Chapter 24

559 14 1
                                    

Yasir's POV

"Pinatulan mo?" Yovin asked me.

I'm here at Yvor's hideout now.

"Medyo, pinuruhan itong alaga ko, sinong hindi papatol." I answered.

Pinag-uusapan namin iyong babaeng nakaingkwentro ko nung isang araw.

Alam kong may koneksiyon at kinalaman siya kung bakit ako pumunta sa warehouse. I think she is one of those who can answer what I want to know. She's just lucky because I didn't corner her that night, but when our paths cross again, I'll make sure she'll be bound in my hands.

"Anong sabi ni Yrjo?" Pagtatanong ni Yvor.

Tsk, tinamaan na ng kalasingan ang isang to...

Huminga ako ng malalim saka sumandal sa inuupuan sabay hithit ng sigarilyong nakaipit sa pagitan ng daliri ko. "Well, pag-uusapan nalang namin next-next week. Ayokong pag-usapan sa tawag, mas maganda kung in person. Saka wala akong load."

"Wala kang load pero balita ko may binabahay ka na katulad nitong si Yitro." He playfully exclaimed.

Proud akong tumango. "Yeah, ikaw nalang ang wala. Si Yrjo at Yael, may binabakuran na doon habang nakikipagbakbakan, itong si Yovin meron na rin. IKAW. NALANG. TALAGA. ANG. WALA." Pagdidiin ko saka sinabayan ng pang-uuyam.

Ngumisi siya. Woah, ngayon lang yata siya hindi nainis...

I smell something shitty.

"That's where you're making a mistake, brother," he said arrogantly, then waved the bottle of beer he was holding. "Syempre hindi ako magpapahuli, ako pa ba?" Papikit-pikit niyang bulalas.

"Feeling ko naman Yvor, hindi rin yan magtatagal sayo. Believe me, iiwan ka rin niyan tapos ngangawa ka na naman sa huli." Malokong sabat ni Yovin.

"That's just your feeling, pero mas feeling ko si Yitro ang mauunang iiwanan ng babae." Yvor said, then pointed to Yitro.

Umiling-iling ako saka bumaling kay Yitro na tahimik lang, hindi ko sure kung humihinga pa ba.

"Hey, may problema?" Tanong ko saka inabot ang bote ng beer saka ibinigay sakanya.

"Mukang tama ka nga Yvor-" pagbibiro ni Yovin na agad sinamaan ng tingin ni Yitro.

"Shut up, fucker." He said in a deep voice.

Siguradong si Rebecca ang problema nito, well, sino pa ba. Malaki kasi ang saltik nito kapag nagseselos, hindi gaya sa'kin na kimkimin nalang kesa naman awayin ko pa si Nea.

Ohh, damn. Naalala ko na naman iyong tanginang Romeo na yun, tsk. Pero, hindi naman ako nababahala dahil nasa puder ko na si Nea kaya wala na akong adapat alalahanin tungkol sa pukinginang lalaking yun.

Pangarapin niya si Nea hanggang sa gusto niya, pero hanggang dun nalang iyon dahil sa'kin lang ang girlfriend ko ng buong-buo, kahit dumi sa kuko niya akin.

"Suggestion ko sayo Yitro, buddy. Kasahan mo ng baril yang pinagseselosan mo, tapos ilibing mo ng nakadilat." Kumukurbang boses ni Yvor.

I was looking down at my side when my phone rang...

Ang baby ko lang pala.

Ngumiti ako saka inilapag ang bote ng alak saka itinaktak ang upos ng sigarilyo, pagkatapos ay dinampot ko ang phone kong nasa gilid at sinagot ang tawag.

Ano nabang oras? Baka hinahanap na niya ako. "Hmn, Bebi." Pagbungad ko.

Sumulyap ako kay Yvor nang tatangkain nitong lumapit sa'kin, kaya tumayo ako at lumihis ng paghakbang para marating ang pintuan saka ako lumabas.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon