Chapter 42

480 19 2
                                    

Dulcinea's POV

"Nea, do you take Yasir to be your husband?" Tanong ni Yvor.

"Do you promise to love, honor, cherish, and protect him forsaking all others, and holding only unto him forevermore?"

Dumiretso kami rito sa Magallanes Church, and since I wasn't expecting this night, I just wore an Amsale Fluid Satin Bias White Dress that I paired with white sandals, hindi na rin ako nakapag ayos ng mukha at buhok. Si Zac naman ay naka white long sleeve, pants and shoes.

At dahil gabi na, si Yvor na ang naging si padre. natawa pa ako nang nakasuot talaga siya ng priest uniform. Bale apat lang kaming nandito ngayon, ako, si Zac, Yvor at isang witness namin iyong pinsan nilang si Sir Yovin na kasalukuyan pang nagvivideo.

Nawala ako sa pag-iisip nang tumikhim si Zac.

Napakurap-kurap akong tiningnan sila, sa'kin pala sila nakatingin.

Saan na nga ba kami?

"Dalian mo na, bebi. Exited na ako sa honeymoon." Bulong ni Zac habang hinahaplos niya ang magkabilaang kamay kong hawak niya.

Lumunok ako at kagat labing ngumiti. "Yes, I do." Matamis kong pagsagot na nagpangiti sakanya lalo.

"And Yasir, do you take Nea to be your wife? Do you promise to love, honor, cherish, and protect her, forsaking all others, and holding only unto her forevermore?" Pagbaling ni Yvor Kay Zac.

"I will." He answered in full voice while staring at me.

Maya-maya pa ay lumapit si Sir Yovin at inilahad ang dalawang ring, simple lang ang design pero napaka eleganteng tingnan.

"Nea, please place the ring on Yasir’s left hand and repeat after me," Yvor said.

Dahan-dahan kong dinampot ang isang singsing at hinawakan ang left hand ni Yasir.

"As a sign of my love"

Huminga ako ng malalim. "As a sign of my love." Tinitigan ko siya sa mga mata habang sinisimulang bumigkas.

Nagagalak ang kaloob-looban ko, hindi man gaya ng kagrandeng kasal na inihanda niya para sa'min sa mga susunod na buwan ay ayos na ayos lang, kahit walang naging preparation at mga taong dumalo ay ayos lang, ang importante naman ay kaming dalawa. Sapat na ang dalawang taong nandito ngayon, at ang diyos na nakakasaksi sa pag-iisang dibdib namin ni Zac.

At kung nabubuhay pa sila mama at papa, siguradong magiging masaya din sila gaya ko, dahil mapupunta ako sa lalaking mamahalin at pakaaalagaan ako, kami ng mga magiging anak namin.

"That I have chosen you."

"That I have chosen you." Kumibot ang boses ko.

Ngumiti akong iniiwasang maging emosyonal.

I can clearly see in him the way I feel now, masaya siyang hindi makikita sa kanya ang pag luha. Pero kapag tumitig ka sa mga mata niya, nandoon ang kailaliman ng nararamdaman nito. Alam kong gaya ko ay nagpipigil siyang sakupin ng emosyon.

"Above all else."

"Above all else." Pagpapatuloy ko.

"With this ring, I thee wed."

"With this ring, I thee wed." Saka ko dahan-dahang isinuot sakanya ang singsing.

"And Yasir, please place the ring on Nea’s left hand and repeat after me,"

Kinuha ni Zac ang singsing na mas maliit kumpara sa nakasuot sakanya, saka niya masuyong hinawakan ang left hand ko.

"As a sign of my love"

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon