ako rito ng walang kadala-dalang baril o kahit ano man.

Napapikit ako sa katangahan, pinagdikit ng mariin ang labi kong madaliang tinaranta ang isipan habang humahagilap ang mga mata ko sa paligid.

Hindi pwedeng tutunganga nalang ako rito ng ilan pang minuto.

Nang may mapansin akong isang bagay na nasa isang gilid

Kable...

Kaya naman lumunok ako ng marahas bago ako gumalaw.

Muli ko munang idinungaw ang mukha ko sa gawi ni Teo. Magandang pagkakataon ang naiisip ko, dahil sa labis na konsentrasyon nito sa target ay madali ko lang siyang magagapos sa leeg mula sa likod nito gamit ang kableng iyon.

I stepped on my feet very carefully. Ayokong makagawa ng kahit konting ingay.

Pagkatapos ng ilang segundo'y matagumpay kong natungo ko ang kabilang gilid ng pader at mabilis na dinampot ito. Laking pasasalamat ko ng taimtim dahil sapat ang haba ng kable na siyang magiging unang magagamit ko.

Ipinulupot ko ang pagkabilaang dulo't handa nang gumawa ng hakbang.

That's why I slowly walked closer behind him. Wala siyang ka ide-idea dahil na'kay Thalythia at Zac lang nakatuon ang buong atensiyon nito na talaga namang humahanap ng magandang tiyempo para patamaan si Zac.

I tightened my grip on the cable, and without saying a word, I immediately wrapped it around his neck, which startled him.

Buong lakas ko siyang hinila gamit ang kable sa leeg niya bago pa siya makagawa ng aksiyon.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon