Chapter 80

358 16 1
                                    

Dulcinea's POV

"Alam mo na dati pa, baby?" Gulat kong pagtatanong kay Zavie habang nasa higaan nila ako.

Sumampa muna ako rito sa kama nila dahil nasa bathroom si Zac, kasalukuyang naliligo.

Balanse lang ang lakas ng boses namin dahil kanina pa masarap na natutulog si Zavler.

Nasa pinakagitna ako habang nakasandal ang likod ko sa headboard ng kama't nakakalong si Zavie sa'kin.

Hinahaplos ko ang likod ng buhok niyang hinahalikhalikan ang noo niya ng ilang beses, na hinahayaan lang maman niya. Sinusulit-sulit ko lang ang mga taon na hindi ko nagawang halikan sila't mayakap.

Sobrang saya ng araw na ito, sa wakas ay maisasaboses ko na ang pagtawag sa kanila ng anak. Sarili kong mga anak.

Nakakahaplos ng puso nang sa kauna-unahang pagkakataon, tinawag nila akong mommy na matagal ko nang pinapangarap na marinig ko mula sa kanila.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko nung nabunggo ako. Bago kasi ako nawalan ng malay non, parang narinig kong sumigaw siya't tinawag akong mommy, na akala ko guni-guni ko lang dahil nagkakahalo-halo na rin kasi ang emosyon ko nung time na yun, pero napagtanto ko ngayong totoo pala at doon mismo niya ako tinawag na mommy...

Tumango naman siya. "One time, kinalikot ko po yung phone ni daddy. I was just going to take a selfie, but when I opened it, the wallpaper immediately appeared, and it was you, mommy. Kaya alam ko na dati pa kung anong itsura mo. And I'm so happy that time, I told myself, napakaganda pala ng mommy namin." Ngiti niyang pagpapaliwanag.

"Then, when you replaced Mrs. Paralela as our new teacher, I assumed you would know us, but I'm wrong; I was broken at that time, kaya hindi ko na lang din sinabi kay Zavler dahil ayokong pati siya masaktan." Bumaba ang tono ng boses. "Kaya nung dumating ka po sa bahay, ayoko talaga sayo dahil nagagawa mo kaming tiisin. You're acting like you don't know us."

Napalunok ako. Habang ginagawa ko pala ang pagkukunwari, hindi ko namalayang nasasaktan ko na pala dati pa si Zavie.

Napaka selfish ko sa point na nandiyan na, kaharap mo na sila, abot kamay mo na sila pero nabahag ang buntot ko't ipinagpatuloy paring paniwalain silang hindi ako si Nea.

The sadness drives the shame that’s finding an ever-firmer grip on my mind. I’m so stupid!

Muli ko siyang tiningnan nang haplusin niya ang pisngi ko gamin ang maliit niyang palad.

So I smiled with lots of love, then I caressed her hand and brought it to my lips and kissed it.

Matamis niya akong nginitian. "But that was before, Mommy. Little by little, it dawned on me that no mother would do such a thing without a deep reason. Kaya I understand na po ngayon, saka ang mahalaga po, nandito ka na ulit." Pinakatitigan niya ako ng nangungusap niyang mga mata. "Hindi mo naman na po kami iiwan diba? Diba po mommy? Dito ka nalang sa'min; wag ka napo ulit aalis... Kasi po, hindi lang po kami ni Zavler ang malulungkot, lalo na po si Daddy." Her sparkling eyes caught mine while she was saying those words.

I cleared my throat to suppress the emotions that were looming.

Mabilis akong tumango. "hinding-hindi na, dito lang si Mommy, pangako yan, hmmn?" Buong boses kong pagsisigurado.

Nasa punto ako ngayon ng buhay ko na sila lang muna ang iisipin ko bago ang ibang mga bagay.

Natapos nga ang pag-uusap namin, tinabihan ko muna sila hanggang sa makatulog si Zavie.

Nang maramdaman ko nang tulog na ito ay dahan-dahan akong bumangon.

Pinakatitigan ko si Zavler at hinaplos ang buhok niya, pagkatapos ay konti akong yumuko para maabot at mahalikan ang pingi't noo nito.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon