Chapter 93

330 15 7
                                    

Dulcinea's POV

Mabibigat ang mga talukap ng mga mata kong dahan-dahang iminumulat. Para akong hinihila ulit sa pagtulog ngunit ang ilang pakiramdam ko ay nagsasabi sa akin na kailangan kong tuluyang makamulat.

Pagkabigkas ng mga mata ko'y bumungad sa akin ang puting kisame. At first, it wasn't clear to me where I was when I heard the voice coming from the left side of the bed, where I was now lying.

Kumurap-kurap ako ng banayad.

Pinakiramdaman ang paligid.

Tila nagkusa ang butil ng mga luhang umagos sa gilid ng mga mata ko, nang masilayan ko ang mukha ng asawa kong si Zac na nasa tapat na ngayon ng mukha ko.

He was smiling, and I could clearly see the twinkling eyes of his; tears were building there

Hinaplos niya ang pisngi ko ng malamyos gamit ang isa niyang palad.

Napansin ko rin ang pagkakabenda ng isa pa niyang braso na nagpakunot sa aking mga kilay...

"Thank God, baby, you're awake." Mahina't malambing niyang boses, saka niya dinala ang labi sa ibabaw ng noo ko at hinalikan.

Ramdam ko pang nanginginig ang labi niyang nakadampi doon at ang paglalim rin ng paghinga niyang sinabayan ng mahina niyang paghikbi.

Nang dahil sa emosyong pambungad niya ay unti-unting bumibigat ang pakiramdam kong parang dinadaganan ng tole-tolenada.

Lumalalim ang paghinga ko't pinilit na ibuka ang bibig kong hindi makahagilap ng paunang boses.

Muli niya akong tinitigan, saka nito pinunasan ang mga luha niya. "Hush... Wag mong madaliin ang sarili mo, wife." Bakas ang matinding pag-aalala't pagpapakalma niya nang makitang nagbabadya na ang emosyon sa'kin.

Naglilikot ang mga mata kong tinitigan siya.

Nilunok ko ang nagbabarang laway para makalabas ang tinig mula sa akin.

Labis ang pagdagundong ng puso kong pigil ang takot na nararamdaman. "Si-i Zav-ler?" Pagkapos at nangangatal kong tanong.

Bakas sa eksprsyon nitong napatigil siya sa unang lumabas sa bibig ko, kasabay ng paglunok niya't paglikot ng kanyang mga matang nagsisimula na namang mamuo doon ang panibagong mga luha, na mas nagpatindi sa sari-sari kong nararamdaman.

Nanginig ang buong katawan kong habol na ang hininga. Pinilipilit kong bumangon nang agad niya akong pinigilan. "Za-ac, si Zavler?!" Hirap kong paghiyaw at paghagilap ng hangin, saka ko inihawak ang naka dextrose kong kamay sa braso niya't ipinagpipilitang ibangon ang sarili.

Napakibot ako nang sumabog ang malakas na hagulgol sa akin na agad ikinaalarma ng asawa ko't mabilis na yinapos ng mahigpit na yakap, kasunod ng impit rin nitong paghagulgol.

Ramdam ko pa ang nag-uunahang pagtibok ng mga puso namin habang nakakulong ang nagpupumiglas kong katawan sa mainit nitong mga bisig.

Para akong mawawalan ng ulirat-

"Mommy!" Sariwa ang matinis na boses na iyon sa kabila ng pag-iyak ko.

Bahagyang tumigil ang hagulgol sa akin na tanging pag-iyak nalamang ni Zac na nakasubsob sa leeg ko ang namayani.

Hindi ako pwedeng magkamali, hindi lang iisang boses ang tumawag sa akin kundi...

Dalawa-

Nangunot ang kilay kong mabilis na itinabingi ang mukha ko kung saan nanggagaling ang mga tinig.

Sunod-sunod ang paglunok ko nang malinaw sa mga mata ko ang dalawang batang papalapit.

Napakurap-kurap ako nang makitang umiiyak na rin si Zavie...

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon