Chapter 79

490 23 6
                                    

Dulcinea's POV

"Ha! Ang lamig..." Paglusong ko sa tubig.

Pumwesto ako rito sa medyo malalim abot hanggang leeg.

Nilingon kong muli ang mga batang nasa buhanginan na't gumagawa ng pasilyo. Tapos na kasi silang magsawa sa pagligo kanina kaya ako naman ngayon. Hindi ko kasi sila maiwan kanina dahil baka malayo sila't mapunta rito sa malalim na parte.

I swayed my arms under the water. Hindi ko na matandaan kung kelan ako huling nagpunta sa mga beach, matagal na kasi, siguro mga college pa ako noon.

That's why I exited yesterday. Ang dami ko pang dinalang swimwear para marami akong maisuot, pero hindi ko rin naman pala mapapakinabangan dahil sa sobrang higpit ng asawa ko.

Sayang, mas magaan pa sana ang katawan ko kapag wala itong damit ni Zac.

Tsk.

Naalala ko yung kanina. Ang ayoko yung nilalandi niya ako tapos hindi naman pala paninindigan... Naturingan pa naman siyang mahilig sa ano, tapos mambibitin lang.

I just took a deep breath, then I dove under the water.

Lumangoy ako sa mas malalim pang hindi na abot ng dalawang paa ko, kaya naman iniahon ko na ang ulo ko't kinontrol ang dalawang hita ko sa banayad na pagsipa ng mga paa ko sa ilalaim ng tubig.

I swam in different directions, then I laid back, lifted up, and then I adjusted to lay flat on the water and flutter my legs while circling my arms in a windmill; it looked like I was lying on a bed of clouds. 
 
Ugh! This is better...

Muli akong huminto't sinulyapan ang mga bata.

Nandoon parin sila...

Inilingon kong muli ang mga mata ko sa kung nasaan nakapwesto kanina si Zac.

Wala na siya doon, "san na yun?" Bulong ko sa sarili habang inililinga parin ang ulo ko sa magkakaibang parte ng beach.

Tsk, baka nambabae. Marami pa namang chix sa gilid-gilid. Pero subukan lang niya at nang makita niya ang hinahanap niya.

Pinakiramdaman kong muli ang tubig, habang tumatagal at papalubog na ang raw mas nagiging malamig ito sa balat.

Siguro kailangan ko nang umahon at siguradong nilalamig na ang mga bata sa basa nilang suot.

Gagalaw na sana ako nang...

"Ahh-" nanlaki ang mga mata ko nang may biglang pwersang humawak sa kaliwang paa ko pahila pailalaim.

Dahilan kung bakit lumublob ang buong katawan ko sa tubig!

Nagpiglas ako't pilit binabawi ang paa kong hawak niya. Para akong kakapusin ng hininga dahil sa sobrang pagdagundong ng dibdib ko sa kaba.

Binuksan ko ang mga mata ko kasabay ng pagbitaw ng pwersang iyon at ang bultong unti-unting pumapantay sa'kin.

Nang mapagtantong ko si Zac. Malinaw sa mga mata ko ang pagngisi niya't ipinulupot ang braso sa baywang ko, kaya dumikit ang katawan ko sa matigas niyang katawan.

Kasunod nito ay ang paglapit pa ng mukha niyang dumiretso ang labi niyang sinakop ang labi ko sa mabilis na paraan.

He deepened the kiss, eager to taste more of it.

"Hmnnp!" Umawing ang pagdaing ko sa magkabilaan kong tainga.

Nagpiglas ako't kumakawala sa halik, nang mas hinigpitan niya ang pagkakayapos sa baywang ko at ang paghawak rin ng isa pa niyang kamay sa likod ng leeg ko para idiin pa lalo.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon