Chapter 41

452 24 1
                                    

Dulcinea's POV

"Yung pinangako ko sa sarili ko, natupad." Naluluha kong pagtawa. "Pinatunayan kong kayang-kaya kong maging girlfriend mo at sa mga susunod pang mga buwan Misis Cavendish na." Dagdag kong ani.

Nung pinakilala ko talaga siya kila Mira noon, mayabang akong nagtaas ng kilay dahil ni' katiting na pursiyento ay hindi sila umaasang magiging akin ang lalaking dati ko pang pinapangarap.

I took a deep breath. I try to measure the emotion on his face, but sometimes he's so hard to read. Nakatitig lang ngayon sa'kin ang paglamlam ng mga mata niya.

"Pero dumating yung araw na sobra kong ikinakatakot." Ginagawa ko lahat para hindi pumiyok at lamunin ng emosyon. "I was in my fourth year of college when my parents died in a car accident. Lubog na lubog ako non, dahil hindi ko naman alam kung magsusurvive pa ako dahil lumaki akong sandalan lagi si Mama at Papa. Hindi ko alam kung pano ipagpapatuloy ang buhay, kung kaya ko bang mamuhay ng mag-isa." Nanginginig ang klase ng boses ko at pagbabadya ng mainit na luha mula sa akin. "Akalaing mo yun," ngumiti akong napakunot ang noo. "kinuha sila sa'kin ng sobrang aga. Ni' hindi nga nila nakitang tumungtong ako ng stage nung grumaduate ako, hindi manlang ako nabigyan ng pagkakataong pasalamatan manlang at sabihing mahal na mahal ko si-la." Pagpiyok ko.

Naninikip ang dibdib kong naalala na naman ang mapait na nakaraan ko. Simula nun, iniiyakan ko sila araw-araw, para akong tangang tinatanong sila kung paano na? Kung ano nang gagawin ko.

"Dalawang buwan ang nakalipas simula nung mailibing sila, dumating ang matinding dagok. Nalaman kong may naiwang malaking utang si papa sa mga Otokawa. Para akong masisiraan ng ulo non dahil hindi ko naman alam kung saan ko pupulutin ang 96 million na ipambabayad." I draws a steadying breath. "Kung ano-ano na ngang naiisip ko, na kung ano kaya kung magbenta nalang ako ang dignidad o di' kaya magpakamatay nalang para takasan ang realidad." I focused once more as I sheathed my vulnerability.

"So you had no choice but to join their wrongdoings."  Mahina niyang pagtutuloy.

Lumunok ako't napaiwas ng tingin, gumalaw ako konti at pinakatitigan ang kawalang binabalot ng makakapal na hamog, kasabay ng pagdampi ng simoy ng hangin mula sa pisngi ko. "Ta-ma ka." I stammer. "I trained for almost six months. I accepted everything that was assigned to me. It wasn't easy, and to be honest, labag sa loob ko. I wasn't a bad person before, isa lang akong lowkey na tao at gusto kong manatiling ganun. Pero wala akong magawa, kailangan kong magbayad ng utang dahil kung hindi, ang mga taong nasa paligid ko ang magiging kabayaran." I whispered shamefacedly, swallowing hard against the dry lump expanding in my throat.

Muli akong tumingin sakanya. "Then one day, you were the main target they gave me. Ang sabi nila, babae raw ang kahinaan mo." Malungkot akong ngumiti. "Ang liit ng mundo diba? Nakakatawa lang dahil pangarap ko lang noon na malapitan ka at masabi ang feeling ko sayo, pero ang pagkakataong makalapit sayo ay hudyat ng isang malaking pader, na kailangan kong gi-bain." Pagpiyok kong ilang beses na lumunok.

Nanatiling tikom ang bibig niya, ipinagpapasalamat ko dahil hinahayaan niyang maipaliwanag ko lahat...

"Kahit mahirap, I accepted the mission. So everything was planned, since our paths crossed-"

"Till now..." Paos niyang boses, mahihimigan ang pait at lungkot sa mga mata niya.

Umiling ako. "Totoong plano ang lahat nang mga pangyayari. Pero may isang bagay akong pinakatotoo, sa lahat ng ipinapakita ko sayo, doon walang pagkukunwari... Totoong mahal kita-"

"You tried to end my life twice," he exclaimed, not blinking.
 
"Sa subdivision, kinailangan kitang labanan dahil may nakamanman sa'kin. Sa White Building, kailangan kong ipakitang desidido kitang wakasan. Pero ang totoo..." 
I reached for his cheek while my nose and eyes were heating up with tears. I stared at him. "Hindi ko kayang gawin yun sayo. Pano ko papatayin ang taong mahal na mahal ko? Ang taong nagbibigay ng lakas ko? Ang taong minamahal ako kahit may mga pagkukulang ako."

"Araw-araw mo akong pinapasaya, ni' hindi mo ako kayang awayin at iniintindi lagi. Kapag iniisip ko ang mga iyon, gusto ko nalang sabihin sayo ang lahat, pero inuunahan ako ng takot, ta-kot na baka kapag sinabi ko, kamumuhian mo ako at tuluyan kang mawala sa'kin."

Sobrang hirap na sa pagtulog at paggising maraming bumabagabag sa isip ko. Pinanatili kong lunukin ang konsensiya, at ipinagpatuloy na ipinakitang okay lang ang lahat...

Ilang segundong katahimikan, pinapakiramdaman ang balanse ng emosyon ng bawat isa sa'min.

He stared at me carefully. "Let's end this," he said, holding my gaze.

Napamaang akong tinitigan siya kasabay ng pagbitaw ko nang dahan-dahan sa pisngi niya. Umiling-iling akong nalaglag ang luha mula sa akin. "Ngayong sinasabi ko na sayo ang totoo, ayaw mo na? Hinihiwalayan mo na ako? Bebi, wag naman please? I'm sorry... Hindi ko naman kagustuhan, please?" Impit kong pag-iyak.

Naglilikot ang mga mata niyang pinakatitigan ako, mabilis niyang hinuli ang mga kamay ko para ibalik sa magkabilaan niyang pisngi. "No. I mean, let's end this conversation dahil naiintindihan ko na, baby. Malinaw na sakin lahat, nagkamali akong nagpasakop sa nararamdaman at naging sarado ang isip ko nitong mga nagdaang araw." There were trembling folds between his brows as his features distort with the weight of his words.

He cupped my cheek and smiled lightly, then wiped away the tears that were sliding down my cheeks.

Napakagat labi ako at tumango-tango, unti-unti akong nakahinga ng maluwag. Ang akala ko talaga makikipaghiwalay siya. Kapag nangyari yun, hindi ko talaga kakayanin...

Salamat sa diyos at nilinawan niya ang isip ni Zac, tinulungang niya akong masabi ang mga paliwanag ko.

"I'm sorry, Nea. I didn't mean to treat you coldly, I'm sorry, baby..." Sinseridad niyang bulong. Lumipat ang paghaplos niya sa balikat ko saka niya ako masuyong hinila para yakapin ng mahigpit.

Napapikit ako ng mariin at isiniksik ang mukha ko sa dibdib niya at ang pagyakap ko sakanya ng mahigpit pabalik. "Thank you, Zac. I lo-ve you." Hikbi kong ani.

Hinaplos niya ang likod ko, ramdam ko ang paghalik-halik niya sa buhok ko. "I love you, bebi. I love you so much. No matter what happens, I will keep you until the end." Paos niyang bulong sa may tainga ko.

Tumango-tango ako, kasabay ng pagbitaw namin sa yakap.

Rinig ko ang paghinga niya ng maluwag at ngumiti nang may pagmamahal.

Tumingin siya sa relong suot saka hinugot ang phone niyang nasa bulsa niya, kaya nagtataka ko siyang tinitigan habang nagpupunas ng luha ko.

He is calling someone.

His face was clear when he looked at me again.

"I need a witness tonight." Buong boses niyang saad sa kausap.

Napakurap-kurap ako.

Ibinaba niya ang tawag saka muling bumaling sa'kin.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magtanong nang magsalita siya agad.

"I'm sorry, Nea. But we're getting married tonight." Walang pakundangan niyang bulalas.

Napamaang ako't hindi nakagalaw sa kinatatayuan, nagmistulan ding huminto ang paghinga ko.

Magpapakasal na kami? As in NGAYON na?!

@dikaPinili_

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon