Chapter 71

333 18 4
                                    

Dulcinea's POV

Bumuhos ang pagragasa ng mga luha ko pagkalabas ko ng kwarto. 

Nanghihina akong napahawak sa magkabilaan kong tuhod dahil ramdam ko ang pangangatog nitong gustong bumagsak. "I'm sorry." Impit kong paghikbi.

Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin, ramdam ko ang kaayaw niyang makinig kung ano mang paliwanag ang sasabihin ko.

Pinaghandaan ko nang magiging masakit ang tagpong ito pero hindi ko akalaing pipigain ako ng husto...

Napatingin ako sa harapan ng pintuan ng kambal.

Tahimik akong umiiyak habang pinipilit kong maging diretso ang lakad ko.

Humawak ako sa malamig na pader nang makatapat ako sa pintuan.

Kagat labi kong pinihit ang seradura ng dahan-dahan. Iniwasan kong gumawa ng ingay sa pag-iyak ko't baka magising sila.

Gumawa ako ng maliit na siwang sa pintuan, sapat na para masilayan ko sila mula sa loob na mahimbing na natutulog.

Ipinagpapasalamat ko dahil hindi sila nagising sa ingay kanina. Ayokong makita nila kung paano magwala ang daddy nila nang dahil sa akin.

Ayokong ilagay sila sa sitwasyong alam kong sila ang mas maaapektuhan.

Sa bawat araw na nandito ako, ilang beses ang pagtatangkang nagawa ko, pero mas nangingibabaw ang takot sa akin. Natatakot akong harapin ang katotohanan dahil baka kapag nalaman nila ay lalayo ang loob at kamumuhian nila ako, dahil sa una palang na pagmulat nila sa mundong ito ay hindi nila nakalakhan ang isang ina na dapat ay gumagabay at nag-aaruga sa kanila. Natatakot akong sagutin isa-isa ang mga pwede nilang itanong kung bakit ako nawala ng limang taon na dapat kasama ko sila. Natatakot akong tanungin nila ako kung bakit ko ipinagdamot ang bawat taong iyon sa kanila.

Napatakip ang likod ng kaliwang kamay ko sa labi ko dahil sa pagbibigat ng dibdib kong hindi maiiyak ng malakas ang tahimik na pagragasa ng mga luha ko.

"Pa-tawarin niyo ako..." Hirap kong pagbulong.

Nang makita kong gumalaw si Zavie ay napatigil ako sa paghingang mahigpit na humawak sa seradura.

Kagat labi kong dahan-dahang isinara ulit ang pintuan.

Ilang beses akong hirap na lumunok...

Alam na ni Zac at makakabuting aalis ako nang hindi alam ng mga anak namin.

Aalis ako bilang si Thalythia na tutor ng kambal at hindi bilang si Nea na mommy nila.

Mas magaan sa'kin kung mananatiling nakabaon sa lupa ang pangalan ko. Mas malaya kong iisipin na sa ganitong paraan hindi ko masasaktan ang mga anak ko.

Wala ako sa sariling pumasok sa kwarto ko at binitbit ang maleta, saka ako lumabas ng pintuan.

Dire-diretso lang ang lakad ko...

Nahintong muli ang mga paa ko nang matapat ako sa pintuan ng kwarto ni Zac.

Muling akong napaluha. Hindi ko alam kung anong magiging kahihinatnan ng lahat pero hindi ako mawawalan ng pag-asang balang araw mapatawad din niya ako, alam kong hindi pa sa ngayon, pero maghihintay ako, kahit matagal, kahit dumoble pa ang limang taong kalungkutan hanggang sa dumating yung araw na kaya na niya akong pakinggan, ulit.

Ipinagpatuloy ko ang paghakbang hanggang sa makalabas ako ng main door.

Pagkalabas ko ay sumalubong sa akin ang tahimik na paligid, sumabay rin ang paghampas ng simoy ng hangin sa gawi ko.

Nang tuluyan akong makalabas ng gate ay muli kong sinulyapan ang bahay.

Nanlalabo ang paningin ko dahil sa pamumuo ng panibagong mainit na mga luha.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon